HABANG abali si heart sa pag-gawa nang kung anong bagay, nasisilayan nang kaniyang si shino. Halata sa mga mata nito na nahihirapan na sa bagay na siya mismo ang kumuha para sa sarili niya.
Sumasagi sa isip niya kung bakit ganoon nalang ang trato sa kaniya nang kuya niya, mainit ang dugo nito at parang pinag tatabuyan siya.
"Heart!"
"Huh?! Ano ba iyon." sigaw ko nang may sumigaw sa pangalan ko.
"Halika na muna saglit." utos nito, pero dahil sa gusto niyang matapos ang ginagawa niya hindi niya ito nililingon.
"Ayoko marami pa akong kailangan gawin." sagot ko naman.
"Naririnig mo ba ang bagay na pag tanggi mo Heart Bautista?" seryosong tono nito.
Bigla siyang napatayo nang masilip niya ang mukha nito. "Mr.CEO, pasensiya na. Kailangan ko po talaga itong tapusin." napayuko pa siya.
"Ako ang CEO at ako ang masusunod. Mas importante pa ba sayo ang mga papel na iyan kesa sundin ang utos ko sayo?" seryosong tanong naman nito sakin.
Hindi niya alam kung bakit siya pinagdi-diskitahan nito o talagang may kailangan lang ito sa kaniyang ipagawa pero mas inuuna niya pa ang matapos ang mga bagay-bagay.
"Hindi naman po sa ganun." sagot ko naman habang nakayuko. Lahat ng katrabaho niya ay nakatingin na sa kanila at inaalam kung ano ang nangyayari.
"You know what, pwedeng-pwede kita tanggalin sa trabaho. Kahit kailan wala pang sumigaw sa akin nang ganoon kahit ang magulang ko." sabi pa nito.
Ilang minuto na hindi nakapag salita si heart sa mga sinasabi nito, wala naman talaga siyang pwedeng isagot dito.
"Tama nanga yan, kuya. Pati ba naman babae pinapatulan mo, hindi ka na ba nahiya sa mga taong nasa paligid mo? Hindi porket pag mamay-ari sila nang company na ito at ganiyan ka nalang aasta." biglang nakisingit si shino at hinawakan ang braso niya para ilagay siya dito sa likuran at ito mismo ang maging katapat nang kuya niya.
"Ang hilig mo mangialam noh? pwede ba shino ang buhay mo ayusin mo hindi yung pano ako makitungo. Ah alam ko na diba bago ka palang? You and that woman are fired." seryosong sabi nito habang nanduduro pa.
Bigla naman akong nagulantang sa mga narinig ko, hindi pwedeng mawalan siya ng trabaho. Gusto pa niyang bigyan nang magandang buhay ang kaniyang ina.
"Pero......" hindi pa siya nakakatapos mag salita ay sumagot na agad ito.
"Walang pero-pero Heart Bautista, lumayas ka na at nang lalaking yan dito. Sumunod ka na doon sa kaibigan mong walang ginawa kundi ang siraan ako sa loob at labas ng kumpanyang ito!" sigaw nito.
Hindi na siya nakasagot at baka lalo pang lumala ang mga nangyayari. Nang makaalis na ang CEO, tinignan niya nang masama si shino at tinatanong ito nang palihim ano bang meron ka at kailangan mo pang makisabat.
"Anong balak mo ngayon?" tanong nito nang makita niyang nakatitig siya dito.
"Ako pa talaga tinatanong mo nang ganiyan! Ano ngayon ang gagawin mo ngayong natanggal ako sa trabaho. Paano ko ngayon bubuhayin ang nanay at ang sarili ko? Masiyado ka kasing papansin." bulyaw ko naman dito.
"Heart, hindi ko naman intensiyon na matanggalan ka nang trabaho. Pinag tatanggol lang kita." paliwanag pa nito sakin.
"Sure ka ba? mas lalong napikon yun kase nakikisabat ka sa usapan nang iba. Ayan nawalan tayo parehas at salamat sayo kailangan ko nanaman mag hanap nang hagong mapapasukan!?" galit na galit na bulyaw niya. Hinablot niya ang kaniyang mga gamit at tiyaka tumingin sa mga kasama niya para magpaalam. Ang bigat sa kalooban niyang umalis nang ganoon pero hindi niya magagawang mag paalam ng maayos.
"Saan ka pupunta?" tanong ni shino.
"Anong klaseng tanong yan? Malamang uuwe, alangan naman mamalimos nalang diyan sa kalsada diba." naiirita ko namang sagot dito. Nang hawakan siya nito ay galit niya itong inalis at pinaramdam niya dito na ayaw niya sa presensiyang meron ito.
Hindi na ito naka-sagot pa dahil binilisan niya ang paglalakad, paalis sa lugar na iyon. Mahirap sa kalooban niya pero kailangan niyang tanggapin na babalik siya sa umpisa tulad nang dati niyang gawi.
Pag labas niya nang company agad siyang sumakay nang taxi, lalong bumigat ang pakitamdam niya dahil hindi niya alam kung paano ito sasabihin at ipapaliwanag sa kaniyang ina. Alam naman niyang hindi ito magagalit sa kaniya pero alam niyang malulungkot ito para sa kaniya.
Ilang minuto lang nakalipas nang makauwe siya sa bahay nila. Tahimik ang paligid at maaliwalas ang buong lugar, pag pasok palang niya sa pintuan ay maamoy mo na ang masarap na pagkain nang gagaling sa kusina.
"Oh anak bakit ang aga mo naman, wala ba kayong ginagawa ngayun?" tanong nang nanay niya ng makita agad siya nito.
"Ma........." malungkot niyang tawag sa kaniyang nanay.
"Bakit? May problema ba heart, ano nangyari sayo." nag-aalala nitong tanong sa kaniya at nilapitan siya.
"Kase po..........Ma sorry." hindi niya mabigkas ang dapat niyang masabi dito. Tumugulo na rin ang kaniyang luha.
"Ano ba kasi ang nangyari sayo? Bakit ka nag so-sorry sakin?" tanong pa nito.
"Pinanghihinaan na po ako nang loob na matupad ang promise ko sa inyo. Ma....tinanggal na po ako sa trabaho ko." tuluyan na siyang napahagulgul nang masabi niya ito sa kaniyang nanay.
"Hayyy nako bata ka, yun lang naman pala. Walang problema doon, marami kapang pag-kakataon. Maraming kumpanya riyan na pwede kang tanggapin......." sabi nito tiyaka pinupunasan ang luha niya.
"Hindi po kayo galit?" tanong pa niya.
"Hinding-hindi ako magagalit." nakangiti nitong sagot sa kaniya at hinila siya papuntang lamesa nakahanda roon ang masasarap na pagkain. "Diba ang sabe mo sasabayan mo ako kumain, pwes halika na kumain na tayo. Gutom na rin ako." sabi pa nito.
"Opo ma....." magalang niyang sagot dito.
Hindi pa rin maiwasan ni heart na magkaroon nang sama ng loob sa sarili, dahil nabigo niya ang kaniyang ina. Hindi niya na alam ang gagawin ngayon, hindi niya alam saan siya mag sisimula, hindi niya alam kung paano at kailan siya dapat kumilos, sa ngayon ang alam niya ay nabigo siya sa kaniyang pangako.
Bukas ay babangon nanaman siya ng hindi mag-aalalang ma-late sa trabaho, wala siyang mga katrabaho na buburautin siya tuwing umaga, wala na siyang mga promotion na gagawin para sa isang product, and no more sweldo na ulit.
Habang tinitigan niya ang ina, bumabagal ito sa pag subo nang pagkain. Iniisip niyang busog na ito kaya't nag dahan-dahan nalang ito.
Ilang sigundo lang makalipas ay napahawak ito sa kaniyang dibdib.
"Ma...ayos lang po ba kayo, anong pong masakit?" nag aalala niyang tanong tiyaka tumayo.
"Wala anak, paki abutan nga ako nang tubig." sagot naman nito na patuloy pa rin naka-hawak sa kaniyang dibdib.
"Eto p- "
Hindi pa niya naabot ang baso na may tubig ay natumba ito sa kinauupuan, laking kaba nang puso ni heart ng makita ito, nataranta siya at napaiyak.
"Mama.....huwag po kayo mag biro nang ganiyan...." sabi niya habang tinatapik ng mahina ang mukha ng kaniyang nanay.
Pero hindi dumidilat, hindi ito gumagalaw.
"Maaa! Hindi po pwede, huwag mo akong iwan!?" sigaw niya nang may nakarinig na sakniya.
May mga kapit bahay na pumunta at tinulungan siyang buhatin ang kaniyang ina para maidala sa ospital.
Humahagulgul si heart nang iyak habang nakikita niya ang kaniyang nanay na nagka-ganoon.
Ma......huwag po, kailangan po kita hindi ko pa po kayang mag-isa!? Tanging sigaw niya sa isipan.