Bagong Tirahan

Ang ilan sa kanila ay natuwa na hindi nila siya binully noon, habang ang iba na dating nanggugulo sa kanya, ay pawang pinapawisan ng malamig. Sila ay lubhang natatakot na sila naman ang susunod.

Ganito ang takbo ng mundo, lalo na sa bilangguan. Ang mahihina ay laging natatakot sa mga malakas.

Dumura si Pan Dalong ng pinaghalong dugo, balat at ngipin sa sahig.

Isa sa mga bilanggo sa katabing selda ang bumilang ng nahulog na ngipin. "Kanina, hindi ba sinabi ni Fang Shaohua na tatanggalin niya ang sampung ngipin nito? Walo lang ang nandoon. May dalawa pang kulang."

Muling itinaas ni Fang Shaohua ang kanyang kamao at natakot si Pan Dalong kaya lumuhod. Hindi malinaw ang kanyang pagsigaw. "Boss, pakiusap patawarin mo ako!"

"Walang silbi kahit magmakaawa ka pa. Ako ay taong tumutupad sa salita." Ngumisi si Fang Shaohua. "Sinabi kong tatanggalin ko ang sampung ngipin mo. Hindi kita palalampasin nang ganoon lang."