NAIKWENTO na ni Tashia sa kanya ang nangyari, pati rin naman si Vivianne ay nagulat na kaya ring makita ni Sharlene ang pangyayari sa nakaraan at kasalukuyan, isa pa na ikinagulat niya ay kagagawan ito ng kanyang lola noon, napabuntong – hininga na lamang siya.
Ayaw niyang madawit sa gulo, dahil bawat isa sa kanila'y may hinaharap na problema, nandito siya ngayon, kasama niya si Tashia sa hospital, dahil pinapahinga na muna si Sharlene, nagagalak siya na may assistance na matatanggap na biktima sa aksidente, na galing sa paaralan na pinagtatrabahuan nito.
Mas mabuti na iyon, nakatutulong pa rin itong maibsan ang pangangailangan nila. Napasabi sa kanyang isipan.
Patuloy pa rin ang under observation si Ashley, hindi na rin ito nanganganib ang buhay nito, ngunit comatose pa rin ito hanggang ngayon. Ang sabi ng doctor sa kanila'y babalitaan sila kung may improvement ba ang nangyayari, lalong – lalo na ang blood clot sa ulo nito.
"Tash, matulog ka na muna." Iyon lang ang sabi niya sa kanyang kapatid na tahimik na nagbabasa sa aralin nito.
Tiningnan naman siya nito. "May trabaho ka pa bukas, hindi ba? Saka, hindi naman maaga ang schedule ko bukas may oras pa akong makapagpahinga." Iyon lang ang narinig niya sa kanyang kapatid.
Napabuntong – hininga na lamang siya.
"Natatakot ka ba sa makikita sa panaginip mo?" diretsahan niyang tanong kay Tashia.
Kaya naman, napatitig ito at hindi kaagad sumagot, nag – iisip – isip naman ito. Napabuntong – hininga na lamang ito.
"Nag – aalala ako kay Ashley, baka ano ng mangyari sa kaluluwa niya na lumalaban pa ang katawan niya." Iyon lang ang narinig niya sa kanyang kapatid.
"Huwag na muna nating isipin iyon, dumadaragdag lang iyan sa magiging problema natin." Tanging sagot naman niya.
Lumalalim na ang gabi. Tiningnan niya ang kanyang orasan, malapit na maghating – gabi.
"Iidlip lang ako saglit, Tashia. Ikaw rin, matulog ka na, tawagin mo ako kapag may kailangan." Dali – daling humiga si Vivianne sa isang maliit na hihigan na nandoon, nagtalukbong siya ng kumot, agad siyang nakaramdam ng kaginhawahan at iyon ang nagpapadali sa kanyang pagtulog.
May naririnig siyang isang taong naglalakad, pabalik – balik sa daraanan nito, gusto niyang balewalain iyon, ngunit, naiirita siya sa kanyang naririnig, kaya naman, binalikwas niya ang kanyang kumot.
Napakunot ang noo niyang wala siya sa hospital.
Hindi maari, hindi maaari. Ayokong makakita ngayon, pagod ako. Napasabi naman sa kanyang isipan, kaya naman, kinuha niya ang kumot at nagtalukbong ulit, ipinikit niya ang kanyang mga mata.
Umaasa si Vivianne sa pagmulat ng kanyang mata, nakabalik na siya sa hospital. Ilang minutong nakapikit si Vivianne, hindi na rin niya naririnig ang yabag.
Baka nasa hospital na ako. Napasabi na lamang sa kanyang isipan.
Kaya naman, agad niyang inimulat ang kanyang mata, ngunit, binigo siya, dahil wala pa rin siya sa hospital.
Hindi ako tatantanan nito. Napabuntong – hininga na lamang siya, kaya naman bumangon si Vivianne.
Nasa isang silid siya ngayon, hindi niya alam kung kaninong bahay ito. Pinihit niya ang ang pinto, bumaba siya sa hagdanan, tahimik ang paligid at walang taong nandoon.
Inilibot niya ang kanyang paningin, hindi talaga pamilyar sa kanya ang lugar, may nakikita siyang mga larawang hindi naman niya kilala.
May naririnig siya sa isang silid na pag -uusap. Sinilip niya iyon, tantiya niya'y may mga pagpupulong itong nagaganap. Dahan – dahan siyang pumasok, hindi naman siya napansin, kaya nandoon siya sa gilid, minamasdan ang mga taong nakatalikod sa kanya.
Dalawang babae at isang lalaki.
"Fredrick, hindi ka ba padalos – dalos sa desisyon mo?" narinig niya ang nag – uusap.
"Ginugulo niya tayo, Angely." Iyon lamang ang sagot nito sa isang babae.
Humarap ang isang babae noon, nagulat siya sa kanyang nakita.
Lola Felicia? Napatanong sa kanyang isipan.
"Pinatay ba ninyo ang babaeng gumugulo sa inyo?" rinig niyang tanong kay Felicia.
Nag – aalangan namang sumagot ang dalawa, ngunit, tumango lang ito sa katanungan nito.
Alam ni Vivianne na ginagamit ni Felicia ang kakayahan nito para pagkakitaan, para sa kanya, ang kakayahan na iyon ay nagdadala lamang ng kapahamakan sa kanyang buhay noon.
"Nakausap ko si Leah Martinez, kailangan mong makulong Fredrick Manuel Santiago, doon, matatahimik at mapapatawad ka niya, ibalik mo rin iyong kayamanan na kinuha mo sa kanya, dahil para iyon sa mga taong nangangailangan."
Nagtagpo ang kilay ni Vivianne sa kanyang naririnig noon, hindi niya maintindihan ang nangyayari.
Sino si Leah Martinez? Napatanong na lamang sa kanyang isipan.
"W --- Wait, h--- huwag kang magsalita nang patapos Felicia," takot na tiningnan iyon ng lalaking nagngangalang Manuel.
"Ano ang kapalit na ibinigay ni Leah sa iyo?" tanong naman ni Angely.
Ngumiti ito nang makahulugang tingin. "Praktikalan lang akong mag – iisip, dahil may binubuhay rin naman ako, kailangan ko nang malaking halagang pera para rin sa luho ko." Iyon lang ang sagot nito.
Hindi mayaman ang pamilyang Rosario, bata pa siya noon, at hindi niya maintindihan ang takbo ng mundo, noong hindi pa naghiwalay ang magulang niya, nabigla na lamang sila sa biglaang pag – angat ng kanilang Lola, at doon, ipinamahagi nito ang kayamanan at pera nito, dahil din sa ganid at pagkagahaman ay ito na rin ang naging lamat sa pamilya nila.
Nakita niyang ngumiti ng kakaiba ang kanyang lola.
"Pwede naman nating pag – usapan, iyan." Namutawi sa labi nito na may binabalak siya.
Nag – iba ang kanyang paligid, at wala na siya sa bahay. May nakita siyang isang babaeng malayo ang tanaw noon.
"Magbabayad kayo, magbabayad kayo." Mahinang usal nito.
"Felicia, nagtiwala ako sa iyo at ibinigay ko ang lahat para tulungan mo ako sa simpleng kahilingan ko, hustisya lang naman ang nais ko." Naririnig niya iyon.
"Mag – aantay ako sa inyo, hindi ako makakapayag na magiging masaya kayo rito. Hihintayin ko ang kaluluwa ninyo rito." Kakaiba ang ngiti noon.
Ang puting damit nito'y napalitan ng isang panluksang kasootan. Mahina itong napapatawa.
Nagsitaasan ang balahibo niya sa katawan noon. Napabaling ito sa kanya, at ngumiti sa kanya.
Naalala niyang ito ang babaeng sumusunod kina Martin at Sheila, at ito rin ang babaeng pumunta sa lamay ng kanyang lola Felicia.
Nagkaroon siya ng mga posibleng haka – haka.
Siya ba'y si Leah Martinez? Napatanong sa kanyang isipan noon.
Napadilat na lamang siya bigla nang may yumuyogyog sa kanya. Tumambad kaagad sa kanyang paningin si Tashia na nagulat sa kanya.
"Ayos ka lang?" napatanong na lamang ni Tashia sa kanya.
Napapikit na lamang siya, sabay napailing – iling. Bumangon siya kung saan siya nakatulog. Napansin niyang madaling – araw. Tiningnan niya ang oras, kailangan na niyang maghanda para makapasok siya nang maaga.
Hindi pa siya nalilinawan sa nangyayari at bakit naging konektado ito.
May kinalaman ba si Lola kay Leah Martinez? Napatanong na lamang siya.
"Vivianne." May tumawag sa kanya.
"Ate Sharlene, bakit ang aga mo ngayon?" tanong naman niya pabalik.
Napailing na lamang ang tinanong niya, napansin niyang nawala ang singsing nito sa daliri nito.
"May nangyari ba sa iyo, ate?" tanong naman niya.
"Ah, bumalik lang ako sa dating bahay ng Lola Felicia, pinalayas na ako ng asawa ko." Mahina pa itong napatawa.
Napataas ang kilay niya.
Ang kapal ng mukha ng lalaking iyon. Napasabi na lamang sa kanyang isipan.
"Ate, umuwi ka na muna." Iyon lang ang narinig niya sa kanyang kapatid.
Tumango na lamang siya noon.