Pagkatapos magsalita, bumaling siya kay Qiao Nian. Nahihiyang hawak niya ang mga palamuti at nagtanong, "Sister, pwede mo ba akong tulungan dito? Hindi ko alam kung paano isuot ito."
Asa ka pa! naisip ni Jiang Li.
Lahat ng tao sa pamilyang Ye ay matalino. Matalino rin si Ye Qichen. Kaya niyang mag-assemble ng baril mag-isa noong bata pa siya. Sino ba ang maniniwala sa kasinungalingan niya!
Gayunpaman, naniwala si Qiao Nian sa kanya. Lumapit siya at mahinang nagtanong, "Alin ang gusto mong isuot muna?"
Naramdaman ni Ye Qichen ang mabilis na pagtibok ng kanyang puso nang makita si Qiao Nian na napakalapit sa kanya. Namula siya habang tinuturo ang palamuting hugis pusa. Pagkatapos ay sinabi niya, "Ito."
Inilagay ni Qiao Nian ang palamuti para sa kanya. Inayos pa niya ito. Pagkatapos, tumayo siya at nakangiting sinabi, "Tapos na ako."
Binigyan niya ito ng thumbs up at sinabi, "Bagay na bagay sayo."