Gagawin Ko Ang Pagsasalaysay

Umiling si Ning Li. "Hindi na kailangan ninyong magabala."

Naintriga, nagpilit si He Xiaochen, "Wala lang 'yan! Hindi naman hihigit sa 10 linya ang papel mo. Ano sa tingin mo, Pei Song?"

Napakadali lang ito para kay Pei Song, kaya tumango lang siya.

Bago pa makapagsalita si He Xiaochen, binasa na ni Ning Li ang kanyang mga linya. Malinaw at nakakaginhawa ang kanyang boses, napakalamig sa pandinig.

Nanahimik ang reading corner sa loob ng ilang sandali, kaya tanging ang kanyang kalugod-lugod na boses lamang ang narinig.

Nagulat ang iba habang nakatingin kay Ning Li.

Ang pagsinghap ni Ren Qian ang sumira sa katahimikan.

"Grabe...ang...galing!" Pagkatapos ay tumingin siya kay Pei Song.

Nanirahan si Pei Song sa UK ng dalawang taon noong mas bata pa siya, kaya marunong siyang magsalita ng matatas na British English. Habang gustong matuto ng iba, mahirap namang makuha ang accent.

Gayunpaman, perpekto ang pagbigkas ni Ning Li—ang tono at accent ay halos kapareho ng kay Pei Song.