Chapter 4

Habang tutok si heart sa computer at gumagawa ng proposal para sa mga binebenta nila ay lumapit ang knilang manager sa kaniya.

"Oh eto, ibigay mo sa CEO natin. Sabihin mo ako ang may bigay, alam na niya ang kaniyang gagawin. Huwag mona abalahin na matapos niya basahin at pirmahan yan, bumalik kana agad dito at ayusin ang proposal." sabi nito at tiyaka ibinababa sa table niya ang medyo makapal na mga papeles.

"Sige po." sagot niya tiyaka tumayo para pumunta sa CEO office.

Habang nag lalakad siya sa di kalayuan ay nakasalubong niya ang CEO. Agad niya itong nilapitan at kinausap tungkol sa mga papeles na dala-dala niya.

"Halika sa office." sabi nito sa kaniya.

Tumango siya at sumunod, hindi niya alam kung bakit iba ang presensiya nito sa kaniya may hindi maipaliwanag na pagkakamali.

"Pinabibigay po ni manager wang, paki basa at pirmahan nalang daw po." sabi niya at tiyaka yumukod para umalis na.

"Saan ang punta mo? Hindi pa kita pinapaalis." boritong tono naman nito.

"Sorry po sir." pag papaumahin naman niya.

Maya-maya ay bumukas ang pintuan at nagulat siya na may nakita siyang isa pang CEO. Okay anong nangyayari.............

"Hoy anong ginagawa mo sa upuan ko, umalis kanga diyan shino." bulyaw naman nitong kakapasok palang.

"Eto na sayong-sayo na." sagot nitong habang naka-ngisi.

"Masiyado kang pakialamero. Wala kana bang magawa sa buhay mo? tignan monga yang sarili mo, damit ko pa talaga ang suot mo." sabi naman nang nakatayo sa likuran ko. Hindi maintindihan ni heart ang nangyayari kaya hindi niya magawang makapag salita o sumabat sa dalawa.

"Alam mo porket mayaman kana ginaganiyan mo na ako, pahiram lang ako ng damit mo." sabi pa nito at tiyaka lumapit sa isa pang ceo.

"Alam mo shino mag tino kana, mag trabaho ka nalang dito."

"Sige kuya, payag ako." sabi nito at tiyaka kumindat sakin. Lumabas na ito nang office at siya naiwan kasama nang totoong CEO at lutang na.

Hindi siya inimik ng CEO hanggang sa nabasa nito ang papeles. May pagkadismaya sa mata nito, alam naman niya na hindi nito nagustuhan ang mga nakasulat.

"That's my twin." bigla itong nag salita, nakahalata na atang naiwan pa rin ang utak niya dahil sa nangyari.

"Huh? Opo." aligagang sagot niya.

"Paki sabi kay manager wang paki bago ang mga details na minarkahan ko. Ayoko sa ibang nakalagay diyan." sabi pa nito sakin.

"Opo, sige po" sagot niya at dali-daling lumabas sa office.

Habang nag lalakad siya napaisip siya na kaya pala parang may mali sa presensiya na nararamdaman niya dahil hindi ito ang tunay na may karapatan sa upuan na iyon.

Nag lalakad siya sa papuntang department nila hindi na niya namalayan na may nakasunod na pala sa kaniya.

"Manager wang, may ayaw daw siya sa mga naka-sulat." bungad ko palang.

"Lagi naman." maikling sagot nito at tiyaka ako tinapik sa balikat, alam na niya ang ibig sabihin nun. Siya na ang mag babago nang mga nakamarka.

Pag talikod niya para pumunta sa kaniyang table ay nakita niya ulit ang nag ngangalang shino.

"Palakaaa! Ano ba kase." sigaw niya.

"HAHAHA pasensiya na, nagulat kita. Sorry kanina pelengero lang kase ako." sabi pa nito sa kaniya.

"Hindi ayos lang, kapatid ka naman niya isa pa wala akong karapatan magalit." sagot ko naman.

"Meron, isa lang din akong normal na tao. Nagtratrabaho para kumita ng pera, samantala ang kuya ko nabigyan na nang big blessing. Pinalayas ako sa bahay kaya yan wala silang ibang pamimilian kundi si kuya lang ang pamamanahan." biglaang pag papaliwanag naman nito sakin.

"Ganun ba? Sorry to hear that." maikiling sagot ko.

"Shino nga pala, What is your name?"

"Call me heart, nice to meet you sir shino." nakangiti ko namang sagot.

"Shino nalang, hmm pwede ba kita tulungan diyan? Tutal it's my first day of work." medyo natatawa nitong sabi sakin. Tumango naman ako at ibinigay sa kaniya ang mga papeles.

Pag kabalik niya sa table niya nakita niya itong nanatiling nakatayo at bagsak na ang panga sa mga nakikita nito sa papeles. Alam niya na mahirap baguhin ang mga iyon pero dahil nag prisenta ito ay nakahinga siya nang maluwag dahil may kailangan pa siyang tapusin.

Ilang minuto lang nakalipas ay lumapit sa kaniya si shino at nag tanong nang kung ano-anong bagay.

"Seryoso ba na lahat na naka-highlight babaguhin ko?" confused itong nag sasalita.

"HAHAHAHA oo." tumatawa ko naman na sagot sa kaniya. Hindi maipinta ang mukha dito, dahil siguro wala itong masiyadong alam or ngayon lang niya ito naranasan.

"Ganun kahirap pinapagawa sainyo ng kapatid ko? Siya kaya pagawin niyo." naiinis nitong pananalita.

"Alam mo hindi ka tatagal sa trabaho kung puro reklamo ka. Ang mabuti pa ay simulan mo na yan, bago ka pa abutin ng pasko." sabe ko naman at tiyaka ibinalik ang paningin sa computer.

"Ayoko nito! Hindi ko kayang gawin yan." nag dadabog ito sa harap niya na para bang bata na inagawan ng lolipop.

"Bakit ba kase nag prisenta ka kanina tapos ngayon ayaw mo na, ang hina mo naman. Akin nanga yan!" pabulyaw na sabi niya.

"Galit ka? Hindi ok na pala kaya ko na ito." pag bawi naman nito sa sinabi niya.

Umiling-iling ako at sinenyasan siyang umalis sa harapan ko, para naman itong lutang na lumingon-lingon sa paligid niya.

"Anong hand sign yan."

"Alam mo malapit na kitang itakin! Lumayas ka sa harapan ko, doon kana sa table mo."

"Ako?"

"Sino pa ba?!" nang tumayo ako para ibago sa kaniya ang notebook bigla itong kumaripas nang takbo pabalik sa kaniyang pwesto.

Hindi maintindihan ni heart kung ano ang meron sa taong ito, mag kaiba sila nang kapatid niyang CEO. Yung isa masungit, walang emosiyon, strikto, tapos ang isang ito immature, makulit, at paulit-ulit. Nag tataka tuloy siya kung iisa lang ba talaga ang tatay nila kase talagang magkaiba sila nang pag uugali.