Nagbasag si Sun Yi ng ilang unan, nauubusan ng hininga. Noon lang niya napansin na may kakaibang tingin si Ye Chen sa kanyang mukha.
Sinundan niya ang tingin ni Ye Chen at agad niyang naintindihan kung ano ang nangyayari. Inilagay niya ang unan sa sofa, at nagkunwaring galit. "Ano na naman ang iniisip mo?"
Siguro dahil sa matinding ehersisyo kanina, ang puting-puting t-shirt ni Sun Yi ay nabasa ng pawis. Kasama pa ang namumulang mukha niya, talagang naglalabas siya ng alindog.
Naramdaman ni Ye Chen na mapanganib para sa kanilang dalawa ang mamuhay nang magkasama ng ganito!
Parang tuyong kahoy at naglalagablab na apoy (TN: Ito ay isang kasabihang Tsino na naglalarawan sa malakas na sekswal na pagnanasa sa pagitan ng lalaki at babae, na kadalasang ginagamit sa hindi wastong relasyon sa pagitan ng lalaki at babae), birhen pa silang dalawa, paano na 'yan?