KUNG kailan ko nahanap ang pamangkin ko, kung kailan ko nasilayan ang batang hinahanap ko nang kay tagal. Punong-puno ng pagsisisi ang isipan ngayon ni Manuel.
Tiningnan niya ang batang nasa kulungan din, ngayon lang niya napagtantong kamukhang-kamukha nito ang hubog ng pisngi nito sa ina. Mahina siyang napatawa; gusto niyang abutin ang batang nakakulong.
“Tumigil ka na, Manuel, nasilayan mo na ang pamangkin mo, kaya itigil mo na iyang kahibangan mo.” Iyon lang ang narinig niya na nanggaling kay Angely.
Napakuyom siya sa kanyang palad; tahimik lang niyang tiningnan ang kasama niya, napatango-tango pa siya.
“Kung hindi ba kita nakilala noon, masaya sana ako sa piling ni Leah.” Napasabi naman niya.
Napalingon ito sa kanya at masama siyang tinitigan. “Sa palagay mo ba’y maibabalik mo ang nangyari? Saka, ginusto mo ang nangyari sa atin, kaya huwag mo akong sisihin sa lahat nang ito.” Napasabi pa nito.
“You have to be honest here, Angely. kalaguyo mo ba ang Daddy ko, before tayo nagkakilala?” Prangka nitong tanong sa babaeng kaluluwang kaharap niya, tinitigan niya ito nang mataman.
Hindi kaagad ito nakaimik na iniiwasan ang tinging pinupukol niya. “Magsalita ka, we’re dead now, ano pang magagawa natin, hindi ba?” tanong naman niya, napatawa pa ito at napailing-iling.
“Huwag mong ibunton sa akin ang pagsisisi mo ngayon, Manuel. Hanggang ngayon, duwag ka pa rin. Ikaw naman ang bahag ang buntot na sumusunod sa ama mo, hindi ba?” Tanong naman ito sa kanya.
“Oo aamin ako, bahag nga ang buntot ko! Pinatay ko ang babaeng mahal ko! Pinatay ko ang anak ko! Wala akong nagawa nang patayin ang bunso kong kapatid! Hindi ko naprotektahan ang kaisa-isang pamangkin ko!” sigaw niya nang harap-harapan sa kaharap niya.
Naramdaman pa rin niya ang poot at pagsisisi sa mga kasalanang hindi niya naitama nang nabubuhay ako.
“Haharapin ko iyon! Aaminin ko iyon! Kayo? Kailan kayo aamin sa mga katangahan ninyong ginawa?! Ha?! Magpapaikot-ikot pa rin ba tayong tatlo rito?!” Bulyaw niya sa dalawa niyang kasama. Tumayo siya at kinalampag niya ang kulungan.
Nagulat naman ang batang babaeng nakatingin sa kanila. Doon, kumalma siya.
“Hanggang sa kamatayan talaga! Magsasama tayong mabubulok rito!”
“Goddamn it!” Pagwawala niya.
Naalala niya noong nagbuntis si Leah, nagsimula na rin ang lamat ng kanilang pagsasama bilang mag-asawa, at nagsama sila sa iisang bubong. Ngunit, dama pa rin niyang mahal na mahal siya ng kanyang asawa.
Minsa’y umuuwi siya sa mansion ng kanyang magulang.
“Manuel, pakisabi sa manugang mo, kumuha ako ng pera para payabungin pa ang negosyo namin, alam ko namang naiintindihan nila iyon.”
“Dad, kahit magkasosyo kayo ng magulang ng asawa ko, pwede naman ninyo itong pag-usapan; hindi ka nangunguha sa kaban ng kanilang yaman.” Napasabi na lamang siya noon at napailing-iling na lamang.
Bigla na lamang siyang sinuntok ng kanyang ama. “Anong sinasabi mo? Pinapangaralan mo ako? Anak lang kita, ako ang nagpalaki sa mga buto mo. Walang kang karapatang pagsabihan ako, ha.” Sabi pa nito at umalis.
Dahil sa inis niya, nagpupunta siya sa kanyang kalaguyo na si Angely at doon ang himlayan niya kapag nainis siya ng kanyang ama. Nagtitiis siya sa pag-uugali ng kanyang ama.
“Saan ka ba galing?” tanging tanong ni Leah sa kanya kapag umuuwi siya ng madaling-araw.
Hindi siya sumagot sa katanungan nito, at diretso siya sa kwarto. Sinundan siya ng kanyang asawa.
“Leah, please, not now.” Napasabi pa nito.
Napabuntong-hininga na lamang ito, lumabas ito sa kwarto, maya-maya pa’y bumalik sa kwarto na may dala-dalang maligamgam na tubig.
“Nag-away ba kayo ng ama mo?” pag – aalala nitong tanong na nililinis ang sugat na gawa ng suntok ng kanyang ama.
Hindi siya sumagot rito. Kahit man, lumalamig ang pagsasama nila ni Leah, pinipilit pa rin ng kanyang butihing asawa at umaasang magkakaayos sila.
“Ouch.” Tanging reklamo niya nang gamutin ang sugat nito sa mukha.
“I’m sorry, indahin mo lang, Manuel.” Napasabi na lamang ng kanyang kaharap.
Tiningnan siya nang mataman ng kanyang asawa at napabuntong-hininga. “Hindi ko alam kung anong ginagawa mo sa pera natin, Manuel, pero napapansin kong lumalaki na kumukuha sa savings nating mag-asawa.” Sabi pa nito sa kanya.
Ang pera na hinuhuthot mula sa kanyang asawa ay pinaggagasta niya sa babae at alak.
“Na—short lang ako sa cash, but ibabalik ko iyon.”
“No need, Sana. Sabihan mo ako kung saan napupunta ang pera; pinaghihirapan natin iyon, Manuel. Hindi dapat tayo nagpakasasa sa kayamanan ng mga angkan natin, dahil mauubos ito kapag masyado tayong maluho.” Sabi pa nito sa kanya.
“Isa pa, nagrereklamo naman si Mom and Dad sa Papa mo, kumuha na naman ito ng pera sa bangko na hindi pinaalam kay Mom.” Napabuntong-hininga ulit ito.
Hindi siya sumagot, alam naman niya iyon; nakokonsensya siya kapag kaharap niya si Leah.
Kinuha nito ang dalawa niyang palad. “Kailangan din nating ihanda ang sarili natin, dahil magiging magulang na tayo.”Napasabi pa nito sa kanya.
Napantig ang kanyang tenga sa kanyang narinig. “You’re pregnant?” Napatanong naman siya na hindi siya makapaniwala sa kanyang narinig.
Mahina lang itong napatango at ngumiti sa kanya. “Tatlong buwan na.”
Walang paglagyan ang kasiyahan ni Manuel nang malaman niyang buntis ang kanyang asawa. Nang nalaman niyang buntis ito, pinilit niyang magpakalayo sa alak at babae, dahil gusto niyang maging ama sa batang dinadala nito.
Para tumahimik si Angely, at alam niyang kaibigan ito ng kanyang asawa, binibigyan niya ito ng pera.
“Buntis na ang asawa ko, kailangan kong magpakaama sa batang dinadala niya ngayon.” Ito na sana ang huli nilang pagkikita.
Ilang buwan ay nasa pitong buwan na ito, at nalaman nilang babae ang kanilang magiging anak.
Pinapalampas lang ni Leah ang ginagawa ng kanyang ama na pagkuha ng pera sa bangko.
Bumisita si Leah sa kanilang mansion; nandoon ang ama niya.
“Malapit na kabuwanan mo, hindi ba?” tanong naman nito sa asawa niya.
Tumango lang naman ito na nakahawak sa tiyan nito.
“Alam kong lalaki iyan, may magmamana ulit sa Santiago.” Ngingiti-ngiti pa ang kanyang ama.
“B – Babae po ang panganay namin.” Sagot pa ni Leah.
“Babae? Panganay?” napatanong naman nito.
“Y – Yes po.” Ngumiti lang si Leah sa ama niya.
Tiningnan siya nang makahulugang tingin ng kanyang ama.
“Malas ang babae kapag panganay, naku, ipalaglag mo na lang ang batang iyan.”
“Dad.” Sabi niya na umiling.
Natakot naman ang kanyang asawa noon, kaya naman umuwi na lamang siya, baka ma-stress pa ang kanyang asawa.
“Pasensya ka na kay Dad, Leah.” Napasabi na lamang niya sa kanyang asawa.
May package na pinadala ang kanyang ama, agad niyang binasa ang mensahe ng kanyang ama. Binabantaan siya nito na manganganib ang buhay ng kanyang asawa kung hindi nila ipapalaglag ang batang dala-dala ni Leah; pinadalhan pa siya nang gamot na pampalaglag noon.
Ayaw niyang mamili, ngunit natatakot siya sa pagbabanta nito.
Patawarin mo ako, Leah, patawarin mo ako; pipiliin kong mabuhay ka. Napasabi na lamang sa kanyang isipan.
Kaya naman nilagyan niya ng pampalaglag ang inumin nito. Maraming gamot para diretso malaglag sa sinapupunan ang batang dinadala ni Leah.
Namimilipit ito sa sakit at dinudugo pa ito nang husto; humihingi ito nang tulong sa kanya. Imbes na dalhin niya ito sa ospital, dinala ito sa basement ng kanilang tahanan.
Tiningnan niya lang nagdurusa ang asawa niya, na umiiyak, nawalan ito nang malay-tao, hanggang lumabas ang buong sanggol sa kinababae nito.
Nanginig ang kanyang kamay sa kanyang nasaksihan; napaiyak siya kung bakit ginawa niya iyon sa mag-iina niya.
Pagkagising ni Leah ay halos mabaliw ito sa kakaiyak; pinagsasampal siya nito na hindi nagawa ni Leah noon sa kanya, kahit nahuli siyang nangaliwa siya sa kaibigan nito, tinanggap siya nang buo ng kanyang asawa, dahil mahal siya nito.
Nagmakaawa pa ito sa kanya na makipagbalikan ito sa kanya. Ngayon, halos lahat ng galit ni Leah sa kanya ay naibuhos sa kanya.
Dinala ni Leah ang patay na sanggol habang umalis sa kanilang tahanan. Sobrang sakit din iyon sa kanyang loob.
Hindi ko kasalanan, hindi ko kasalanan iyon. Napasabi na lamang sa kanyang isipan.
Isang linggo, bumalik si Leah para magsampa ng kaso sa kanya.
“Mapapatawad pa kita, Manuel, kapag sumuko ka sa pulis, pinatay mo iyong anak natin!” sabi pa nito na nangingilid ang luha.
“Ginawa ko iyon para sa iyo!”
Sinampal siya nang ubod lakas nito, napailing-iling pa ito. Natakot siyang makulong kaya naman, sinuntok niya nang paulit-ulit si Leah hanggang mawalan nang malay.
Humingi siya ng tulong sa kanyang ama; ayaw niyang makulong, akala niya kung anong tulong ang kaya nitong gawin.
Inilagay ito sa kabaong, hindi siya makapagsalita, nandoon si Angely.
“Angely, kailangan nating kausapin si Leah, hindi sa ganitong paraan.” Nahimasmasan siya sa gagawin nito sa kanyang dating asawa.
Inirapan siya ni Angely. “Calm down; kapag umatras tayo, tayo ililibing riyan.” Pabulong, nitong sabi sa kanya.
Rinig na rinig niya ang sigaw ni Leah, nagmamakaawa itong ilabas sa kabaong. Gusto niyang tulungan ito, ngunit naduduwag si Manuel at pinipigilan siya ni Angely.
Matapos, ipinakasal siya ulit sa kay Angely, ang magulang ni Leah ay hindi halos makapaniwala sa nangyari, pinalabas na umalis ito at hindi na magpapakita, dahil sumama ito sa ibang lalaki.
Punong-puno ng pagsisisi ang isipan niya. Napatingin siya sa batang babaeng nag-aalala sa kanya.
Mamamatay nga akong dala-dala ang konsensyang dala ko.