April 13, 2020 — The Confession Day
"Wait... Keizru..." sabi ni Zeikru nung araw na nag-confess siya kay Keizru.
Umuulan. Kumikidlat. Tumakbo palayo si Keizru.
"Bakit?" tanong ni Keizru habang umiiyak.
"Bakit ako? Bakit niya ako gusto?" tanong ni Keizru sa sarili.
"Akala ko, itinigil na niya yung pagku-crush sa mga lalaki..." dagdag pa niya habang umiiyak.
"Ang sakit..." sabi ni Keizru habang naglalakad sa tulay.
Car beep.Car beep.
"Huh?" Huli na nang mapansin ni Keizru na may paparating na sasakyan—nasagasaan siya at nahulog sa ilog.
Water splash.
"Mas mabuti pa ito..." bulong ni Keizru habang unti-unting lumulubog.
"Ayoko na ring mabuhay..."
"Pagod na ko..." dagdag pa niya.
...
Ambulance and police sirens.
“Ba’t pa nila ako niligtas…” bulong ni Keizru sa sarili habang dinadala siya sa ospital.
Nagising si Keizru. Nandoon si Dr. Madnaru.
"Dok?" mahina niyang sabi.
"Pasensya na ulit kay Jacara, Keizru," sagot ni Dr. Madnaru.
"Salamat po… ikaw po ba ‘yung doktor ko?" tanong ni Keizru.
"Ay, hindi. Iba ang doktor mo," sagot ni Dr. Madnaru."Napakaswerte mo—sa lakas ng tama mo at taas ng hulog mo, halos imposibleng makaligtas ka."
"Sana nga po, namatay na lang ako doon..." mahina niyang sagot.
"Huy, ‘wag mong sabihin ‘yan. Pasalamat ka nga at buhay ka pa—"Biglang dumating ang isang nurse.
"Good morning po, Dok. Pasensya na po sa abala, nandoon na po yung pasyente ninyo," sabi ng nurse.
"Ay, pasensya na Kei. Mag-usap na lang tayo mamaya," paalam ni Dr. Madnaru sabay alis.
Mayamaya, dumating si Raziku na umiiyak,
"Kuyaaaa! ‘Wag ka namang sumunod kay Mama!" iyak ni Raziku habang yakap si Keizru.
"Nandito naman ako, ‘di ba? Malabo akong mamatay. Ang lakas ko kaya," pilit na biro ni Keizru.
"Sabi ni Doktor Madnaru, ang swerte ko raw. Sa gano’ng kataas ng bagsak, malabong makaligtas... haha."
"Oo na… Kuya, binilhan kita ng vase. Haha," ngiti ni Raziku.
"..."
"Kuyaaa?" tawag niya.
"Ha? Ano ulit? Sorry, tulala ako," sagot ni Keizru.
"Kuya, binilhan kita ng vase. Saan ko ilalagay?"
"Ay wowww, ginawa mo na akong nanay. Haha."
"Lola na lang. Haha!"
"Halika nga rito. Haha," yaya ni Keizru kay Raziku.
"Ayaw ko nga, may gagawin ka sa ’kin."
"Sige, ako na lang lalapit."
"Huy! ‘Wag, Kuya! ‘Di ka pa magaling… eto na oh!" sabi ni Raziku habang lumalapit.
"One, two, three… Muawhhh! Muawhhh! Baby ko, ang laki-laki mo na. Haha!" sabi ni Keizru habang yakap-yakap si Raziku.
"Tama na, Kuya! Haha! Nakikiliti ako! Haha! ‘Di ko na kaya!" tawa ni Raziku.
Ilang araw ang lumipas…
"Kuya? Gusto mo ng Jollibee? Sagot ko na," alok ni Raziku.
"Bawal pa ko niyan," sagot ni Keizru.
"Dali na, gustong-gusto kitang i-treat," sabi ni Raziku.
"Sige... wait lang pala, may tanong ako..." sabi ni Keizru.
"Ano po ‘yon?"
"Kapag ba nag-confess ‘yung kaibigan mo, ano gagawin mo?"
"Bakit po ‘yan? Sino ‘yung nag-confess sa ’yo?"
"Si... si Zeikru."
"Si Kuya Zeikru?! Nag-confess sa ’yo?"
"‘Di ba alam niya na ayaw mo sa bakla? Ba’t pa siya nagkagusto sa ’yo?" tanong ni Raziku.
"Ewan ko. ‘Di ko rin alam kung bakit. Itinuring ko siyang kapatid... gusto ba niya na mas mataas pa ro’n?" sabi ni Keizru,
"Siya ba yung dahilan kung bakit ka po laging tulala?" tanong ni Raziku.
"Oo... ang hirap. Ba’t siya pa? Ba’t siya naging bakla? Ang hirap tanggapin. Since bata pa kami, sobrang close kami. ‘Di ko talaga matanggap."
"Sa school? Iiwasan mo ba siya?"
"Oo. Mas maganda siguro ‘yon... Ba’t pa kasi nadagdag ‘yon? Kakamatay lang ni Mama, tapos nag-confess pa talaga siya."
"Kuya, bili na ‘ko. Ganun pa rin?"
"Oo."
"Sige, pahinga ka muna diyan," sabi ni Raziku sabay alis.
...
"Hi Keizru… Oh? Kamusta na? Eto na pala mga gamot mo," sabi ng nurse, si Dryka.
"Salamat po. Si Dok Madnaru po pala?"
"Ay, nag-leave muna."
"Sige po... inumin ko na po ‘to."
"Sige, mauna na muna ako," sabay alis ni Dryka.
"Ba’t parang nahihilo ako..." tanong ni Keizru sa sarili.
"Parang gusto kong pumikit..."
Dumating si Raziku, hawak ang Jollibee.
Pero laking gulat niya—si Keizru ay isinugod sa ER.
Nahulog ni Raziku ang Jollibee meal.Nang nalaman niyang patay na ang kanyang kuya.Time of death: 3:31 PM, April 20, 2020.
Nabalita ang pagkamatay ni Keizru. Nagsiiyakan ang mga fans niya, ang mga kaibigan niya... lalo na si Zeikru, na tulalang-tulala. Sinisisi niya ang sarili.
“Ako ang dahilan… dahil sa confession ko…”
Ilang araw na tulala si Zeikru. Habang pauwi, wala siya sa sarili.Hindi niya napansin ang paparating na sasakyan.
Bang!
Nasagasaan si Zeikru.
Samantala...
Nagising si Keizru—nasa damuhan.
"Saan ako?" tanong niya sa sarili.
"Huy, gising na siya!" sabi ni Karra.
"Yesss! May makakasama na tayo," sabi ni Reo.
"Sino kayo? At... wait... patay na ako?"
"Ako si Karra. Ito si Reo. 16 years na kami dito... at oo, patay na tayo," sagot ni Karra.
"Ha? Ba’t ako nandito? Di ba may langit at impyerno pa?"
"Makakapunta ka roon kapag nakumpleto mo ang requirements dito sa mundo," paliwanag ni Karra.
"Una, dapat oras mo na. Pangalawa, may proper ritual o ceremony ka. Pangatlo, wala ka nang unfinished business ka o hustisya na hinahanap. Pang-apat, alam mo kung paano ka namatay," dagdag ni Karra.
"Ahhh... so lahat tayo, ‘di pa tapos ang mga yan? Kayo po, anong dahilan ninyo?"
"Umm… wala pa kaming proper ritual," sagot ni Karra.
"Ah... ako po, sa tingin n’yo bakit ako nandito?"
"Siguro hindi ka rin na-proper ritual… basta ka na lang inilibing," sagot ni Reo.
"Ahhh… hala. Wait, puntahan ko lang kapatid ko. Baka nag-aalala ‘yon sa ‘kin."
"Hindi ka makakaalis sa sementeryo unless may sundo kang taong may malakas na koneksyon sa ‘yo nung nabubuhay ka pa," paliwanag ni Reo.
"Ayyy… sayang. Hintayin ko na lang po ang kapatid ko," sabi ni Keizru, malungkot.