Chapter 31 - Sanib

"Mas naging madalas ang pagkidnap at pagpatay sa mga batang lalaki. Umabot na sa 76 ang nakidnap, at 41 pa lang ang natatagpuang patay. Iniimbestigahan pa rin ng mga awtoridad ang serye ng mga krimen," sabi ng nagsasalita sa balita.

"Ayoko na, Zeik. Hindi ko na talaga kaya panoorin," sabi ni Keizru na nasa katawan ni Zeikru.

"Paano ka aalis sa katawan ko? Lahat na lang, ayaw mong gawin," sagot ni Zeikru.

"Darating yung mga magulang ko anytime. At tsaka may pasok pa 'ko mamaya," dagdag pa niya.

"Edi maganda... Gusto ko ring maranasan ulit maging tao," sabi ni Keizru.

"Ah..." nalungkot si Zeikru sa sinabi ni Keizru.

"Pero... mangugulo ka lang. Nanghihiram ka nga lang ng katawan eh," dagdag pa ni Zeikru.

"Hindi ah... Hindi ako mangugulo," sagot ni Keizru.

"Promise, ah—" sabi ni Zeikru, pero biglang dumating ang mga magulang niya.

"Zeik, kamusta ka na?" tanong ni Ria, nanay ni Zeikru.

"Okay lang po, tita—" sabi ni Keizru.

"Ha?"

"Ay... okay lang po, ma," sabi ni Zeikru.

"Sige, mauna na po ako. May pasok pa 'ko," sabi ni Zeikru.

"Zeikru... ako na ang magsosorry sa papa mo. Pasensya na, ha? Alam kong marami kang pinagdaanan, lalo na nung pinaayos ulit yung ritual kay Keizru," sabi ni Ria.

"Okay lang po. Sige, maliligo na 'ko. Maaga pa 'ko," sabi ni Zeikru.

Pumasok si Zeikru sa C.R.

"Pahamak ka talaga, Kei. 'Wag ka na nga muna magsalita," sabi ni Zeikru habang pinapagalitan si Keizru.

"Sorry, haha! Hindi pa 'ko sanay," sagot ni Keizru.

"Tara na, maligo na tayo," sabi ni Zeikru.

"Sige... Pero... parang ang weird... hahawakan mo yung sarili mo..." sagot ni Keizru.

"Bakit? Magse-sex ba tayo? Haha," sagot ni Zeikru.

"At saka ilang beses ko na rin nahawakan sarili ko, kaya sanay na 'ko," dagdag niya.

"I mean, may ibang taong nagko-control sa katawan mo..." sabi ni Keizru.

"Sanay na 'ko doon... Lagi ko nga hindi makontrol sarili ko kapag nakikita kita. Lalo na dati, nung buhay ka pa," sabi ni Zeikru.

"..."

"Luh... tahimik mo diyan," sabi ni Zeikru.

"'Wag na nga lang... Male-late pa tayo sa school," sabi ni Keizru.

"Tanghali pa naman 'yun eh," sabi ni Zeikru.

"Ha? Ba’t maaga tayo aalis?" tanong ni Keizru.

"Eh... ayaw ko lang ma-late," sabi ni Zeikru.

"Ahhh..."

Tanghali, sa university ni Zeikru.

"Sakit sa ulo, hayyysss," reklamo ni Keizru.

"Ganito ba talaga yung college? Ang daming pinapagawa," dagdag niya.

"First sem pa lang 'yan. Kawawa ka kapag nag-second sem, lalo na sa fourth year," sabi ni Zeikru.

"Buti pa pala namatay na 'ko. Parang hindi ko kaya 'to," sabi ni Keizru.

"Weh, ikaw nga 'yung pinaka-top at pinakamasipag sa'min eh," sabi ni Zeikru.

"Dati lang 'yon..." sabi ni Keizru.

"Sino kausap mo?" tanong ng isang kabatch ni Zeikru.

"Wala..."

Habang nasa klase at nakikinig sa discussion, hindi namamalayan ni Zeikru na may pinapakialaman si Keizru sa computer niya.

P*nhub intro.

Nagsitinginan ang mga tao kay Zeikru.

"Tangina mo, Kei," bulong ni Zeikru.

Agad siyang nagsorry sa mga kaklase niya at sa prof nila.

Pagkatapos ng klase, nagtungo muna sila sa tapsilugan. Pinapagalitan ni Zeikru si Keizru.

"Bwisit ka talaga, Kei!" galit na sabi ni Zeikru.

"Wala ka talagang hiya... muntikan na 'ko ma-suspend," dagdag pa niya.

"Hahaha! Sorry po, haha! Gusto ko lang i-try 'yung computer mo," sabi ni Keizru.

"Gawin mo 'yan sa bahay, 'wag sa labas," sabi ni Zeikru.

"Sobrang nakakahiya talaga. Kapag buhay ka pa, mabubugbog talaga kita," sabi ni Zeikru.

"Hayssssss..."

"Uy Zeik, dito!" tawag ni Qurina.

"Hoy, ba’t ka nanood ng bold?" tanong ni Kezinur sabay tawa.

"Si Keizru 'yon eh," sabi ni Zeikru.

"Hahaha! Ang cute n'yo talagang dalawa," sabi ni Zaru.

"Nandito ba si Keizru?" tanong ni Zaru.

"Hulaan n'yo kung nasaan siya ngayon," sabi ni Zeikru.

"Sa tabi ko, noh? Yieeee," sabi ni Qurina.

"Gumising ka na," sabi ni Xyru kay Qurina sabay pitik sa braso niya. "AH!"

"Nasa tabi mo lang," sagot ni Zaru.

"Mali," sabi ni Zeikru.

"Nasa loob ng katawan ko... sinaniban ako," sabi ni Zeikru.

"Tang— Hahahahaha!" tawa nila.

"Kaya naman pala eh..." sabi ni Zaru.

"Ba’t sumanib si Keizru sa'yo?" tanong ni Xyru.

"Eh... ano kasi eh... aksidente... tapos—" sagot ni Zeikru.

"Napakalibog kasi ni Zeikru kaya naaksidente kong nasaniban si Zeik," dagdag ni Keizru.

"Hahahahaha!" tawa nilang lahat.

"Tang— kanina ka pa," sabi ni Zeikru.

"Ang cute n'yo talagang dalawa, haha," sabi ni Kezinur.

"Ay oo nga pala... invite ko kayo sa bar ng kaibigan ko. Bale tayo-tayo lang doon," sabi ni Zaru.

"Ay, weh?" sabi ni Zeikru.

"Sama na natin si Neo," sabi ni Zeikru.

"Geh..." sagot nila.

"Sakto, sinaniban ni Keizru si Zeikru. Gustong-gusto ko makitang malasing si Kei, hahaha," sabi ni Qurina.

"Hindi ako iinom..." sabi ni Keizru.

"Bahala ka... iinom pa rin ako," sabi ni Zeikru.

"Hahanap ako ng paraan para makatakas..." sabi ni Keizru.

"Sweet talaga ninyo... kaso para lang tanga si Zeikru, kinakausap sarili, haha," sabi ni Zaru.

"Mamayang gabi, ha?" sabi ni Zaru.

"Game!"

"Ay, ano na balita doon sa intracerebral?" tanong ni Zeikru.

"Possible talaga na 'yon ang kinamatay ni Kei, yung mga symptoms, at mga reports dati" sagot nila.

"Ah, sige... hayaan n’yo na," sabi ni Zeikru.

Sa Bulacan,

Naglalakad sina Reo at Karra, hinahanap nila ang kotse nila.

"Saan na ba 'yon?" tanong ni Reo.

"Tagal na kasi 'yon. After 20 years lang tayo nakatakas," sabi ni Karra.

"Natatandaan ko lang, parang nagde-date tayo, nang biglang may humabol sa'ting kotse, tapos naaksidente tayo," sabi ni Reo.

"Diba black 'yung kotse na 'yon?" tanong ni Karra.

"Parang ata... pero baka gray," sagot ni Reo.

"Ano ba kulay ng kotse natin?" tanong ni Karra.

"White..." sagot ni Reo.

"Ang alam ko, dito lang tayo naaksidente, malapit sa kalsada. Ba’t hindi natin mahanap?" sabi ni Karra.

"Baka sa kabila. Tanda ko ata may malapit na bahay doon..." sabi ni Reo.

"Kubo 'yon..." Sabi ni Karra.

Sa Maynila, may mga batang lalaki na naman ang naglalakad sa kalsada nang gabi.

Hanggang sa... may kumidnap sa kanila at nag-iwan ng itim na sako. Ang laman nito ay dalawang batang lalaki na patay na.