CHAPTER TWENTY – SEVEN

BINIGYAN ni Leah ng pagkakataon ang batang si Ashley na marinig at makita nito ang nangyayari, ngunit, hindi niya ipinakita ang malalaswang nasaksihan niya, dahil bata pa ang isipan nito.

 

Napabuntong – hininga lang ang bata, matapos masaksihan nito ang inang si Sharlene.

 

Sinaktan ba ni Papa si Mama? Malungkot nitong tanong sa kanya.

 

Binalingan niya ito, at hindi siya sumagot sa katanungan ng bata.

 

Narinig niya ang bawat buntong – hininga nito. Siya lang ang nakaririnig sa boses ni Ashley. Nalaman na rin niyang unti - unting inalam nito ang buong pangyayari sa buhay niya at bakit nadamay ang lola nito.

 

Pinagmasdan niya ang kulungan ng tatlo, tahimik itong nakamasid sa kawalan, tiningnan niya ito na walang buhay sa kanyang mga mata. Nag – iisip siya kung ano na naman ba ang gagawin niya.

 

Kabago – bago lang silang naglaro kanina.

 

Hawakan mo ang kamay ko, Ashley. Nakikipag – usap siya sa isipan nito.

 

Tumango lang ang bata at sinunod siya.

 

Dinala niya ang bata sa nakaraan noon.

 

May isang batang nanlilimos at dala – dala ang may kalawang na lagayan nito at kumakalansing ito, nakaupo ito sa gilid ng kalsada. Hawak – hawak ang tiyan nito.

 

"Bata – bata, anong pangalan mo?" tanong naman ng isang babaeng lumapit sa batang gusgusin.

 

"S --- Sharlene po." Sagot naman nito sa katanungan ng isang babae.

 

"Ilang taon ka na?" tanong naman ng isang lalaki.

 

Nahihirapan pa itong buuin ang simbolo sa kamay nito sa numerong apat.

 

Nagkatinginan naman ang dalawa, tantiya niya ay mag – asawa ito.

 

"Sumama ka sa amin." Yaya naman ng babae nito.

 

Natakot naman ang batang babaeng si Sharlene.

 

"Huwag kang mag – aalala, hindi ka namin sasaktan." Sabi pa nito.

 

Nakuha nila ang loob ng bata, dinala nila ito sa bahay, simpleng bahay lamang iyon, may batang sumalubong nito, na nasa dalawang taong gulang.

 

"Ma? Sino po siya?" tanong nito sa dalawang nalilito.

 

"Siya ang magiging ate ninyo." Sabi pa nito, isa pa'y halata nitong buntis ito.

 

"Baliw ka ba, Linda, saan mo napulot ang batang iyan?" tanong naman nito ni Felicia na malakas pa ang pangangatawan.

 

"Nay, naawa lang ako sa bata. Saka, mabait naman, pwede mo nga siyang isama roon para may tutulong sa iyo di ba?" tanong naman nito sa matandang nagpupuyos ng galit.

 

Hindi na lamang ito sumagot.

 

"Dagdag gastusin lang ang idinala mo rito, Linda. Pilit ko nga kayong pinapakain, kahit nagkaanak pa kayo." Gigil na gigil ang boses nito.

 

Hindi na sumagot ito. Hinilang marahas ang batang si Sharlene at tinitigan itong mabuti.

 

"Hihiramin ko ito ng isang linggo, pagkatapos, ikaw na naman ang magpapakain nito."

 

Tumango lang ang kumupkop sa kanya.

 

"Magpakabait ka roon ha? Saka, makakain ka pa ng tatlong beses sa isang araw." Iyon lang ang sinabi sa kinilalang ina ni Sharlene.

 

Dahil wala pang muwang ang bata noon ay tumango lang ito. Sumama ito kay Felicia, ngunit, hindi alam ng bata kung ano ang maaaring kahihinatnan.

 

Kapag nagkakamali ang batang si Sharlene, ay pinapalo ito, minsan nasasaktan ito nang husto, saka, sinasaktan siya nito nang walang dahilan, isinisilid sa isang baul at umiiyak lang ang batang si Sharlene noon.

 

Ngunit, alam ni Linda ang nangyayari, pero, pinagtatakpan pa nito ang pagkakamali ni Felicia. Nagkakaroon na ng takot si Sharlene, dahil nga si Felicia lang ang inaasahan nito. Kapalit ang serbisyo ni Sharlene, ay binibigyan ng pera ang mga ito.

 

Hanggang tumuntong ng anim na taon ang batang si Sharlene ay nagkahiwalay naman ang kinakasama ni Linda at isinilang pa ang batang si Tashia.

Si Sharlene ay inihabilin sa lola at ang dalawa na silang Vivianne at Tashia ay kasama ni Linda, ngunit, hindi naging madali ang buhay nito.

 

"Ate Sharlene." Tawag ng batang si Vivianne.

 

"Vivianne, anong ginagawa mo rito? Kumusta kayo ni mama?" tanong naman nito.

 

"Nandito ba si Lola?" tanong naman nito.

 

Tumango na lamang ito, si Vivianne ang naging takbuhan ng kanyang in ana humingi ng limos kay Felicia, binibigyan naman si Vivianne, ngunit, ang ina nito ay nasa sugalan palagi, at doon, nakilala nito ang lalaki.

 

Tumuntong ng walong taong gulang si Sharlene at si Vivianne naman ay anim na taong gulang, iniwan ang mga batang walang pasabi.

 

Si Sharlene ang takbuhan ni Vivianne, akala ni Vivianne na naging masaya ang buhay ni Sharlene sa piling ni Felicia, dahil paulit – ulit pa rin ang pagmamaltrato nito sa bata.

 

Iniiinda iyon ni Sharlene, dahil kapag iniinda niya iyon, masasagip nito ang kanyang itinuring na kapatid.

 

Doon, nagsimula na ring tumatanggap ng kliyente si Felicia, malalaking tao ang tinutulungan nito sa pang – espirituwal ang pinag – uusapan, may angking kakayahan ang matanda na maglakbay at malaman ang katotohanan, doon, unti – unting napabuti ang kalagayan ng pamumuhay.

 

Nasa high school si Sharlene noong nakilala nito si Sheila sa pribadong paaralan, unti – unti ring lumalayo ang loob ni Vivianne kay Sharlene dahil sa inggit nitong nararamdaman niya.

 

Naging matalik na magkaibigan ni Sheila sa Sharlene, at noon, nakilala niya ang kapatid nitong si Angely at si Fredrick sa lungsod, isa sa naging kliyente ni Felicia.

 

Nakita ni Leah ang kanyang sarili, kung paano siya nagmakaawa at nakiusap kay Felicia.

 

"Anong kapalit ng pagtulong ko sa iyo, Leah?" naalala niyang tanong nito sa kanya.

 

"Hustisya, gusto ko silang makulong lahat!" iyon lang ang nasabi niya. "Pinatay nila ako, isinilid nila ako sa ataul at inilibing nila ako nang buhay. Nandoon ang lahat ng pruweba, tutulungan kita para masampahan sila ng kaso." Tanging sabi ng inosenteng si Leah na tumutulo ang luha nito sa pisngi.

 

Napabuntong – hininga na lamang si Felicia.

 

"Bago ang lahat, anong kapalit? Praktikalan lang tayo ngayon, Leah." Sabi pa nito noon.

 

"Ibibigay ko sa iyo ang lahat, ibibigay ko ang kayamanan ko sa iyo."

 

Nakita niya ang ngiti ni Felicia noon.

 

"Dalhin mo ako kung saan ka pinatay." Sabi pa nito.

 

Umaasa si Leah na matatapos ang lahat at makapagpahinga siya matapos makamtan ang hustisyang hinahanap niya, nakipagtulungan siya kay Felicia.

 

Simula'y naging maayos ang kanilang usapan, hanggang sa isinumite nila sa korte ang demanda ng dalawa, doon, kinausap nito si Felicia.

 

Dahil nga matalik na kaibigan ni Sheila si Sharlene, agad nitong natunton si Felicia, kinausap nila ito nang masinsinan.

 

"Hustisya ang isinisigaw ni Leah Martinez," narinig niyang pag – uusap noon.

 

"Anong ibinigay ni Leah sa iyo?" tanong ni Angely sa kanya.

 

"Praktikal na pangangailangan ng buhay ng isang tao." Sabi pa nito. "Ibinigay niya ang kayamanan niya sa akin." napatawa pa ito.

 

"Kung gayon, dodoblehin namin ang kayamanang ibinigay ni Leah sa iyo noon. Ngunit, tulungan mo kaming malinis ang pangalan ni Manuel."

 

"Paano ako nakakasiguradong makukuha ko iyon?" tanong naman naman nito.

 

May ipinakita itong papeles at katibayan. Napangisi pa si Felicia noon.

 

Nakausap niya ito sa huling pagkakataon.

 

"Felicia, binigay ko sa iyo ang lahat ng kayamanan ko. Kung hindi mo iyon nagawa, ibalik mo iyon, at marami pa akong taong matutulungan."

 

"Leah, wala kang katibayan na ganoon ang pinag -uusapan natin, tapos na ang lahat, Leah."

 

Iniwang nag – iisa si Leah noon na tahimik na umiiyak at punong – puno ang galit sa puso nito.

 

Hanggang ngayon ba ay galit ka ni Lola? Iyon lang ang katanungang namutawi nito.

 

Hindi madaling magpatawad, lalo na at binigo niya ang tiwala ko. Iyon lang ang sabi niya noon, kapag naalala niya ang nakaraan.