Hindi na namalayan ni heart ang oras, inabot na siya nang nine o'clock ng umaga dahil hindi tumunog ang kaniyang orasan.
Agad naman siyang bumangon at nag madaling nag bihis, hindi na niya magawang maligo dahil alam niyang malalagot siya sa kaniyang manager. Pag kababa niya nang hagdan ay nakita niya ang kaniyang ina na nag hahanda nang makakain pero imbes na umupo ay humablot siya ng sandwich at tiyaka dali-dali nang lalabas nang bahay.
"Teka heart? hindi ka na ba talaga kakain." tanong nang kaniyang ina.
"Hindi na po, late na po kase ako. Pasensiya na mamaya nalang po tayong gabi mag sabay kumain."
"Sige ikaw ang bahala, mag iingat ka sa biyahe anak." matamis itong ngumiti sa kaniyang.
Kumaway lang siya dito at sinuklian din nang matamis na ngiti. Nakikita niyang masaya ang kaniyang ina sa tagumpay na nangyayari sa kaniyang buhay, lalo niyang pag bubutihan sa lahat ng oras para maiahon ito sa buhay.
Pag labas niya nang bahay sakto namang may dumaang trycle, sumakay na siya dito para mas lalong bumilis ang pag sakay niya sa bus station papunta sa kaniyang pinag tratrabhoan. Habang umaandar ito ay kinakabahan siya dahil ito ang unang araw na kinulang siya sa oras at hindi niya alam kung ano ang magiging reaction nang kaniyang manager sa lagay na ito.
Nang makarating siya sa buss station ay hindi na siya nag atubili pang sumakay kahit na masikip na ang laman nito, dahil kung mag hihintay pa siya sa susunod na bus ay paniguradong mag aaksaya nanaman siya nang ilang minuto.
"Sir pasensiya na po, late na akong nagising." nahihiya niyang pagsasalita at tiyaka muling nag salita nang makita niyang hindi ito umiimik. "Mag oovertime nalang po ako mamata kahit 2 hours."
"Bilisan mo na at pumunta mismo sa pwesto mo, mamaya ay naririto na ang ceo nang company kaya ayusin mo ang sarili mo. At pwede ba heart? pag pabango ka, nangangamoy higaan ka pa." sabi nito tiyaka nag sprey nang pabango sa paligid.
Hindi na siya nakapag salita sa sobrang hiya niya, inaamoy niya ang sarili habang mapunta sa kaniyang pwesto. Amoy kama nga ito sino ba hindi mag aamoy kama nang walang kang ligo diba?
"Huy heart akala namin hindi ka papasok, kung naturingan talagang malalagot ka kay manager. Alam mo bang pupunta dito yung ceo nang company natin?" scarlet isa mga ka-office mate niya dito.
"Napasarap lang ako nang tulog, tapos ayun badtrip yung alarm ko hindi naman tumunog. And about sa pag dating ng ceo wala din akong idea diyan, wala naman nag sasabi sakin na meron palang dadating na importanteng tao ngayon." sabi niya at tuluyang binaba ang mga gamit na nabitbit niya mula bahay at hanggang office.
"Walang nag sabe sayo? Kahapon pa yun nabalita dito sa buong company ah........Ayyy oo nga pala nag paalam kang maaga ka uuwe kaya hindi mo naabutan yung sinabi ng manager natin." sagot pa nito.
Tinanguhan niya lang ito dahil wala pa talaga siya sa mood makipag-usap. Kinuha niya ang pabango sa ilalim ng drawer niya at inilagay sa sarili.
"Hindi ka excited?" curious na tanong nito.
"Huh excited saan?" nakataas na kilay ko namang sagot sa kaniya.
"Tignan mo toh! Puro ka kase trabaho. Hindi mo ba alam na crush nang lahat ang ceo natin, dahil sa sobrang gwapo at talino niyang tao para kumita ng pera." parang bata itong kinikilig kaya tumawa siya ng awkward.
"Eh ano naman? Ano sinasabe mo diyan na matalino sa pagkita ng pera eh samantalang tayo naman ang mga nakatoka sa bawat project. Hindi por que CEO siya ganiyan na ang gagawin niya, pupunta nalang pag gusto o napag-tripan lang." tumaray pa si heart at tiyaka binuksan ang pc nasa table niya.
"Oo nga noh? Pero ang pogi niya parin."
"Ewan ko sayo scarlet, kung ayaw mo mawalan ng trabaho bumalik kana sa pinang-galingan mo." matawa-tawa kong sagot sa kaniya. Agad naman itong kumaripas nang takbo ng biglang naalala ang kaniyang ginagawa.
Masaya si Heart na kahit papaano ay may mababait na ka-office mate siyang kasama dahil hindi siya madaling ma-bored dito. Pag wala na silang gagawin ay sabat-sabay silang kumakain o nag cocoffee break. Minsan din silang nag sama-sama sa labas para kumain at mag bonding, hindi nag-sisi si heart nang mag apply siya sa trabahong ito kahit alam niya sa kaniyang sarili na hindi siya ganoong katalino para dito.
2hours later.............
"Good morning mister CEO, welcome po." sabay-sabay na pagbati ng mga empleyado kasama na rin si heart.
Tinitigan ito ni heart, hindi naman ito kagwapuhan tulad nang sabi ni scarlet sa kaniya, mas mukha itong mayabang at walang pusong tao.
"Sige na pwede na kayo bumalik sa trabaho niyo." sabi ng manager.
Agad naman silang nag balikan sa kaniyalang mga pwesto, makikita mo naman sa mga mata nang ka-office mate niya na tuwang-tuwa ang mga ito. Napailing nalang siya dahil sa mga kinikilos ng nga ito.
Seryoso ang usapan ng manager nila at ang CEO. Halata na may gustong gawen na kababalaghan ito. "Sino ba sa kanila ang pwede kong makausap ngayon na mismo?" tanong naman nang CEO sa manager nila.
"Si scarlet po, Mr. CEO." magalang na sagot nang kanilang manager, nagulat siya nang biglang tumayo si scarlet at nag lakad papunta sa pintuan.
"Ako po?" Hanggang tenga ang ngiti nito.
"Huy ano ba huwag ka na muna sumasabat scarlet." bigkas naman ng ceo namin at tiyaka siya siniko ng mahina sa tagiliran.
"Oo ikaw, halika sumama ka sa office." seryosong tono naman ng CEO.
Masaya namang sumunod si scarlet at lumingon pa sa kaniya para dumila lang, parang sinasabi nitong ang swerte niya dahil siya ang gusto kausap nang CEO.
Wala naman siyang pake sa bagay na iyon pero dahil mali na ang kutob niya sana ay mag iingat siya. Hindi mo pwedeng pagkatiwalaan ang isang tao kahit na may mataas itong position sa company.
Dahil na rin sa gusto niya malaman kung bakit ganito ang nararamdaman niya ay malihim siyang sumunod sa mga ito at nag antay sa mga susunod na pangyayaring magaganap.