Mga Hindi Kapani-paniwalang Resulta

Malakas na kumurap si Lu Yang. "Ako, nakapasa ako sa Matematika! Nakakuha ako ng mahigit isandaan sa Agham sa Pangkalahatan! P*ta!"

Dati ay nakakakuha siya ng marka na 40 hanggang 50 mula sa 300 sa Agham sa Pangkalahatan at iyon ay kapag maswerte lang siya. Ngayong pagkakataon ay nakakuha siya ng mahigit isandaan!

At para sa Matematika, nakakuha siya ng 91 at pumasa!

Si Fatty ay tila nabubuhay sa isang panaginip. "Brother Yang, ako rin. Mali ba ang pagmamarka ng guro?"

"Hoy, Brother Yang, Fatty, ano ang nakuha niyong marka sa pagsusulit?" Lumapit sa kanila si Chu Yao at nagtanong, ang tono niya ay malinaw na pinipigilan ang kanyang kasiyahan.

Sabay silang dalawa na tumingin sa kanya. "Ikaw naman, ano ang nakuha mo?"

Nilunok ni Chu Yao ang kanyang laway at ipinahiwatig ang marka gamit ang kanyang mga daliri. "93 sa Matematika at 138 sa Agham sa Pangkalahatan."