Chapter 29 - Intracerebral Hemorrhage

"Raziku!" sigaw ni Zeikru habang kumakatok.

"Hmmm? Bakit?" tanong ni Raziku.

"Puwede pahiram ng death certificate ni Keizru?" tanong ni Zeikru.

"Ahh... nandoon sa kwarto niya," sagot ni Raziku.

Agad na pumasok sa kwarto ni Keizru sina Zeikru, Keizru, at Raziku.

"Ano ba 'yan?" tanong ni Raziku.

"May naalala ako. Gusto ko lang i-confirm," sagot ni Keizru.

"Ayun... nakita ko na" Sabi ni Zeikru,

"Keizru Samson Alonzo. Born on September 10, 2004. Died on April 20, 2020. 15 years old. Time of death: 3:31 PM. Cause of death... intra... intracerebral... hemorrhage," basa ni Zeikru habang hawak ang dokumento.

"Huh? Ang naaalala ko, may ininom akong gamot, tapos bigla na lang sumakit ulo ko," sabi ni Keizru na takang-taka.

"Baka after mong uminom, biglang nag-bleed 'yung utak mo," sagot ni Zeikru.

"Mataas 'yung hinulog niya, tapos natamaan pa siya ng kotse... baka late lang nag-bleed 'yung utak mo, Kuya," dagdag ni Raziku.

"Ilang araw akong okay. Parang nabali lang mga buto ko... tapos bigla na lang nag-bleed 'yung utak ko?" ani Keizru na nalilito.

"Parang hindi po, Kuya... Halos araw-araw kitang nakikitang wala sa sarili, laging nasusuka, laging nahihilo, at minsan sumasakit ulo mo. Mga symptoms 'yon ng intra-cere-bral hemor-rhage," paliwanag ni Raziku.

"..."

"Ba’t ‘di ko maalala?" tanong ni Keizru.

"Baka sa susunod, maalala mo. Ngayon mo nga lang po naalala 'yung tungkol sa pagkamatay mo," sagot ni Raziku.

"So... ito pala 'yung huling dahilan kung bakit nandito pa 'ko," sabi ni Keizru.

"Pero... kung alam ko na kung paano ako namatay, bakit hindi pa 'ko umaalis?" dagdag pa niya.

"..."

"Baka may kailangan ka pang malaman tungkol doon," sabi ni Zeikru.

"Anong ospital 'yon?" tanong ni Keizru.

"Doon sa ospital din ni Mama," sagot ni Raziku.

"Nandoon pa ba si Dok Madnaru?" tanong ni Keizru.

"Matagal nang wala doon si Dr. Madnaru. Wala nang balita, baka patay na siya," sabi ni Raziku.

"Ayy..."

"Sino doktor ko pala?" tanong ni Keizru.

"Dr. Oruhop ata," sagot ni Raziku.

"Pero matagal nang patay si Dr. Oruhop," dagdag ni Raziku.

"Ayy..."

"Pero si... si... Dryka ata," sabi ni Keizru.

"Ah... si Nurse Dryka... nandoon pa ata," sagot ni Raziku.

"Ayun... tara, Zeik. Thanks, Raz," sabi ni Keizru sabay hatak kay Zeikru.

"Ay, sakit... wait muna," reklamo ni Zeikru.

"Ay, sorry... masyado akong na-excite," sabi ni Keizru.

"Excited ka na ba talagang umalis?" tanong ni Zeikru.

"..."

"Never mind... huwag mo na 'yon isipin," sabi ni Zeikru.

"Hindi pa naman... Gustong-gusto ko lang talagang malaman 'yung pagkamatay ko," sagot ni Keizru.

"At saka, kapag nakaalis na 'ko, promise, lagi akong magpapakita sa'yo..." sabi ni Keizru habang niyayakap si Zeikru.

Sa Ospital

"Ma'am, si Nurse Dryka po?" tanong ni Zeikru.

"Anong apelyido?" tanong ng receptionist habang si Keizru ay nagsi-search ng FB ni Dryka.

"Eto, si Dryka D. Nior," sabi ni Keizru na nasa tabi niya.

"Dryka D. Nior po," sagot ni Zeikru.

"Ah, si Nurse Nior," sabi ng receptionist."Kaano-ano niyo po siya?" tanong niya.

"Kaibigan po..." sagot ni Zeikru na nagsinungaling.

"Puwede makita 'yung ID mo?" tanong ng receptionist.

"Ay... naiwan ko po 'yung ID ko," sabi ni Zeikru na kinakabahan habang si Keizru ay tina-try i-chat si Dryka.

"Ano na lang pangalan mo?" tanong ng receptionist.

"Ummm..." sagot ni Zeikru habang kinakabahan.

Dryka Nior

Keizru: Good morning po, kaibigan po ako ni Keizru Alonzo. Naging patient niyo po siya 4 years ago.Keizru: May tatawag po sa inyo na pangalang Zeikru Camacho.

(Seen)

"Zeikru... Camacho po," sagot ni Zeikru.

"Sige... wait lang po. Tawagan ko si Nurse Nior," sabi ng receptionist.

Calling... habang kinakabahan si Zeikru.

"Hello po, Ma’am. Bumaba na po ako kasi nandito na pala 'yung kamag-anak ko," sabi ni Dryka.

"Ha? Sabi niya magkaibigan kayo?" tanong ng receptionist.

"Ay HAHA, magkamag-anak po kami pero lagi niya akong tinuturing na kaibigan," palusot ni Dryka.

"Ah, sige po..." sagot ng receptionist.

"Tara, doon tayo mag-usap, sa labas" aya ni Dryka palabas.

...

"Ma’am, pasensya na po sa abala..." sabi ni Zeikru.

"O, sige. Bakit ka nandito?" tanong ni Dryka.

"May tanong po ako tungkol sa araw na namatay si Keizru," ani Zeikru.

"Kaano-ano mo siya?" tanong ni Dryka.

"Ummm... magka-i—" sabay pigil ni Keizru. “Sabihin mo mag-boyfriend tayo.”

"Mag-boyfriend po kami," sagot ni Zeikru.

"Ahhh..."

"Puwede pong malaman kung ano 'yung nangyari nang binigyan niyo po siya ng gamot?" tanong ni Zeikru.

"San mo 'yon nalaman?" tanong ni Dryka na medyo kinakabahan.

"Ummm... 'di ba po kayo 'yung nurse ni Keizru?" balik-tanong ni Zeikru.

"Ay, sorry... after ko ibigay 'yung gamot niya, umalis na 'ko," sagot ni Dryka.

"Pero... alam niyo po ba kung ano 'yung sanhi ng intracerebral hemorrhage?" tanong ulit ni Zeikru.

"Ummm... sa aksidente niya," sagot ni Dryka, halatang kinakabahan.

"Pero—" simula ni Zeikru pero naputol.

"Pasensya na, may duty pa pala 'ko..." mabilis na sagot ni Dryka at agad siyang umalis.

"Ha?" gulat ni Zeikru."Yare?" dagdag pa niya.

"Ayaw niya 'yon pag-usapan," sabi ni Keizru.

"Ahhh..."

Sa Restaurant

Nag-aya ang barkada sa restaurant.

"Niceee! Nandito na si Zeikru!" sigaw ni Zaru.

"Anong ganap?" tanong ni Zeikru.

"May trabaho na 'ko!" tuwang sabi ni Kezinur.

"Ay woww... congrats!" bati ni Zeikru.

"Si Keizru?" tanong ni Qurina.

"Ayan ka na naman kay Keizru eh," sabay-sabay na sabi ng iba.

"Nasa tabi ko," sagot ni Zeikru.

"Ayun, kompleto na tayong anim," sabi ni Qurina.

"Ba’t parang malungkot ka, Zeik?" tanong ni Xyru.

"Eh... alam na namin kung bakit nandito pa si Kei," sagot ni Zeikru.

"Eh? Ano 'yon?" tanong ni Zaru.

"Hindi pa niya alam kung paano siya namatay," sagot ni Zeikru.

"Kinausap namin 'yung nurse dati ni Kei. Kaso parang iniiwasan niya 'yung mga tanong ko," kwento ni Zeikru.

"Ah... baka siya 'yung may dahilan kung bakit namatay si Keizru," hinala ni Kezinur.

"Parang nga... pero nagtataka rin ako—ba’t noong una, nagpanggap siya na magkamag-anak kami, at nag-usap pa kami sa labas," dagdag ni Zeikru.

"Chinat ko siya. Tita ko si Dryka," biglang sabi ni Keizru.

"Ahhh, okay," sagot ni Zeikru.

"Anong okay?" tanong nila.

"Tita pala ni Keizru 'yung nurse niya. At chinat pala ni Keizru 'yung tita niya," paliwanag ni Zeikru.

"Wow, buti pa 'yung tita niya, chinachat niya. Samantalang ako, nakaka-200 na chat ko sa'yo, wala man lang seen," tampo ni Qurina.

"Ayaw ka kasi niyang kausapin," banat ni Xyru.

"Sige lang..." tampo pa rin ni Qurina.

"Pero alam niyo ba—" sabi ni Zeikru pero naputol.

"Good afternoon, my boyfriend’s friends!" bati ni Traciliz na kararating lang.

"Patay," sabay-sabay na sabi ng lahat.

Samantala, sa bandang Bulacan

Naglalakad sina Reo at Karra, hanggang sa wakas ay narating nila ang lugar kung saan sila namatay.