"ATE," tinawag ni Tashia ang kanyang kapatid na malayo na naman ang tingin.
Napakurap na lamang ito at gulat siyang tiningnan. "Pasensya na Tashia." Paghihingi nitong dispensa sa kanya.
Tumango na lamang siya. Inihatid niya si Ashley sa tahanan nito, magda – dalawang araw na rin ang lamay ng kanyang Lola Felicia.
"Babalik ako mamayang gabi." Pagpapaalam niya rito.
Tumango na lamang ito.
"Ashley, magbihis ka na, huwag mo masyadong pahirapan ang Mama mo ngayon." bilin niya sa batang nakatingin lang sa kanya.
Ngumiti ito at tumango sa kanya.
"Tashia, ah, heto alam kong wala ka ng allowance ngayon, saka, bayad sa pagtulong mo sa akin." agad bigay sa kanya ng isang sobre.
Tiningnan niya lang ito.
"Saka alam kong kulang iyan, kapag nakaluwag ako, ibibigay ko sa iyo ang kulang." Ngumiti ito sa kanya.
May sariling pag – iisip ang katawan niya, yinakap niya si Sharlene na walang pasabi, agad din naman siyang bumitaw kaagad, nalilito lang siyang tiningnan nito.
"Sa iyo na lamang iyan, ate. Ambag ko na lang iyan sa pagpapalibing kay Lola." Iyon lang ang tanging nasabi niya.
Ngumiti ito sa kanya, may kinuha ito sa sobre.
"Heto, pambaon mo, hayaan mong maging ate ako sa iyo, Tashia." Sabi na lamang nito noon.
Alam niyang mapilit talaga si Sharlene, kaya tinanggap pa rin niya ang per ana iyon, pero, alam niyang ipagbibili niya ito ng mga importanteng bagay na magiging ambag niya sa gastos ng pagpapalibing ng kanyang Lola.
Pareho lang silang iniwan sa ere, kahit man totoong magulang nila'y binitawan sila at iniwan sila na wala man lamang paalam.
Tumango na lamang siya, "Dito na po ako, ate." Pagpapaalam niya noon.
Kumaway lang si Sharlene, tiningnan niya ang paligid may kakaunting tao na rin na nandoon sa labas ng lamay ng kanyang Lola. Nag – abang siya ng jeep na masakyan, para makauwi na rin siya sa tinutuluyan niya ngayon.
Alam niyang nagtatrabaho pa ngayon ang ate Vivianne niya, habang nag – aantay siya ng jeep, nakita na naman niya ang pagmumukha ng asawa ni Sharlene, na palaging nakabuntot ang bestfriend nitong si Shiela.
Nakita niyang naghalikan pa ito bago pumasok, napataas na lamang ang kilay niya, at napailing – iling na lamang. Pumara siya ng jeep at agad sumakay, sinilip pa niya ito, nabigla siyang may nakasunod kay Shiela na isang babaeng nakapanluksa ang damit.
Hindi niya naaninag kasi agad umandar ang sinasakyan niya, kaya naman pinilig niya ang kanyang ulo, kung ano – ano na naman ang nakikita niya ngayon.
Tiningnan niya ang wristwatch niya, malapit nag mag – ala- singko nang hapon, mabuti na lamang maaga ang schedule niya ngayon, at nagpapasalamat siyang nasundo niya si Ashley sa paaralan.
Natanaw na niya ang tinitirhan nila, agad siyang pumara, nagbayad at nanaog kaagad. Tiningnan niya ang kabuuan ng paligid, kinuha niya ang susi ng kanilang tinitirhan.
Naabutan pa niya ang kanyang kapatid.
"Maaga ka atang nakauwi sa trabaho mo ngayon, ate." Agad niyang sabi noon.
"Ah oo, ganoon na nga." Napasabi na lamang nito na abalang – abala, diretso na muna siya sa silid para magbihis ng kanyang pambahay na damit.
Agad siyang nagbihis para matulungan niya ang kanyang kapatid, para rin makapagpahinga rin siya dahil pupunta ulit siya mamaya – maya sa bahay ni Sharlene.
"Kumusta siya?" biglang tanong ni Vivianne sa kanya.
Napalingon na lamang siya. "Sino?" tanong niya pabalik rito.
Hindi ito sumagot, narinig pa niyang napabuntong – hininga na lamang ito.
"Alam mo may napaginipan ako 'nong isang araw." Kwento naman ng kanyang kasama.
Naghihintay na lamang siya kung anong susunod na ikwento nito ngayon. Tipikal na sa kanila ang magkwentuhan, dahil sila lang naman dalawa rito sa pinag – uupahan nilang tahanan.
"Nakita ko si Lola." Narinig niyang sabi kay Vivianne. "Humihingi siya ng tulong sa akin." napabuntong – hininga na lamang ito.
"Kailangan mo na sigurong magpahinga ate." Sabi naman niya noon "Hindi ka ba pupunta ngayon?" tanong naman niya at binalingan ang kausap.
Nagbuga ito ng hangin at napailing – iling na lamang "Kapag okay na ako, Tashia, binabagabag pa rin ako sa nakita ko sa panaginip."
Siya naman ang napailing kaagad kumunot ang kanyang noo "Ano ba iyang panaginip mo?" tanong naman nito sa kanya.
"Hindi ako naniniwala sa mga pamahiin o kaya multo, pero, hindi ko alam kung bakit iba ang pakiramdam ko ngayon at sa bawat panaginip ko."
Tiningnan naman niya ito, makikita sa mukha ni Vivianne ang pagkabalisa at pag – aalala habang malalim ang iniisip.
"Sa panaginip ko may nakita akong babaeng nakapanluksa ang soot nitong damiy, pero, hindi ko maaninag ang mukha nito, may kasama si Lola ng dalawang tao, parang mag – asawa yata na nakatali ang kamay nito sa isang bagay na hindi ko nakikita." Pagpapatuloy nito sa pagkwento noon.
Babaeng nakapanluksang kasootan? Napatanong sa kanyang isipan, mas lalong gumulo ang pag – iisip niya, dahil kani – kanina lang ay may nakita itong babaeng nakapanluksang nakasunod sa dalawa.
"Saka, nakita ko si Ashley."
"Ha? Bakit nadamay si Ashley rito?" tanong naman niya sa kanyang kausap.
"Hindi ko rin alam, nagsasabi ang isipan kong may mangyayaring masama sa bata." Napatitig naman ito sa kanya, nag – aalala ang mukha nito at nakita niya ang takot sa mga mata nito.
"Ate, magpahinga ka na lang muna." Sabi ni Tashia, ayaw niyang takutin ang sarili niya ngayon sa pinagsasabi ng kanyang kapatid.
Napabuntong – hininga na lamang ito. "Yeah, baka kulang lang talaga ako sa pagpapahinga ngayon, kumaim ka na lang diyan, at sabihin mo sa akin kapag nakaalis ka na." Walang kagana – gana nitong sabi at agad bumalik sa kwarto.
Napatitig siya sa mga gamit noon, napahawak siya sa lamesa, umupo na muna siya na pinagtimbang – timbang ang pinagsasabi ng kanyang kapatid ngayon.
Hindi pwede, hindi pwedeng mangyari iyon, kulang lang sa tulog si ate Vivianne. Napasabi sa kanyang isipan, tapos na siyang magluto, kailangan niyang kumain, para rin makapagpahinga siya.
Agad siyang diretso sa couch sa kanilang tahanan at napahiga, binabalewala niya ang sinabi ng kanyang kapatid ngayon, dahil hindi magandang biro o pag – iisip ang sinasabi ng kanyang kanyang kapatid.
Iidlip na lamang ako. Agad niyang ipinikit ang kanyang mga mata. Naging tahimik ang kanyang paligid at kumalma ang isipan niya.
Nakarinig siya ng isang mahinang paghikbi, kaya naman, napadilat at napabangon siya sa kanyang hinigaan. Inilibot niya ang kanyang paningin. Naririnig pa rin niya ang mahinang paghikbi at pag – iyak, pinakinggan niya itong mabuti kung saan nanggaling ang iyak na naririnig niya ngayon.
Tumayo si Tashia para hanapin ang naririnig niyang pag – iyak, napasinghap siya nang may nakita siyang isang bata na nakasoot ng pan – ospital na damit, nasa sulok ito na parang nagtatago. Nakaramdam siya ng kilabot sa kanyang katawan.
Nagtaka siyang tinitingnan ang batang umiiyak sa sulok, dahil isinirado niya naman ang pintuan para walang makapasok sa kanilang tahanan.
Dahan – dahan niya itong nilapitan.
"Bata." Tawag niya rito.
Umiiyak pa rin ito at mahinang humihikbi.
"A – Anong problema?" tanong niya ulit.
Dahan – dahan itong tumingin sa kanya, nagulat na lamang siya sa kanyang nasaksihan.
"--- As---Ashley?" nahanap niya ang kanyang boses.
"A --- Anong nangyari? Bakit---" hindi siya natapos sa kanyang sasabihin.
Nang masaksihan niya na ang mga luha nito'y nagiging dugo.
Tulong --- Tulong ate Tashia. Iyon lang ang narinig niyang palahaw.
Napabangon si Tashia sa kanyang hihigan noon.
Isang panaginip? Pinagpawisan siya nang malagkit sa kanyang panaginip.
Baka kung anong nangyari kay Ashley. Dali – dali siyang nagbihis noon para puntahan si Sharlene, nakita niyang mahimbing pa ring natutulog si Vivianne, agad siyang nagbihis.
"Aalis ka na?" biglang tanong ni Vivianne sa kanya, nagising siguro ito sa kaluskos na ginagawa niya ngayon.
Tango lang ang isinagot niya.
Bumangon ito at tiningnan ang orasang nakasabit sa kanilang kwarto.
"Mag – aalas – nuwebe na pala nang gabi." Napabuntong – hininga na lamang ito. Lumabas sa kwarto si Vivianne siya nama'y nagbibihis at naghanda sa pag – alis ngayon.
Nadaanan niya ang kanyang kapatid na naghanda ng makakain nito.
"Aalis na ako." Pagpapaalam niya.
Tango lang ang isinagot nito sa kanya. Agad siyang nag – abang ng masasakyan, iniisip niya pa rin ang panaginip niya kanina na parang totoong – totoong nangyari.