1

"Cleaning staff." Bagot na bati ko matapos kumatok ng tatlong beses. Napapabuntong hininga akong tumingin sa mga cleaning supplies na dala ko. I scoffed. I'm so tired of this job.

Nang wala akong marinig na sagot mula sa loob ay dahan-dahan kong pinihit ang door knob para buksan ito. Pagpasok sa loob ay dumeretso ako sa sala, hila-hila ang cleaning supplies na dala ko. Inilibot ko ang tingin sa buong kwarto habang nag-su-suot ng latex gloves.

Clean room.

Dahan-dahan akong naglakad papunta sa isang pinto, na sa pag-aakala ko ay bedroom. Kumatok ako ng tatlong beses, "Sir, andito po ako para mag-linis. Pwede po ba kayong lumabas?"

May iilang kaluskos akong narinig mula sa kwarto. Bahagya akong lumayo sa pinto at inantay siyang lumabas. There he is– A white man in his mid-20s. Awkward eyes. Fidgety hands. Pacing back and forth.

"Hindi ako tumawag ng housekeeper. Nagkamali ka yata ng kwarto, Miss." He avoids eye contact, he's still fidgety.

Lumapit ako sa cleaning cart ko at kinuha ang ang chart na nakalagay sa gilid nito. I flipped the chart at ngumiti sa kan'ya, "This is room 204 naman po, 'no?"

He started to pace back and forth a little bit faster. Clearly nervous. Mas lalong bumilis ang pagkamot niya sa kan'yang kamay, mas madiin. Given that behavior, inihanda ko ang sarili ko sa kung ano mang pwedeng mangyari.

"I know– this is that room. Pero hindi ako nagpatawag ng housekeeper." Nagsisimula na siyang maging aggressive. Ang tono ng boses niya ay mas nagiging galit na.

"Ok..." dahan-dahan akong naglakad papunta sa handle ng cleaning cart ko. "Aalis na lang ako, at hindi na ako babalik dito." May kabang ngiti na sagot ko sa kan'ya.

But, it looks like he made up his mind na hindi ako palabasin sa kwartong 'to. Napangisi na lang ako. I don't plan on getting out of this room without you either, John Bartolomeu.

Hinugot niya ang baril sa kan'yang likurang bulsa, "You don't want to do this, John." I kept my voice calm. Steady.

"Sino ka?" Galit na tanong niya habang patingin tingin sa magkabilang gilid niya. Looking for a way to escape. "Sumagot ka o babarilin kita?" His hands are shaking. Talagang lumabas ang pilyong ngisi sa mga labi ko.

"Hindi mo ba kayang makipagharapan ng ganito sa isang babaeng hindi takot sa 'yo? Ha, John?" Puno ng inis at irita na tanong ko sa kan'ya. "Look at you, you can't even aim straight to my head." Puno ng sarkasmong sabi ko sa kan'ya. I scoffed at him loudly, making sure he knows I'm making fun of him. "Because this is what you'll always be, John! A Loser–"

Bang!

Mabuti ay agad akong nakayuko nang magpaputok siya ng baril. Damnit! Bwisit na lalaki 'to.

"Tumahimik ka!" Nagpapanic na sigaw niya at nagsimulang magpaputok ng ilang beses sa gawi ko. Probably 3 shots.

Sumilip ako sa gawi niya at nakitang nakahawak siya sa ulo niya, covering his ears. He's losing touch of reality.

Hindi na ako nag-isip. Kumilos agad ako.

Sinugod ko siya at inagaw ang baril niya, pero ayaw niya itong binitawan kaya nag-agawan lang kami sa baril.

Bang!

Tumama sa kisame.

Pilit ko siyang tinutulak para sana i-corner siya sa pader ngunit sa kasamaang palad ay dumeretso kami sa nakabukas na kwarto at bumangga sa lamesa. Nagkandahulog ang mga gamit ngunit ang pakialam ko lang ay ang mapatumba siya.

Pilit niyang itinataas ang baril, pero hinawakan ko ang pulso niya, pinipigilan siyang makaputok. Malakas siya—mas malakas kaysa inakala ko—pero hindi ako magpapatalo. Tss. His profile didn't say he has this type of strength.

Sinubukan niyang sipain ang mga binti ko at tumama ang bota niya sa tuhod ko– napadaing ako sa sakit, pero tiniis ko. Fuck, he's heavier than I thought. I need to do something! Ginamit ko ang bigat ko para itulak ang kamay niya pababa.

Pinigil ko ang daliri niya at pinilit iputok ang baril.

Bang!

Tumama sa sahig ang bala.

Bang!

Sumabog ang isa pa, tumagos sa dingding. Ilang segundo siyang napatitig sa hawak naming baril at nanlalaki ang mga matang tumingin sa akin. Nakuha niya ang diskarte ko—pinapalabas ko lahat ng bala bago niya magamit laban sa akin.

Nang marinig ko ang click—wala nang bala. Agad kong inagaw ang baril, saka sinuntok siya ng malakas sa mukha. Napaatras siya. Isa pang suntok—sa sikmura naman. Napaluhod siya sa sahig, naghahabol ng hininga.

Hindi ko siya binigyan ng pagkakataong bumawi. Hinila ko ang braso niya, pinilipit ito sa likod niya, at buong pwersang idiniin siya sa sahig.

Mabibigat ang hiningang binibitawan ko dahil sa sakit ng tuhod kong sinipa niya. Nilapit ko ang labi ko sa tenga niya tsaka nanggigigil na bumulong.

"Gan'yan ba ang ginawa mo sa kanila, ha?" Napadaing siya nang mas lalo ko siyang idiin sa sahig. "You hit them to shut them up and then force them to play along with your sick delusions?"

Wonder what this guy did? He killed seven women. He forced them to play along as his lover, at kapag hindi niya nagustuhan ang pag response ng mga babae sa kan'ya ay pinapatay niya.

"I loved them" Nahihirapang sagot niya sa akin, lalo lang akong nanggigil dahil sa sinabi niya. Love– my ass!

"I'm happy for you, mahahanap mo narin ang soulmate mo, John." Pandidiin ko sa pangalan niya. "In prison." I whispered underneath my breath. "Only this time you're not gonna be able to push him around the way you did with those women. And, when he comes for you in the middle of the night, when you're least expecting it, you do me a favor–"

"Perse!" Rinig kong tawag sa akin ni Morgan.

Itinayo ko ang mamamatay taong hawak ko at hinarap siya kay Morgan na bagong pasok lang ng kwarto. "Play along." Nakangising sambit ko sa kan'ya at tinulak siya papunta sa mala-batong bulto ni Morgan.

"Ayos ka lang?" Nag-aalalang tanong niya sa akin habang pinoposasan si John.

Bumuntong hininga ako at tinanguan siya. "Masakit lang tuhod ko, naka-isa 'yan e'."

He playfully scoffed at me, "Talagang nagyayabang ka pa, ha." 

Nginisian ko lang siya at tinalikuran na. Ano ba laman ng kwartong 'to? Inaayos ko ang latex gloves na suot ko habang tinitignan ang kabuuang kwarto. Nothing seems suspicious.

"Alam mo? Hinding hindi ako makikipag-away sa 'yo." Nang-aasar na sabi ni Morgan mula sa likuran ko. Tinaasan ko siya ng kilay at mahinang tinawanan. Hindi ko na siya sinagot dahil naagaw ng pansin ko ang isang laptop na nakatago sa sahig ng closet.

"Morgan" Tawag ko sa kan'ya at nilapitan ang laptop na 'yon. Maingat ko 'tong kinuha mula sa sahig at ipinatong sa kama. "Ano satingin mo laman n'yan?" Magka-krus ang braso sa harap ng dibdib na tanong ko kay Morgan habang nakatitig sa laptop.

"I'm pretty sure– something I don't wanna know." Pabuntong hiningang sagot niya tsaka may dinial sa cellphone niya. "Hey, Hotch. Nahanap namin ang laptop ni John, ano gusto mong gawin namin?"

Hotch– Aaron Hotchner, our unit chief.

"Ok. Sige, pabalik na kami." He ended the call. Bumaling siya sa akin, "Tara na" Aya niya at kinuha na ang laptop.

Hindi na ako nagtanong at mabilis na lang na sumunod sa kan'ya palabas ng kwartong 'to. Nakaka-suffocate minsan mag-stay sa mga lugar na lungga ng mamamatay tao, lalo na kung ang taong 'yon nasipa ka sa tuhod. Tss.

"Hey, Morgan!" Tawag ko sa kan'ya bago siya makapasok sa sasakyan. Naniningkit ang mata niyang nakatingin sa akin dahil sa init na nanggagaling sa araw. "Sa tingin mo ba mababawian ko ng sipa si John bago makulong?"

Natawa siya sa tanong ko at iiling iling na binuksan ang pintuan malapit sa driver's seat. "Hindi pa ba sapat 'yong mga suntok na binigay mo? C'mon, let it go. Naka-isa siya pero mas nakarami ka, tama na 'yon."

Nakabusangot akong sumunod sa kan'ya at umupo sa passenger seat. Hmp, naka-isa nga siya, masakit naman ang naitama niya.

"But, of course, that's not enough for you." Kalaunan ay dagdag ni Morgan bago i-start ang sasakyan. Ngumisi na lang ako sa kan'ya at nag play ng music mula sa Infotainment System ng SUV.

Now Playing: Where Is My Mind? (2007 Remastered) by Pixies

"I have few minions in prison, they'll take a good care of him." Nakangising sagot ko sa kan'ya. Nagtataka niya akong sinulyapan pero kinindatan ko na lang siya at hindi na nagsalita.