NANDITO sila ngayon ni Sharlene, dahil nga gusto niyang tulungan ang naging kaibigan niya noong mga bata pa sila. Ngunit, may lihim siya na kailanman kanyang itinago noon sa kanyang kaibigang kaharap ngayon.
Nakita niya ang mukhang nag – aalangan nito. Kailangan niyang mag – antay, hayaan na lamang niyang una itong magsalita sa kanya.
"Lawrence, may itatanong lang ako sa iyo." Pagsisimula nitong sabi.
Napatango na lamang siya, he patiently waiting now.
"May kilala ka bang Leah Martinez?" tanong naman nito sa kanya.
Nangunot ang kanyang noo nang marinig niya ang pangalan ng kanyang malapit na kapamilya. Kahit nagulat siya sa katanungan nito, tumango na lamang siya sa katanungan nito.
"She's my closest family of mine, why you ask?" tanong naman niya sa babaeng kaharap niya.
Ito naman ang napatango sa kanya. "Ah, napatanong ko lang, dahil k—kilala siya nang lola ko sa bayan nating kinagisnan."
Kilala naman talaga ang kanyang pinsan dahil sa taglay nitong kabaitan, kagandahan nito sa kanilang bayan, hindi na iyon lingid sa kaalaman kung doon nakatira sa kanilang bayan.
"M – Malapit ka ba sa kanya?" tanong naman nito sa kanya.
"Ah," napangiti naman siya kapag naalala niya na naging mabuti itong ate sa kanya. "She's like my older sister of mine, kapag hinahabilin ako ng mommy ko sa kanila, inaalagaan niya ako na parang totoong kapatid." napatawa na lamang siya.
"Nabubuhay pa rin ba siya?" tanong naman nito sa kanya.
Biglang sinaksak ang damdamin niya, biglang nawala ito na parang bola nang sumama ito sa asawa sa lungsod.
"Hindi ko na alam," umiling lang siya noon sa kanyang kausap. "Ang huling naalala ko'y masaya itong ikinasal sa minamahal nito, sampung taong gulang ako noon, pagkatapos, nawalan kami ng koneksyon sa kanya, nabalitaan ko na lamang na pumanaw na ang kanyang magulang at ang kayamanang ipinamana nito ay napunta sa kanya lahat." kwento niya sa kanyang kausap ngayon.
"Hindi mo ba siya hinanap?" tanong naman nito sa kanya.
Napatawa na lamang siya. "I tried to find her existence, dahil din hindi nakayanan ng ina ko ang nangyari sa pamilyang iyon, but, hindi ko siya nahanap."
"Tinanong mo ba ang naging asawa nito?" tanong naman nito sa kanya.
"Yeah, pero, ang sinabi'y sumama ito sa ibang lalaki, nasa labing – walong taong gulang ako noon, kagaya mong college na nagpakalayo sa bayan natin." Ngumiti ito sa kanyang kausap.
"Hindi ako naniniwalang may ibang lalaki iyon," napatawa siya ulit "Dahil kahit bata pa ako, ramdam ko ang pagmamahal na ibinigay ng ate Leah ko sa lalaking iyon, kaya, hindi ako naniniwalang sumama sa ibang lalaki."
Napatango pa si Sharlene sa kanya.
"Hey why you kept asking me about her, may nalalaman ka ba sa pinsan ko?" tanong naman niya sa kanyang kausap.
"Ah, nangungumusta lang ako, dahil balita ko'y naging kaibigan rin ng kapatid ni Sheila iyon."
"Sheila? Sheila Atienza?" tanong naman niya.
Napatango na lamang ito sa kanya. Pinigilan niyang huwag ng magkomento sa babaeng naging matalik na kaibigan ni Sharlene.
"Siya nga pala, where is your husband? Gusto ko siyang makilala." Ngumiti na lamang siya.
Nang malaman niyang nagpakasal na ang kanyang kaibigan, tinanggap niya sa kanyang sarili na kailangan niyang palayain ang nararamdaman niya kay Sharlene, lihim niya itong minahal, ayaw niyang sirain ang pagkakaibigan nila dahil sa pag – ibig.
Dahil malayo rin ito noong nag – aaral, hindi niya alam na nagkaroon ito ng kasintahan, nabigla na lamang siyang nagpakasal ito. Hinihiling na lamang niya na maging masaya siya sa magiging buhay nito.
He's still single, gusto niyang ibigay ang pagmamahal niya sa isang babae, ngunit, wala siyang pag – aalayan nito, nakikita niya sa mga mata nito, iniibig nito ang kanyang kayamanan bilang isang Martinez.
Parang sumpa iyon sa kanilang pamilya, ang mahalin dahil sa kanilang kayamanan, nakahanap siya ng isang babae na walang hinahabol sa kanya ito ay si Sharlene.
Malungkot ang mga mat anito, napabuntong – hininga pa ito bago magsalita.
Ngumiti ito sa kanya, ramdam niyang may dinadala itong problema na matagal nitong pasan – pasan.
"Wala na kami. He's filing a divorce paper, after of what happened to our child." Gumaralgal ang boses nito, pinipigilan nitong huwag maiyak.
"He's cheating on me. Iyong pagsasama namin noon, dahil lang iyon sa anak ko. Pinipilit kong buuin ang pamilya para sa anak ko, until that accident happened."
"Kaya ko naman tiisin iyon e, kaya ko." Sabi pa nito.
Nalungkot siya sa kanyang narinig. "I – I'm so sorry, h --- hindi ko alam na mahirap pala ang pinagdadaanan mo na hindi tayo nagkita." Sabi pa niya.
Napatawa pa ito sa kanya. "It's okay, and it's my fault also that fate happened to me, to married that man." Napasabi pa nito.
Hindi na niya alam kung ano ang sasabihin niya sa kanyang kaharap.
"I – If you need help, I will help you, anything, Sharlene." Gusto niyang tulungan kung ano ang maitutulong niya rito, gusto man lamang niyang suportahan ito kahit sa maliit na bagay man lamang.
"It's okay, pasensya ka na sa katanungan ko noon, na – curious lang ako na biglang nawala ang pinsan mo. Gusto mo bang tulungan kita?" Napatawa pa ito sa kanya.
Napailing na lamang siya. "Kilala kita, Sharlene, I know may malalim pang rason kung bakit tinatanong mo iyan sa akin, hindi kita pipilitin kung ano man ang rason mo." Sabi pa nito.
Napangiti pa ito sa kanya. "Salamat, Lawrence, hindi ka pa rin talaga nagbabago, ikaw pa rin ang mabilis magbasa sa iniisip ko, simula nang mga bata pa tayo."
Napatawa at napangiti na lamang siya noon. "Of course." Tanging sagot niya.
"Sharlene, anytime, I will help you, saka pati na rin kay ate Leah, baka rin mahanap ko ang kasagutan na matagal kong hinahanap mula pa noon. But before that, let me help you sa anak mo ngayon." tinitigan niya ito.
Kitang – kita sa mukha nito ang pagdadalawang – isip, dahil ayaw siyang madamay kung ano man ang gumugulo nito ngayon.
"Sharlene." Tawag niya rito.
Napabuntong – hininga na lamang ito sa kanya. Napatango na lamang ito at alam niyang napilitan ito, kaya naman, napatawa na lamang siya.
"Hindi pa ako babalik sa ibang bansa, may three weeks akong maglibot – libot rito, saka, aalamin ko pa rin ang nangyari sa pinsan ko, hindi ko iyon susukuan."
Tumango ito sa kanya. Kailanga niya ring umalis.
"Best wishes of your baby girl, Sharlene. Alam kong matapang ang batang iyon dahil nagmana sa iyo iyon."
"Maraming salamat, Lawrence."
Napatango na lamang siya na walang salita, inihatid niya ng tingin si Sharlene, galit siya sa naging asawa nito, kailangan niya ring alamin ang totoong pangyayari, babalik ulit siya sa bahay ng kanyang tito at tita pati na rin sa bahay na iyon.
Nasa parking lot na siya at magmamaneho na rin siya paalis sa hospital, iniisip pa rin niya kung ano ang pinagdadaanan ni Leah nang magkolehiyo ito. Napabuntong – hininga na lamang siya, agad siyang nagmaneho ng kanyang sasakyan.