POV: Mr.CEO
"Maupo ka scarlet, may ilan lang akong kailangan sabihin sa iyo." seryosong pananalita niya dito.
"Thank you po, ano po ba ang pag uusapan natin." abot tenga ang ngiti nito na parang bang wala nang sisikat na araw kinabukasan.
"Bakit sobrang saya mo scarlet." sarcastic na tanong niya.
"Kase ako po ang kailangan niyo makausap, maswerte po akong nakaharap ko kayo." mahinahong sagot nito sa kaniya.
Hindi niya maisip kung anong nilalaman ng utak nito at kung bakit ganoon nalang ito umasta sa harap niya. Kung merong malalanding babae ito higit pa sa kanila, para itong lintang binudburan ng asin at ibinilad sa araw.
"Hindi ako ang pumili sayo, kaya huwag kang matuwa diyan. Bilang isang CEO gusto ko sanang malaman kung ano ginagawa mo para sa kumpanya." sabi niya at tiyaka itinaas ang paa sa lamesa.
"Edi pinapalago pa po lalo sir, tapos ginagawa kong professional lahat ng bagay na kinikilos ko para makita ng mga buyer na worth it tayo." sagot naman nito.
Bigla siyang natawa at nakita niya sa mukha nito ang curiosity.
"Bakit po? Mali po ba ang isinagot ko." tanong pa nito.
"Professional, talaga lang ba scarlet? Sa tingin mo matuturing kang isang professional sa inuugali mo, kung ano-anong bagay ang sinasabi mo sa mga ka-trabaho mo tungkol sakin tapos sasabihin mo professional ka?" taas kilay kong tanong sa kaniya.
"Eh sir totoo naman po ah, gwapo at crush kayo nang lahat. Matilino rin nang klase na tao....." nakayuko nitong sagot sa kaniya.
"You know what? Kung may galit ka sakin scarlet huwag mong dalhin sa trabaho. Akala mo ba hindi ko nalalaman mga ginagawa mo, yes i accept you in this company kase kulang kami sa tao pero yang ganiyang ugali hindi ko tinotolerate yan. Pinag kakalat mo sa ibang department na may bad record ako noon sa karelasiyon ko, nang babae?!" tinaasan ko ito nang boses at kita naman sa mga mata nito ang galit.
"Bakit hindi ba totoo? Alam mo shiro napaka selfish mo, hindi pwedeng ikaw lang ang masaya dapat ako din." sagot nito at gamit na ang pangalan ko.
"Matagal na tayong scarlet, ano bang meron ka at hindi ka parin maka-move on sa nakaraan na. And for you information ikaw ang nangabet hindi ako, nakakasawa kayang umintindi nang isang babaeng walang ginawa kundi saktan at pahirapan lang ako." dinuro niya ito.
Medyo natatawa ito sa kaniya at paluha na pero nag patuloy parin ito sa pakikipag-usap sa kaniya.
"Pero shiro? Mahal pa kita, bakit kase hindi mo ako bigyan ng second chance? Ipapakita ko naman sayo na worth it ako." hinawakan nito ang kamay niya.
"Naririnig mo ba ang sarili mo? Second chance, ngayon kolang nalaman na hindi ka pala marunong mag bilang. Ilang chance na ang naibigay ko sayo scarlet and that's enough, and please get out of my office now. Your fired!?" inis niyang sagot dito.
"Mag-sisi ka sa mga ginagawa mo sakin, balang araw kakarmahin ka rin."
Natawa siya at maikling sumagot. "I'm not your mirror."
"Gago kang lalaki ka!?" sigaw nito bago pa makaalis sa office niya.
Hindi siya makapaniwalang magiging sobrang disperado ito para gumawa nang ganoong bagay, lalo na nakasalalay rin ang kaniyang sariling kapakanan.
Naging long term partner niya si scarlet noon, masaya naman sila nung una pero hindi niya akalain na mag babago ang ihip nang hangin para hanapin nito ang mga pagkukulang niya. Hindi naman siya perpektong tao kaya alam niyang nag kakamali din siya pero alam niya kung paano humingi ng tawad kapag alam niyang nag kamali siya.
Pero sa kabila nang mga pag kukulang niya ay nagawa nitong mag hanap sa iba, malaki ang pagkadismaya niya dahil imbes na sabihin ito sa kaniya at ipamukha na may pagkukulang siya, nagawa nitong magloko ng patago.
Napagod na siya sa ganoong paulit-ulit na pag uugali nito, kaya isang araw nang nahuli niya ito nakaramdam lang siya ng dismaya at hindi ang kawalan. Hinayaan niya na ito at tuluyan nang nakipag-hiwalay.
Pov: Heart
Tama ba ang mga narinig ni heart, nagulantang siya sa mga nangyayari sa loob ng office room. Napatakip pa siya nang bibig dahil dito.
"Ay palaka!" napasigaw siya nang biglang na sa tabi na niya si scarlet.
"Ang ganda ko namang palaka? Kanina ka pa diyan, tapos na ako sa loob. Kaya kung may kailangan ka sa CEO pwede mo na siyang kausapin." seryoso ang tono nang boses nito.
Hindi siya maka-imik dahil hindi niya alam ang sasabihin rito o mang-hihingi ba siya nang kalinawan tungkol doon.
"Narinig mo ang usapan namin?" seryoso parin ang tono nito. Wala siyang nagawa kundi ang tumango lang para makita nito na oo ang sagot niya.
"Huwag mo na intindihin yun, it's not a big deal. Hindi ka naman madadamay sa galit niya sakin ngayon kung hindi mo siya pakikialaman sa mga bagay na ginagawa niya." hinawakan pa nito ang balikat niya.
"Totoo ba yun, na niloko mo siya?" Hindi niya mapigilang tanong.
"Alam mo na ang sagot diyan kung talagang nakinig ka samin. Aalis na ako heart, salamat sa magandang pakikitungo mo sakin habang narito ako. Masaya akong naging katrabaho kita." tinapik siya nito sa balikat at tiyaka siya niyakap.
"Hindi ko alam ang sasabihin scarlet, naging mabuting kaibigan ka rin sa akin." sagot niya.
"Ayos lang yan, naiintindihan kita alam kong nabigla ka sa mga narinig mo pero sana heary huwag mo nalang sabihin sa iba ang tunay na nangyari sa loob."
Hindi siya makasagot nang maayos dito, alam niya na mabuti at makulit na kaibigan si scarlet kaya paano nito nagawang mag-loko noon at ngayon ay naninira nang isang taong ayaw siyang bigyan ulit nang pagkakataon.
Hinawakan nito ang kaniyang kamay at sabay silang bumalik sa kanilang department, pag karating palang doon ay agad itong nag ligpit nang gamit. Nag paalam ito isa-isa sa mga kasama namin, napansin niya na lahat ng katrabaho na nakasalamuha niya ay naging parte na rin nang kaniyang buhay.
"Talaga bang hindi na natin magagawan nang paraan manager para hindi na umalis si scarlet?" tanong ni shasha, isa sa mga katrabaho namin.
"Wala na tayong magagawa sha, ang CEO na natin mismo ang nag paalis sa kaniya." malungkot naman na sagot nang manager namin na nag papaalam din kay scarlet.
"Shasha bibisita naman ako rito, dadalhan ko kayo one time ng coffe break." naka-ngiti namang singit ni scarlet. Suminangot naman si shasha at muling yumakap kay scarlet.
"Sabe mo yan ah." sagot nito at nag papahid na nang luhang tumulo mula sa kaniyang mata.
Nakita niyang tumango lang si scarlet at tumingin sa kaniya para lumapit na. Nakita niya sa mga mata nito ang sakit dahil mawawalay siya sa mga naging kaibigan niya.
"Pano ba yan heart? Hanggang sa muling pag kikita nalang." hinawakan nito ang kaniyang kamay. Nakaramdam siya nang sakit dahil naging matagal niya rin itong kaibigan.
"Hmm pwedeng, lumabas tayo minsan?" tanong niya.
Tumawa naman ito at sumagot sa kaniya. "Hahaha siyempre pwedeng-pwede, basta mag message kalang sakin." sagot naman nito. "Mamimiss kita heart lalo na ang pagkabungangera mo sakin. Mahal kita friend." niyakap siya nito, she feel warm and love sa yakap na iyon.
"Salamat scarlet, mahal din kita. Mag-iingat ka." mapait siyang napangiti dahil hindi parin siya makapaniwala. Hinawakan nito ang kaniyang pisngi at tiyaka kinuha na ang mga gamit.
Habang papalabas ito nang department nila nakaramdam si heart nang isang taong importanteng na nawala sa kaniya. Alam naman niya na pwede naman sila mag kita nito pero hindi na tulad nang dati na lagi silang magkasama mag trabaho at mag bonding ng magkakasama.
See you soon scarlet.................