Kabanata 230: Gustong Makita Siya

"Pagkasabi pa lang ng mga salitang ito, agad na tumawa nang mapangutya si Wen Mulian, "May lakas ka pa ng loob na itanong kung paano nasugatan ang kuya ko? Kung hindi dahil sa gulo ng pamilya mo, paano kaya masusugatan ang kuya ko. Sinabi ko na dapat tayong lumayo sa mga problema mo, pero pilit pa ring nakikialam ang kuya ko. Ngayon ayos na, 'yung babaeng si Lu Na, nangahas pa siyang saksakin ang kuya ko, napaka-walang utang na loob!"

Napasinghap si Lu Mianmian sa gulat. Sinaksak ni Lu Na si Wen Mulan?!

"Noong sinaksak ng babaeng si Lu Na ang kuya ko, paulit-ulit niyang sinasabi na kasalanan mo raw lahat, Lu Mianmian. Sinabi niya na ikaw ang dahilan kung bakit niya ginawa ito! Lu Mianmian, hindi ko na alintana kung anuman ang nangyari sa pagitan mo at ng babaeng 'yon, pero puwede ba na 'wag mong idamay ang kuya ko? Bakit siya ang magdurusa dahil sa away ninyo ng babaeng 'yon? Dahil ba gusto ka niya?"

Ang paratang na ito ay lubos na ikinagulat ni Lu Mianmian.