Dahan-dahang itinataas ni Mu Yazhe ang kanyang ulo at tumingin sa kanya. Nang makita na walang paghanga kundi pagkainis lamang sa kanyang mga mata, nanlamig ang puso ni Mu Wanrou.
"Hubarin mo."
Isang walang-pusong utos mula sa kanya ang nagpako sa kanya sa kinatatayuan sa lubos na kahihiyan.
"Bakit?"
"Binigyan ba kita ng pahintulot na isuot iyan?" Umisnab siya.
Naging matigas at pangit ang kanyang mukha.
Hindi niya maintindihan; lagi siyang nagbibigay sa kanyang mga kahilingan. Maaari niyang makuha ang anumang gusto niya. Lagi siyang sinispoil nito at pumapayag sa anumang hinihiling niya - kahit na ito ay hindi makatwiran.
Bakit bigla siyang naging napakalamig at malayo sa kanya?
"Bakit? Bakit ko kailangang hubarin ito? Ibig mong sabihin hindi ako maihahambing sa kanya? Ang p*tang iyon—"
"Hubarin mo. Bibigyan kita ng limang minuto para magpalit ng ibang damit." Pagkatapos noon, itinuon niya ang kanyang tingin sa kanyang relo. Binibilang niya ang oras.