August 12, 2025.
"Simula nung first day, ibang-iba ang trato sa 'kin. May nandidiri, may nang-tttrip, may umiiwas, at may walang pake," sabi ni Zeikru.
"Simula nung na-leak yung sex video ko, wala nang nakikipag-usap sa 'kin. Ako na lang palagi ang pinaguusapan nila," dagdag pa niya.
"Dumami yung kagaya ni Ractu. Pinagtritripan ako sa bawat minuto. Hayyysss... ganyan talaga ang mundo," dagdag pa niya.
"Hanggang ngayon, hindi pa rin umaamin si Astrop, kahit ilang beses na siyang pinapagalitan ni Qurina," dagdag pa niya.
"Hayyysss... sana panaginip na lang ito," dagdag pa niya.
...
"Huy, ayun sya oh — yung na-leak yung video!" tsismis.
"Umiwas tayo sa kanya. Baka gawin tayong bakla," tsismis.
"Grabe, may tapang pa siyang pumasok sa school. Dapat sa kanya, mag-drop out na lang," tsismis.
"Zeik, after ng klase natin, uwi na muna tayo. Ako 'yung naiinis sa kanila," sabi ni Keizru.
"Hindi, okay lang," sabi ni Zeikru.
"Anong hindi... 'di ako papayag," sabi ni Keizru.
"Uy, ayun na si bakla! Ay, Barbie! Sabi ko na," pang-aasar ni Ractu.
"Ano ba?!" sabi ni Zeikru, na nai-stress na.
"Oh? Bakit? Ayaw mo nun? Mas nakilala ka na," pang-aasar ni Ractu.
"Ikaw yung nag-leak 'no? Saan mo nakuha yung video?" sabi ni Zeikru, habang si Keizru, na sobrang naiinis, gustong suntukin si Ractu pero hindi magawa.
"Ba’t di ko siya masuntok?" tanong ni Keizru sa sarili.
"HAHA! Problema mo na 'yon, ikaw kasi eh, ba't kapa nakipag sex sa lalaki." sabi ni Ractu habang paalis.
Agad na tinapunan ni Zeikru ng tubig si Ractu, at nagalit si Ractu.
"Tanginang–ginagago mo ba ako?!" pasigaw ni Ractu.
"Bakla! Bakla! Bakla!" pang-aasar ni Ractu.
Galit na galit si Keizru nang marinig niya 'yon. Biglang umitim ang mga mata niya, at umiba ang ihip ng hangin. Nakatingin si Keizru kay Ractu, galit na galit.
"Tang—Kei? Ikaw ba 'yan?" sabi ni Ractu.
Biglang tumulo ang dugo mula sa mga daliri ni Keizru. Binabalutan siya ng dugo. Pumikit si Ractu, at pagkadilat niya, nakita niya ang kamay ni Keizru na may hawak na—ulo niya, nababalutan ng dugo at kutsilyo.
Sumigaw si Ractu habang tumatakbo, habang si Zeikru at ang mga tao sa paligid ay walang nakikita.
"Anong nangyari?" tanong ni Zeikru sa sarili.
"Si Kei?" dagdag pa niya.
Hapon, pauwi na sila galing school.
"Kei? Anong ginawa mo kay Ractu?" tanong ni Zeikru.
"Wala..." sagot ni Keizru.
"Anong wala? Bigla kang nawala, tapos parang nakakita si Ractu ng multo," sabi ni Zeikru.
"Wala nga!" sagot ni Keizru.
"Ba’t parang galit ka?" tanong ni Zeikru.
"Ay, sorry... hindi ko makontrol sarili ko," sagot ni Keizru.
"Uy, ayun nanaman yung baliw," tsismis.
"Nako... para nga siyang tanga," tsismis.
"Bilisan na natin," sabi ni Keizru.
... Sa bahay ni Zeikru,
"Zeik, isuot mo 'tong headset ko kapag nag-uusap tayo," sabi ni Keizru.
"Bakit? Headset mo 'yan ha," sabi ni Zeikru.
"Ayaw mo? Nandiyan pa ata amoy ko nung bata pa ako, haha," sabi ni Keizru.
"Yuck."
"Anong yuck? Lagi kitang nakikitang inaamoy yung mga sinusuot ko," sabi ni Keizru.
"Hindi 'no! Inaamoy ko lang kung marumi. Pakalat-kalat kasi sa kwarto ko," sagot ni Zeikru.
"Anong pakalat-kalat? Nakatabi 'yon sa cabinet ko. Inilabas mo lang," sabi ni Keizru.
"'Di ah, 'di ko pinapakialaman mga gamit mo," sagot ni Zeikru.
"Edi sino? Multo?" tanong ni Keizru.
"Oo..." sagot ni Zeikru, nakangiti.
"Ughhh, 'wag na nga... matutulog na 'ko," sabi ni Keizru.
"Matutulog ka na agad? Ang aga pa ha," sabi ni Zeikru.
"Pagod na pagod ako," sagot ni Keizru na nakahiga na.
"Ah... edi tinakot mo nga si Ractu," sabi ni Zeikru.
"Nope," sagot ni Keizru.
"Matulog ka na. Maaga ka pa bukas," sabi ni Keizru.
"'Di muna ako papasok," sagot ni Zeikru.
"Ah, sige. Mas mabuti pa 'yan," sabi ni Keizru.
"Bukas, mag-count to ten tayo?" sabi ni Zeikru.
"Ang bastos mo talaga kahit kailan," sagot ni Keizru.
"Sabi ko, count to ten. One, two, three..." sabi ni Zeikru.
"Ah."
"Ikaw talaga. Ang dumi ng naiisip mo," sabi ni Zeikru habang nakangiti.
"'Di mo kasi nililinaw... sige, matutulog na 'ko," sabi ni Keizru.
Humiga si Zeikru katabi ni Keizru. "Yakapin mo 'ko."
"No," sagot ni Keizru.
"Dali na..." sabi ni Zeikru.
"..."
"Nubayan... ako na lang yayakap sa 'yo," sabi ni Zeikru habang niyayakap niya si Keizru.
...
"Ughhh!"
Car crash.
Water splash.
Ambulance and police sirens.
"Kuyaaaa! 'Wag ka naman sumunod kay Mama!" iyak ni Raziku habang yakap si Keizru.
"Nandito naman ako, 'di ba? Malabo akong mamatay. Ang lakas ko kaya," sabi ni Keizru.
"Sabi ni Doktor Madnaru, ang swerte ko raw. Sa gano'ng kataas ng bagsak, malabong makaligtas... haha," dagdag pa niya.
"Oo na... Kuya, binilhan kita ng vase. Haha," sabi ni Raziku, kitang-kita ang ngiti niya.
"..."
"Kuyaaa?" tawag niya.
"Ha? Ano ulit? Sorry, tulala ako," sagot ni Keizru.
"Kuya, binilhan kita ng vase. Saan ko ilalagay?" ulit ni Raziku.
"Ay wowww, ginawa mo na akong nanay. Haha," biro ni Keizru.
"Lola na lang. Haha!"
"Halika nga rito. Haha," yaya ni Keizru kay Raziku.
"Ayaw ko nga, may gagawin ka sa 'kin."
"Sige, ako na lang lalapit."
"Huy! 'Wag kuya! 'Di ka pa magaling... eto na oh," sabi ni Raziku habang lumalapit.
"One, two, three... Muawhhh! Muawhhh! Baby ko, ang laki-laki mo na. Haha!" sabi ni Keizru habang yakap-yakap si Raziku.
"Tama na, Kuya! Haha! Nakikiliti ako! Haha! 'Di ko na kaya! Haha!" tawa ni Raziku.
"UGHHH!"
"Kuya, gusto mo ng Jollibee? Sagot ko na," alok ni Raziku.
"Sige... wait lang pala, tanong ko lang..."
... habang naguusap sila tungkol sa confession ni Zeikru.
"Oo, mas maganda siguro 'yon. Ba’t pa kasi nadagdag 'yon? Kakamatay lang ni Mama, nag-confess pa talaga siya sa 'kin," sabi ni Keizru.
"Kuya, bili na 'ko. Ganun pa rin?" tanong ni Raziku.
"Oo."
"Sige, pahinga ka muna diyan," sabi ni Raziku sabay alis.
...
"Hi Keizru... oh? Kamusta na? Eto na pala mga gamot mo," sabi ng nurse (Dryka).
"Salamat po. Si Dok Madnaru po pala?" tanong ni Keizru.
"Ay, nag-leave muna," sagot ng nurse (Dryka).
"Sige, inumin mo muna yung gamot mo," sabi ni Dryka.
"Sige po..." Ininom ni Keizru ang gamot.
"Sige, mauna na muna ako," sabi ng nurse sabay alis.
"Ba’t nahihilo ako?" tanong ni Keizru sa sarili.
"Parang gusto kong pumikit..." sabi ni Keizru.
"AHHHHH!" sigaw ni Keizru, nagising sa panaginip.
"Bakit? May napanaginipan ka na naman?" tanong ni Zeikru.
"May naaalala ako... hindi pala ako namatay sa hit and run..." sabi ni Keizru.