“TULUNGAN mo si Manuel ngayon, ilibing ninyo na buhay si Leah.” Matapos nitong matawagan ang anak nito.
Napakunot naman ang kanyang noo kung tama ba ang kanyang pagkakaintindi.
Bigla na lamang siyang inakbayan ni Raymundo. “Alam mo na ang mangyayari kapag hindi ka sumunod, hindi ba?”pabulong nitong tanong sa kanya.
“Pupunta na ako roon.” Tanging sabi na lamang niya, nagbihis siya kaagad ng damit. Magkikita sila ni Manuel sa abandunadong lote.
Nakahanda na ang gamit, at may tauhan siyang dala-dala.
“Manuel.” Tawag niya rito, nakita niya ang walang malay na si Leah.
“Nandito ako para tulungan ka.” Napasabi naman niya, halata sa mukha ni Manuel ang pagkalito.
“Hindi ka makukulong.” Sabi naman niya.
“Ilagay ninyo ang babaeng iyan sa kabaong.” Dali – dali niyang utos rito.
Walang imik ang mga taong sumunod sa kanyang utos.
“Angely, tama ba ang ginagawa natin?” Pabulong na tanong ni Manuel sa kanya na minamasdan si Leah na nailagay na sa kabaong.
Naglakad-lakad siya patungo sa kabaong ni Leah; sinundan lang siya ni Manuel, mahimbing itong natutulog.
“Tingnan mo, she will love it. Ayaw mo siyang mahirapan, hindi ba? Mas mabuti pang patayin natin siya in a peaceful way.” Tiningnan pa niya ang lalaki.
“H—Hindi tama ito, Angely. May paraan pa naman, mas mabuti pang sumuko ako sa pulis kaysa patayin si Leah, hindi kaya ng konsensya ko iyon.” Napailing-iling pa si Manuel na kinakausap niya ito.
Napabuntong-hininga si Angely at napairap na lamang. “Nandito na tayo, Manuel, kailangan natin itong gawin; ayoko ring makulong.” Mataman niyang tinitigan ang lalaki.
“Hindi pwede.” Iyon lamang ang narinig niya kay Manuel. Akmang kukunin nito ang natutulog ni Leah.
Naalarma siya, kaya sinenyasan niya ang mga kalalakihang kasama nila.
“Angely! Huwag mo akong pigilan!” palabang sabi nito na pilit nilalabanan ang kalalakihan noon.
“Dali, just close it; make sure naka-lock iyan, bago pa magising si Leah.” Napasabi naman nito.
Nakawala si Manuel, ngunit hinarangan naman ito.
“Don’t mind us.” Sabi pa sa lalaki.
“Kapakanan natin ito, Manuel; ayoko pang mamatay at ayokong iwanan ang kapatid kong babae sa kanya.” Sabi naman ni Angely.
Niyakap niya si Manuel para pigilan niyang makalapit ito sa mga kalalakihan; ayaw niyang maging palpak at sundin ang utos ng ama nito, dahil buhay niya at ng kanyang kapatid ang kapalit.
Nakatingin pa rin ito sa kabaong inihulog nito sa malalim na hukay. Napansin nilang nagising na si Leah; nauulinagan nito ang boses na humingi ng saklolo, minasdan lang nila ang nagbabagsakang mga lupa sa kabaong nito.
“Leah.” Mahinang banggit ni Manuel na punong-puno ng pagsisisi. Kumikirot pa rin sa puso ni Angely ang masakit na nangyari kay Leah, at sila pa talaga ang naglibing nito sa huling hantungan; naging kaibigan niya ito kaya nasasaktan pa rin siya.
Hindi ko ito kasalanan, napag-utusan lang ako. Napasabi na lamang sa kanyang isipan. Ilang minuto ring nakatitig si Manuel sa naging libingan nito, pinipigilan ito ng tauhang huwag itong hukayin, palihim itong umiiyak.
Bigla na lamang tumawag sa kanya si Raymundo.
“How is it? Angely?” tanong naman nito sa kanya.
Lumayo-layo siya; tila may nakamasid sa kanila ngayon, ngunit paglingon niya wala namang tao, napailing-iling na lamang siya.
“Tapos na ang pinagawa mo sa akin; doble ang kabayaran na ihulog mo sa bank account ko.” Napasabi na lamang niya.
Narinig pa niyang tumawa ito sa kabilang linya. “Don’t worry, dear, maibibigay ko rin iyan kaagad. How’s my son?”Tanong naman ito sa kanya.
“He’s full of regret now.” Napasabi naman niya.
“Ha! What a pathetic son of mine! Umalis na kayo riyan.” Utos pa nito sa kanila.
Hindi na siya muling sumagot pa at pinatay niya ang tawag na galing sa lalaking iyon. Nang kumalma na si Manuel, umalis sila na parang walang nangyari na paglibing kay Leah. Uuwi na siya sa kanila ngayon.
Bigla na lamang bumuhos ang malakas na ulan nang hindi pa siya nakaabot sa kanila. Pagkatapos, pinatawag siyang muli ni Raymundo.
“Good job with your job here.” May ibinigay itong pabuya. Binasa ni Angely iyon, pati may titulo sa lupa itong ibinigay sa kanya.
“Iyong lote na pinaglibingan ni Leah Martinez, magiging pag-aari mo iyon.” Napasabi naman rito.
Nabigla siya sa kanyang narinig, kahit gusto niyang umalma sa pinagsasabi nito.
Kung saan inilibing ko si Leah, doon ako pupuwesto? Napatanong na lamang sa kanyang isipan.
Tinapik pa siya. “Hindi na muling babangon ang patay, ano ba ang kinakatakutan mo?” tanong pa nito sa kanya.
Hindi na siya sumagot pa. “By the way, magpapakasal kayo ni Manuel sa lalong madaling panahon.” Napasabi na lamang ito.
Kagaya ng sinabi nito, nagpakasal nga sila ni Manuel, at ang lote na kung saan nila pinaglibingan ay ginawan niya ng magandang mansion na pag-aari rin ng kanyang kapatid na babae na si Sheila.
Wala pang muwang si Sheila nang panahon na iyon, sinabi niya sa kanyang kapatid na siya ay kabit lamang, dahil nga wala na ang asawa nito’y nagpakasal itong muli sa kanya.
Ngunit, hindi pa rin alam ni Manuel na alam niya ang baho ng ama nito, isa sa mga taong big time sa sindikato. Hindi niya alam kung kailan niya itatago ang lahat ng baho niya at baho ng lalaking naging sandigan niya sa panahong iyon.
Inaamin niyang nakokonsensya sa kanyang ginagawa, subalit napasubo na siya at wala nang bawian iyon.
Akala niya magiging tahimik ang lahat, nang biglang dumating si Felicia. Hindi man siya naniniwala sa kakayahan nito, ngunit may nakakita kung paano nila pinatay si Leah. Naghahanap ng hustisya ang kaluluwa nito.
“Anong gagawin natin? Kailangan nating sumuko sa kapulisan.” Iyon na lamang ulit ang napasabi ni Manuel sa kanya.
Hindi siya pwedeng makulong; naamoy niya ang kahinaan ng babaeng kaharap niya, kaya naman, napangisi siya.
“Magkano ang ibinigay sa iyo ni Leah?” Kaagad tanong niya sa kaharap niya kung saan naghahanap ng impormasyon para sa katibayan para makulong sila.
“Bakit? Kaya mo bang higitan ang ibinigay niya?” panghahamon pa nito sa kanya.
Hindi pa patay ang magulang ni Leah nang panahon na iyon, siguro’y naniniwala ito ni Felicia, naghahanap din nang kasagutan ang magulang ni Leah na basta lang nawala ang anak nitong babae.
Kailangan niyang ibigay ang kanyang alas. Kinausap niya si Raymundo, napatawa man ito, ngunit sinuportahan siya nito. Nakilala ni Felicia si Raymundo.
Nagmamatigas pa ito na isusulong nito at isisiwalat ang buo nitong pagkatao, ngunit binantaan ang buhay nito.
Ngunit, nagwagi pa rin si Raymundo at may ugnayang nabuo rito, dahil hawak ni Felicia ang apo nito na kung saan inabanduna ng sariling angkan.
Naniniwala siya sa kakayahan nito.
“Angely, alam ko kung saan ang libingan ni Leah.” Sabi pa nito sa kanya.
“Magtulungan tayo, hawak niya ang buhay ko at buhay ng kapatid ko, maging ikaw rin.” Napasabi na lamang niya.
Nakita niya ang apo ni Raymundo, at isa sa mga batang nakasaksi na sila ang nagpalibing kay Leah nang buhay.
Hindi siya papayag na ang lahat ng pinaghirapan niya ay mawawala. May kanya-kanya silang sekretong itinago hangga’t sa kamatayan nila.