PAGPASOK ni Martin para dalawin ang kanyang anak, nandoon si Sharlene, binabantayan ang anak nito.
"May bisita na naman tayo." Iyon lang ang narinig niya galing kay Vivianne. Tiningnan lang siya ni Sharlene ngayon at wala itong salita.
Hinaplos ni Martin ang mukha ng kanyang anak.
"So, anong nakuha mo sa pagbabalik sa bayan, kasama ang lalaki mo?" pag-uumpisa niyang katanungan.
Napakunot naman ang noo ni Sharlene sa tonada ng kanyang pananalita.
"Pwede ba, Martin, tumigil ka na. Naririndi na ako sa iyo, di ba sinabi ko sa iyo noon na huwag mong ipahid ang ginagawa mo?" Tiningnan na lamang siya nito.
Napangisi na lamang si Martin. "Whatever, Sharlene." Napasabi pa nito sa kanya.
"Okay lang dalawin mo ang bata, pero ang pagsabihan ako na hindi ko ginawa, hindi na rin ako papayag pa na pagsalitaan mo ako nang ganyan, Martin. Baka, nakalimutan mong hindi na tayo mag-asawa?" paalala pa nito sa kanya.
"Hindi mag-asawa? Hindi mo pa nga pinirmahan ang divorce paper, hindi ba?"
"Mag-antay ka, pipirma ako roon, para manahimik ka. Nandito ka ba para pag-usapan iyan?" napatanong naman sa kanya ni Sharlene.
Umupo siya.
"Anong nahanap mo sa nakaraan ni Carmela at Leah?" diretsahan niyang tanong rito.
Nagkatinginan pa ang tatlo. "Nandito ka para alamin mo kung anong nahanap ko?" pabalik nitong tanong sa kanya.
Ngumisi lang si Martin. "Huwag na tayong magbulag-bulagan pa rito, Sharlene. Anong sa palagay mo? Hindi ko malalaman ang bawat galawan mo doon? May mga mata at tenga ako doon, at ngayon, kumakalap ka ng impormasyon sa ama ni Manuel Santiago. Sa tulong ni Lawrence." Sabi pa niya.
Marami siyang napagtanungang mga batikan na manunulat at journalist na piniling manahimik sa kabila ng nalalaman nitong impormasyon at ebidensya dahil sa takot nitong madamay sa gulo ng tatlong angkan.
Nang magtanong siya at malaman ang ebidensya, nabibigla na lamang siya sa mga nagsasabing may nagtanong din nang ganoon sa kanila, ang isa'y abogado tungkol sa nakaraan na matagal nang nakalimutan nang panahon.
"Anong koneksyon mo sa pamilyang Gonzalez, Sharlene?" tanong pa niya sa kanyang kausap.
"Wala ka na roong pakialam pa." Sabi pa nito sa kanya.
Alam niyang nagmamatigas na naman ang kaharap niya. "Alam ba ninyo na nasangkot ang lola niya sa malaking sindikato?" tanong pa nito sa kanila.
"Oh, hindi na ako magugulat kung alam na ito ni Vivianne, tungkol sa lola niya." Napatingin naman siya rito. "Hindi ba, Vivianne?" tanong naman nito sa tahimik na si Vivianne.
"Alam ko ang mga lihim na itinago ng lola ninyo, as I said kaya ko ring malaman iyon, kaya spill it out." Panghahamon niya rito.
"Alam mo, Martin, hindi ko alam kung bakit pilit kang nakikisawsaw sa problema, saka, nanahimik ang mga angkan mo noong may pagtatalong nangyayari sa tatlong angkan, hindi ba? Why are you involved with this case? Dahil ba may tinatago ka rin o may nalalaman din ang pamilya mo kung sinong sinasabi mong malaking sindikato ang napasukan noon?" tanong naman ni Sharlene sa kanya.
"Isa lang kung bakit ako nakikialam rito, Sharlene. I just want to protect my child, sinabi mo noon hindi ba? Ako ang ama ng batang iyan. I can do whatever I want, so I must protect that child's welfare. Hindi ninyo alam kung sinong taong likod nang lahat nang gulong ito."
"Hindi ninyo alam ang napasukan ninyong gulo at sinong binabangga ninyong tao."
"Kaya ba nananahimik ang angkan mo noon? Kaya ba nagiging neutral kayo sa gulong napasukan ng tatlong angkan?" tanong naman nito sa kanya.
Napabuntong-hininga si Martin, alam niyang hindi rin ang bata ang pinoprotektahan niya, kundi pati na rin si Sharlene.
What's the reason for protecting my child? Kung hindi ko naprotektahan ang ina niyang matigas ang ulo. Napasabi na lamang sa kanyang isipan.
"Aalamin ko ang gusto kong alamin, Martin. Lalong-lalo na kay Lola, lalong-lalo na kay Leah, at bakit napunta kay Lola ang properties ng Martinez gayong namatay ang pamilya nitong pag-aari ng tinitirhan niya noon?"
"Alam mo? Pagkatapos mong malaman, anong gagawin mo? Ipapakulong mo? Gusto mo bang mapadali ang buhay mo, Sharlene?" napatanong na lamang nito sa kanya.
"So may alam ka nga, Martin. May alam ka nga." Napasabi pa ni Vivianne sa kanya.
"Yeah, marami akong alam, kaya nga I got curious kung bakit ginagawa ninyo iyan. Gusto ninyong mawalan ng ina si Ashley? Mag-isip kayo." Sabi naman niya na tinitigan ang tatlo.
"Ginagawa ko rin ito para linisin ang pangalan ng bawat panig. Kung gusto mong tumulong, you're free whatever you do." Sabi pa ni Sharlene.
"Sharlene, bakit hindi natin sabihin kung ano ang puno't dulo ng rason kung bakit ginagawa natin ito, at bakit tayo mas lalong naiipit pa sa gulong ito?" Napasabi naman ni Vivianne at tiningnan siya nang mataman.
"Ate." Umiling-iling si Tashia sa kapatid nito.
"No, para matahimik na siya at hindi na manggulo ang bwisit ng lalaking iyan." Iyon lang ang narinig niyang pang-iinsulto galing kay Vivianne.
Hinarap siya ni Vivianne. "Naniniwala kang may kakayahan ako, hindi ba? Naniniwala ka sa ispirituwalidad, hindi ba? Kumapit ka, ipapakita ko sa iyo kung anong puno't dulo kung bakit namin nais wakasan ang lahat ng ito."
"Bring it on."
Ginawa niya ito para sa ikatatahimik din ng loob niya. May mga pangyayari siyang nakikita.
"Oh, bakit dinala mo ang lalaking iyan rito?" Narinig niyang tanong ng isang babaeng nakapanluksang kasuotan.
"Gusto niyang malaman para tumahimik na siya." Napasabi naman ni Vivianne.
"What is this place?" tanong naman niya kay Vivianne, inilibot niya ang kanyang paningin, napakadilim ng paligid.
"Kaya mo bang dalhin rito si Ashley?" tanong naman nito sa babaeng nakapanluksa.
Pilit niyang kinakalkal sa isipan niya kung saan niya ito nakita, bigla na lamang niyang naalala iyon, at kilalang-kilala niya ito.
"Leah Martinez?" pagkilala niya rito.
Napataas naman ang kilay nito. Hindi ito nagsalita sa kanya.
"Papa." May maliit siyang tinig na narinig; nilingon niya ito.
"Ashley."
Yumakap ang bata sa kanya. "Papa, huwag na muna kayong mag-away ni Mama, please." Iyon lang ang narinig niya sa batang si Ashely.
Hindi siya makapangusap noon.
Hinawakan niya ang palad ng bata ni Ashley at nagkaroon siya ng serye ng mga alaalang ipinakita sa kanya; mabilis ang pangyayari, ngunit nauunawaan iyon ng kanyang isipan.
"Kinulong mo ang anak ko?" tanong niya kay Leah.
"Papa, huwag kang magalit sa kanya, pinoprotektahan po niya ako, kasi sinumpa ako ni Lola na kapag lumabas ako matatanggap ko iyon, pero, gumagawa po siya ng paraan para makabalik sa katawan ko." Paliwanag naman ni Ashley sa kanya.
"Hindi ka ba namin makakasama pagbalik doon?" tanging tanong na lamang niya sa bata.
Malungkot itong napailing-iling sa kanya. Yinakap siya ng kanyang anak. "Kaya, please, huwag mo muna kayong mag-away ni Mama, dahil may pinagdadaraanan din po si Mama." Iyon lang ang narinig niya sa kanyang anak.
"Anong gusto mong gawin, Leah? Para palayain mo si Ashley? Name it!" sabi pa niya sa kaluluwa.
"Kaya mo bang labanan ang nasa likod nang lahat nang ito, Martin? Nanahimik ang pamilya mo, hindi ba? Hindi ko alam kung kaya mo iyon gawin." Napasabi pa nito sa kanya.
"Sinabi na sa iyo ng bata na para rin iyon sa kaligtasan niya dito."
"Papa, huwag kang mag-aalala, ginagawa lahat ni Mama para alamin ang lahat nang iyon, tapos, papalayain niya si tita Leah sa galit at suklam sa puso nito, pati na rin silang Lola."
"Ashley, babalik ako rito, kukunin kita, okay?" tanong pa niya.
Tumango ito sa kanya. "Kayong mama babalik kayo rito, mag-iintay ako Papa." Ngumiti ito sa kanya.
Bigla siyang nabalik sa hospital, at napatingin na lamang si Sharlene sa kanya at si Tashia na walang salita.
Lumabas siya sa private room na walang sabi, may gagawin siyang hakbang, gusto niyang mayakap ulit ang anak niya nang mahigpit.
Damn this karma of mine. Napasabi na lamang niya na punong-puno ng pagsisisi sa puso niya nang malaman niya ang katotohanan, lalo na naipit ang bata sa gulo.