Namutla ang mukha ni Su Huixian. Ngayon niya napagtanto na lahat ay pakana lamang ni Su Bei.
Wala namang ginawa si Su Bei. Ilang salita lang ang sinabi niya, at nalagay na si Su Huixian sa ganitong hindi magandang sitwasyon.
Umiling si Su Huixian nang may pagkabahala. "Hindi, Dad, Du Luo. Maniwala po kayo sa akin. Paano ko isasakripisyo ang kinabukasan ko para lang ipahamak si Su Bei? Totoo namang akala ko ay dinrogan niya ako..."
"Pero ang katotohanan ay hindi niya ginawa!" singhal ni Su Xingfu.
Mabilis na nagsalita si Xu Zhiqin para sa kanyang anak, "Hubby, kahit hindi man siya dinrogan ni Su Bei, nagkaroon nga ng atake si Huixian noon. Bukod pa riyan, hinawakan ni Su Bei ang baso ni Huixian. Normal lang na pagdudahan siya ni Huixian."