CHAPTER FORTY-ONE

NAPATITIG si Tashia sa kanyang phone, na tila nag-iisip sa nakita niya ngayon; papalihim niya kasing kinuhanan ng larawan ang lumang notebook ng kanilang lola na may nakalagay na mga pangalan rito.

 

Napapaisip tuloy siya ngayon, napabuntong-hininga siya.

 

"Tashia," may tumawag sa kanyang pangalan.

 

Napatitig na lamang siya sa kanyang kasamahan.

 

"Okay ka lang ba?" tanong naman nito sa kanya.

 

Napakurap-kurap na lamang siya na parang pinoproseso ang katanungan ng kanyang kasama.

 

Huminga na muna siya nang malalim bago siya sumagot. Tumango na lamang si Tashia.

 

"Halika na, tutungo na tayo sa paroroonan natin." Yaya naman nito sa kanya.

 

"Susunod kaagad ako." Tugon naman niya.

 

Nagpatiuna namang naglakad ang tumawag sa kanya, kaya naman sumunod siya kaagad.

 

Focus ka na muna, Tashia. Napasabi na lamang sa kanyang isipan. Nag-aantay na rin ang kanyang kasamahan sa kanya.

 

Naglakad-lakad na sila patungo kung saan sila ngayon pupunta. Habang naglalakad sila, inilibot ni Tashia ang kanyang paningin. Dito siya isinilang ng kanyang magulang, nagkaisip at lumaki bago sila pumunta sa lungsod para makipagsapalaran.

 

Hindi pa niya maalala nang malinaw dahil nga'y napakabata pa niya noon, naririnig na lamang niya iyon sa kanyang kapatid na babae na si Vivianne.

 

Probinsya nga naman, napakaaliwalas naman rito. Komento sa kanyang isipan na tahimik lang na nakamasid at sumunod sa kanyang kagrupo.

 

"Nandito na tayo."

 

Napatitig siya sa istruktura na kaharap na tahanan nila ngayon; pinaglumaan na ito ng panahon, naging isa itong kasaysayan ang bahay na kanilang pupuntahan.

 

"Talaga bang okay lang na tumuloy tayo diyan?" napatanong na lamang ng kanyang isang kasama.

 

"Humingi na tayo ng pahintulot rito. Saka, sabi naman ng guro natin na pumayag na for educational purposes, di ba?"

 

"Alam ko, ang ibig kong iparating, safe ba riyan?" tanong naman ng isa.

 

Nakikinig na lamang siya sa mga kasamahan niya. Napalunok na lamang siya ng kanyang laway.

 

Mansion ng pamilyang Santiago. Napasabi na lamang sa kanyang isipan.

 

Napansin niyang pumasok na ang mga kasamahan niya. Hindi niya maintindihan kung bakit pinagpapawisan siya nang malagkit ngayon. Napapaisip siya kung ano ang matutuklasan niya rito.

 

May sumalubong sa kanila, at ang sabi'y caretaker ito para maging malinis at maaliwalas pa rin tingnan ang kabuuan ng bahay.

 

"Huwag kayong papasok sa mga ipinagbabawal pasukan sa loob; huwag ninyong hahawakan ang mga gamit na nandoon, mga pinaglumaan na ang gamit na nandoon." Paalala ng matandang kaharap nila.

 

"Kung may problema, tawagin ninyo lamang ako." Paika—ika pa itong naglakad papalayo sa kanila.

 

Pumasok na sila sa mansion, may kung anong pakiramdam na hindi maintindihan ni Tashia noon. Hinayaan silang maglibot-libot; ang iba niyang kasamahan ay inuna ang paglilibot sa labas ng mansion.

 

Dalawa na lamang silang natira.

 

"Tashia, sa taas ka maglibot." Napasabi naman ng kanyang kasama.

 

Tumango na lamang siya. Iniwan niya sa baba ang kanyang kasama.

 

Ingat na ingat ang kanyang kilos na pumanhik sa taas. Kailangang wala siyang mahawakan na kung anong bagay, baka kung ano pa ang makita niya sa nakaraan.

 

Kinuha niya ang kanyang phone; pwede rin naman silang magkaroon ng documentary. Iniharap niya ang kanyang phone sa kukuhanan niyang larawan. Nabigla na lamang siyang may nakita siyang isang babaeng duguan.

 

Dahil sa gulat niya, nalaglag ang ballpen niya. Dali—dali na lamang niyang kinuha ito, nararamdaman niyang may matang nakatingin sa kanya, napalunok siya, pilit niyang pinapakalma ang takot niya ngayon, ayaw rin niyang takutin ang kasamahan niya sa nakikita niya.

 

Nakatingin lang ang babaeng duguan sa kanya; napansin niyang marami itong pasa sa katawan, marami itong latay.

 

Tulong. Mahina nitong banggit.

 

Tatalikod na sana siya nang hawakan siya nito sa kamay. Napakabilis ng pangyayaring hindi agad naproseso sa kanyang isipan. Bigla na lamang siyang dinala nito sa nakaraan.

 

May kasama itong lalaki; may dala-dala itong isang bata na nasa tatlo o apat na taong gulang. Mabilis ang mga kilos nito, tila may tinatakasan ang dalawa.

 

"Iligtas na muna natin si Ellena." Sabi ng isang lalaki na kanlong-kanlong ang batang babae.

 

Tumango naman ang kasama nito, at huminto ito sa abandonadong warehouse.

 

"Paano tayo natunton ng ama ko?" pagtataka nitong tanong ng babae.

 

Nag-iisip nang malalim ang lalaki, ang batang babae nama'y tinitingnan lang ang magulang nito.

 

"Kailangang humingi na tayo ng tulong sa kuya ko." Napasabi naman nito.

 

"P—Pero paano?" tanong naman nito sa kasama.

 

May naririnig silang yabag. Napasinghap na lamang silang dalawa, nagkatinginan pa ito.

 

Dahan-dahan itong kumilos para hindi sila mahalata noon.

 

"Itago na muna natin sa ligtas na lugar si Ellena." Pabulong nitong sabi.

 

Tumango—tango naman ang babae. Inilagay nila ito sa isang box.

 

Tinitigan naman sila ng bata.

 

"Huwag kang mag-aalala, babalik din kami kaagad, huwag kang maingay ha?"

 

Tumango—tango naman ang bata noon.

 

May pumatak na luha sa mga mata nito na tinitigan ang kanyang anak. Maya—maya pa ay niyakap nang buong higpit.

 

"Babalik kaagad si Mom at Dad, stay still here, Ellena."

 

Babalik na sana sila sa kanilang daanan nang masalubong nila ang humahabol sa kanila.

 

"Dakpin ang mga iyan!" utos naman nito.

 

Tatakbo na sana silang dalawa nang may nakaantabay din sa labasan kung saan sila tatakas.

 

"Please, Dad, please, huwag mo namang idamay ang pamilya namin, tahimik na kaming namumuhay." Nagmamakaawa ang boses nito na pilit nilalabanan ang nakahawak nitong braso.

 

Nilapitan ito ng isang lalaki na may katanghalian na edad, kinulamos ang mukha nito, at sinampal.

 

"Wala akong anak na suwail, isinuka na kita noon!"

 

"Kung isinuka mo na ako, hindi mo ginugulo ang pamilya ko! Ang asawa ko!" Kahit hilam ito ng luha, ang boses nito ay punong-puno ng galit.

 

Bigla na lamang itong nakatanggap ng malakas na sampal.

 

"You're a pathetic woman. papatayin ko kayong dalawa para malinis ang pangalan ng Santiago, saka, nagpakasal ka pa sa kalaban ng ama mo."

 

"Labas po rito ang angkan dito, nagkasundo kami ng anak ninyo na iiwan kung anong angkan kami, lumayo kami para walang gulo, bakit hindi po ninyo kami tinatantanan?" narinig na tanong nito sa lalaki.

 

"Kayo ang dudungis sa apelyidong iningatan namin!"

 

"Dalhin ninyo iyan!"

 

Nakita pa ni Tashia kung paano kinaladkad ang dalawang tao, nakita niya kung paano ito pinahirapan, iningudngod ang mukha sa muriatic acid o kaya naman ay paliguan ng kumukulong tubig, linalatigo. Hindi na makayanan ni Tashia ang kanyang nakikita ngayon.

 

"Sir." May dala-dala itong bata; ito ang batang itinago nila noon.

 

"Huwag ang anak ko! Huwag!" Kahit namimilipit ito sa sakit ay sumigaw ito para hindi saktan ang bata.

 

Ngumisi lang ang ama nito at dinala ang bata papalayo sa kanila.

 

Ellena, Ellena. Pabulong nitong sabi. Bukambibig nito hangga't malagutan ito ng hininga.

 

Napasinghap si Tashia sa kanyang nasaksihan noon, bigla ring nawala ang babae sa harapan niya.

 

Napaupo siya, habol-habol ang kanyang paghinga, inilibot niya ang paningin niya. Nakita niya ang babaeng pinarusahan sa kanyang paglalakbay.

 

Kapatid ba siya ni Manuel? Napatanong sa kanyang isipan.

 

"Tashia, ayos ka lang?" tanong naman nito sa kanya.

 

Nabigla na lamang siya noon.

 

Tumango—tango na lamang siya. Pinipigilan niya ang panginginig ng kamay niya, kinuha niya ang tumbler sa kanyang bag, bigla siyang natuyuan ng lalamunan noon.

 

"B—Bababa lang ako."

 

Nagtataka naman siyang tiningnan ng kanyang kasama. Sa pagkababa niya, agad niyang tiningnan ang larawan ng notebook. Binasa niya ito.

 

Carmela Geraldine Santiago – Gonzalez? Basa sa kanyang isipan. Mas lalong gumulo ang isipan niya ngayon.

 

Napailing-iling na lamang siya noon, inilibot niya ulit ang kanyang paningin, nakita na naman niya ang babae, at nawala ito bigla sa kanyang paningin.