CHAPTER SEVENTY-NINE

"LEAH!" tawag ni Vivianne noon. 

Nakita ni Vivianne, alam niyang pinapahirapan nito ang mga kaluluwang nandoon, hindi ito kumibo sa kanila, tiningnan naman ni Sharlene ang mapaghiganting kaluluwa nito.

"Anong ginawa ninyo rito?" Napakalamig ng boses nito, pati ang titig na binigay sa kanila. 

"Please, Leah, tapos na ang lahat, magkakaroon na ng linaw ang pagkamatay mo." Napasabi na lamang ni Vivianne, nais niya itong kumbinsihin, dahil alam niya ang kabayaran nang lahat na ginawa ni Leah.

Mahina pa itong napatawa sa kanila, hanggang papalakas nang papalakas ang tawa nito na umalingawngaw sa isang lugar. Hirap na hirap ang mga nandoon, lalong-lalo na si Sheila.

"Huwag na kayong makialam rito, umalis na kayo hanggang kaya pa ninyong lumabas." Babala nito sa kanila.

"Leah, hindi kami lalabas rito kapag hindi ka bumalik sa totoo mong pagkatao." Rinig niyang sabi ni Sharlene. 

"Babalik? Babalik sa totoo kong pagkatao?" Napatawa pa ito sa kanila. "Hindi na ako babalik! Hindi na ako babalik sa dati!" Humangin nang malakas na tila liliparin silang dalawa. 

"Ano pa ba ang gusto mong gawin, Leah? Ano pa ba?! Nakaganti ka na, nalaman na nila ang kasalanan nila sa iyo, hindi pa ba sapat iyon sa kanila?" tanong naman ni Vivianne na napapakapit na lamang kay Sharlene.

"Gusto kong lahat kami rito ay maglaho! Hindi sila pwedeng ako lang ang mag-isa sa kadilimang ito! Hindi pa sila bayad sa mga kasalanang ginawa nila sa akin! Sa amin ng magiging anak ko! Hindi ako titigil! Hindi ako titigil! Walang kasing-sakit ang ginawa nila sa akin!" Napasabi niya ito sa kanila. 

"Alam namin iyon, Leah, alam namin iyon. Nakita namin ang paghihirap mo, ang pagtataksil, pero, tama na, huwag mo ng dumihan ang kamay mo at makipaglaro sa kanila sa putikan." Nakikiusap na siya rito. 

"No!" Tanggi nito at napailing-iling na lamang sa kanila. "Bumalik na kayo, bumalik na kayo!" Galit na galit ang boses nito.

"Leah, sinabi ko sa iyo noon, babawi ako sa iyo, hihingi ako nang kapatawaran sa iyo, basta bumalik ka sa totoong pagkatao mo, tapos na e, natagpuan ka na, natagpuan na ang sanggol na inilibing mo kasama ang mga bangkay ng inosenteng tao, please, bumalik ka na."

Umiling-iling ito sa kanya; sa bawat paghakbang ni Vivianne para makalapit ito kay Leah, lumalayo ito sa kanya. "Leah!" sabi pa niya.

"Hindi sapat ang hustisya sa lupa, isa pa’y nakatakas ang demonyong ito, hindi ba? Dahil pinalad siyang mamatay sa oras na lilitisin siya." Lumitaw ang isang lalaking nakagapos na namimilipit sa sakit; hindi ito makasigaw, tila mapupugto ang hininga nito. 

"Ibibigay ko sa kanila ang nararapat sa kanila, ibibigay ko sa kanila ang kaparusahang hindi nila natikman sa buong pagkatao nila, Vivianne." 

Bigla na lamang siyang natumba, dahil may napitik ang binti niya na hindi niya napansin.

"Panginoon lamang ang magpaparusa sa kanila, Leah." Iyon ang narinig niya kay Sharlene.

Pinipilit niyang makatayo noon; hindi niya alam kung ilang oras na ba siyang napalayo sa katawan niya. Kailangan nilang makumbinsi si Leah, na nagmamatigas sa kanila ngayon.

"Diyos ako rito, Sharlene. Ako nasusunod." Napasabi naman nito sa kanila.

"Hindi ikaw ang nagbibigay ng tamang kaparusahan, Leah. Leah, huwag ka sanang magpalamon sa galit mo." 

"Ano ang alam mo, Sharlene? Nagiging kakampi mo ako, dahil alam mo iyong pinagdaraanan ko." Sabi pa nito na tinitigan si Sharlene.

"Oo, alam ko ang pinagdadaraanan mo, Leah; alam ko ang pakiramdam na nararamdaman mo ngayon; alam ko ang pakiramdam nang pagtaksilan at paglaruan ang nararamdaman ko, pero, Leah, hindi tayo pwedeng magpatalo sa galit na nararamdaman natin." 

Nakita niyang tatakas ang lola Felicia niya; naalarma ito.

"Not on my watch, Felicia." Napasabi pa nito. Imbes na ang lola niya ang matamaan ng mga nag-uunahang latigo, siya ang natamaan. 

Tinitigan siya ng kanyang lola Felicia.

"Huwag mong isipin na ginawa ko iyon para sa iyo, lola; kinamumuhian kita noon pa. Pinipigilan lang namin si Leah na huwag na’ng dumihan ang kamay niya."

Napangisi na lamang ito at walang salitang tumakas.

"Felicia!" Hahabulin sana ito na pigilan ito ni Manuel. 

"Huwag na, Leah. Kung galit ka sa akin, sa akin mo ibunton ang sama ng loob mo, ang pagkawala ng magiging anak natin. Please, huwag mo na itong gagawin. Bumalik ka na sa totoong Leah na kilala ko noon. Bumalik ka na." Pagsusumamo pa nito .

"Hindi! Hindi!" Nakita niyang nakatakas ang tatlong kaluluwa kasama ang matandang si Raymundo. Si Sheila na lamang ang hindi nakatakas, dahil nawalan na ito ng malay.

Naririnig niyang nilalatigo nang paulit-ulit si Manuel; ininda iyon ni Manuel na hindi nagsalita. Bigla na lamang yumakap si Sharlene kay Leah, na siyang ikinabigla nito.

"Vivianne, dalhin mo na roon si Sheila, bumalik na kayo, hindi na kaya ng isipan niya, baka anong mangyari sa kanya." Sabi pa ni Sharlene sa kanya.

"Ate." Napailing-iling siya.

"Susunod ako, susunod ako, Vivianne, mauna ka na." Napasabi na lamang ito.

Hindi pa siya nakapagsalita, hinigop na siya ng kung anong pwersa pabalik sa totoong katawan niya. Naramdaman niya kaagad ang after-effect na dulot ng matagalang pagkawala niya sa kanyang totoong katawan.

Nandoon ang katawan ni Sharlene, hindi pa rin bumabalik ang malay-tao ni Sheila, pakiramdam niya umiikot ang kwarto kung nasaan siya. Kailangan niyang bumalik; kailangan niyang balikan si Sharlene. 

"Ate!" Dali-dali itong lumapit sa kanya. Naramdaman niya ang likidong nagmula sa kanyang ilong. 

Nosebleed? Kailan lang ako nag-nosebleed nang ganito? Napatanong sa kanyang isipan.

Napapadaing siya sa sakit ng ulo niya, sabayan ng kanyang pagkahilo, na halos maduwal siya ngayon.

"Nasaan si Ate Sharlene, b --- bakit hindi pa bumabalik si Ate Sharlene?" Takang tanong naman ni Tashia sa kanya.

Tiningnan niya nang mataman si Tashia, pinakalma na muna niya ang kanyang sarili. 

"Mama."

"Ashley! Huwag mong hawakan ang Mama mo, huwag na muna." Napailing-iling siya.

"Ilayo ninyo ang bata sa mama niya. Babalik ako." Napasabi pa niya, pinahid niya ang dugong pumapatak sa kanyang ilong,

"Ate, hindi pa kaya ng katawan mo." Sabi naman ni Tashia. 

Nagpapasalamat siyang agad itong kinuha ni Justine ang bata.

"Mama, Mama." Tawag nito.

"Ash, babalik si ate Vivianne, kukunin ko ang mommy mo roon."

"Huwag ka na munang bumalik, Vivianne, please, ipaliwanag mo sa amin kung anong sitwasyon at bakit hindi pa ito bumalik?" tanong ni Martin sa kanya.

"Nagwawala na si Leah, hindi na niya makontrol ang galit na nararamdaman niya, lalong-lalo na kay Raymundo. Pinipilit naming pakalmahin si Leah, ngunit matindi ang galit at pagnanasang makaganti sa mga nananakit sa kanya." Paliwanag naman ito sa kanya. 

"Nakatakas na ang kaluluwa ng tatlo, si Raymundo, Angely, at si Felicia; pinatakas namin sila, kaya naiwan si ate Sharlene, para sanang pakalmahin si Leah, kasama si Manuel. Hindi ko na alam ang nangyari dahil hinigop na ako ng katawan ko pabalik, dahil hindi na rin kaya ng isipan ko, pero si ate, hindi siya pwedeng magtagal doon." Napasabi na lamang niya.

"Ate Vivianne, pupunta ako kay Mama, pupunta ako kay Mama, kakausapin ko si Tita Leah, ate Vivianne, please." Humihikbi na si Ashley, nagpupumiglas ito kay Justine noon. 

"Hindi pwede!" narinig niyang sabi kay Tashia. Nanginginig ang kamay nito. 

"Ako ang pupunta ni Ate Sharlene, dito lang kayo." 

"Tashia, takot kang maglakbay." Sabi naman niya sa kanyang kapatid.

"Oo, takot akong maglakbay, pero kaya kong maglakbay. Pagod ang katawan mo, pagod ang isipan mo, Ate Vivianne. Huwag kang mag-aalala, ibabalik ko si Ate Sharlene." Ngumiti pa ito.

Naglakad ito patungo sa katawan ni Sharlene, hinawakan niya ang palad nito, at bigla na lamang nawalan ito ng malay.

"Ashley!" sigaw ni Martin, nakahawak kaagad ito sa kamay ni Tashia. 

"Ikaw na muna bahala rito, Vivianne, that child!" sabi pa ni Martin. 

"Kakausapin ko si ate Leah." 

Napabuntong-hininga na lamang siya. Bigla siyang inalalayan ni Justine na makaupo at agad kinarga ang luntay na katawan ni Sheila noon sa kama. 

"Hindi ka susunod? Para maniwala ka?" tanong naman nito sa kausap.

"Sinong magbabantay sa iyo rito? Besides nandoon na ang dalawa, at kaya nilang protektahan ang pinsan ko at si Ashley, why should I go there?" napatanong na lamang nito sa kanya.

Hindi na lamang siya nagsalita. "Alam kong magiging ligtas sila roon." 

"May pananalig ka sa kanila, hindi ba?" tanong naman nito sa kanya.

"Yeah." Tanging sabi na lamang niya. Biglang sumakit ang ulo niya.

"Magpahinga ka na muna." Iyon lang ang narinig nito. Umupo ito sa rocking chair na nag-aantay kung sino man ang inaantay nito.

Bumibigat na ang talukap sa kanyang mga mata at nakatulog siya nang mahimbing.