Chapter 1 Evening Rain

Umuulan nang malakas nang gabing ’yon. Tahimik ang paligid, tanging ang tunog ng ulan ang sumasayaw sa bubong ng café. Nakatayo si Eli sa likod ng counter, marahang nagpupunas ng mesa habang pinagmamasdan ang basang kalsada sa labas. Halos magsasara na siya. Ilang minuto na lang at patay na ang lahat ng ilaw.

Ding.

Bumukas ang pinto.

Kasabay ng malamig na hangin, pumasok ang isang lalaki—basang-basa, humihingal, at mukhang nilamon ng bagyo.

“Ah… s-sorry. Sarado na ba kayo?” tanong ng lalaki, bahagyang nanginginig habang pinupunasan ang mukha.

Nabitawan ni Eli ang basahan sa gulat. Napalunok siya. “H-hindi pa n-naman… pero m-mga ilang minuto na lang…”

Tumingin sa kanya ang lalaki, at kahit basa’t magulo, may ngiti itong nakakatawag ng pansin. “Pwede bang makisilong kahit sandali lang?”

Tumango si Eli agad, halos hindi nag-iisip. “S-sige lang…”

Tahimik na umupo ang lalaki sa may sulok habang si Eli ay naglakad papunta sa likod ng counter.

“G-gusto mo ng… i-inumin?” tanong niya, halos hindi makatingin diretso.

“Kung meron kang hot chocolate, jackpot na ’ko.”

Napakagat-labi si Eli at tumango. “M-may natira pa… sandali lang…”

Habang inihahanda ang inumin, hindi mapigilang sulyapan ni Eli ang lalaki sa sulok. Basang hoodie, nakatungo habang pinipiga ang laylayan ng damit. Hindi niya alam kung bakit, pero parang hindi niya gustong matapos agad ang gabi.

Inabot niya ang tasa. “Eto… h-hot chocolate.”

Tumingala ang lalaki at tinanggap iyon, nanginginig pa ang mga kamay. “Salamat. Ang bait mo.”

“W-wala ’yon…”

Tahimik silang dalawa. Ang tunog lang ng ulan sa labas, at ang marahang paghigop ng mainit na tsokolate, ang nagsilbing musika ng gabi.

“Ako nga pala si Jace,” sabay ngiti nito.

Napapitlag si Eli bago marahang ngumiti pabalik. “E-Eli…”

Nagtagal ang titigan nila—walang salita, pero punung-puno ng di-maipaliwanag na damdamin.

Minsan, sapat na ang isang basang gabi at isang mainit na tasa ng tsokolate para magsimula ang isang bagay na hindi nila inaasahan.

Lumipas ang halos dalawampung minuto mula nang pumasok si Jace, pero hindi pa rin siya umaalis. Tahimik lang itong nakaupo sa sulok, hawak ang halos ubos nang tasa ng hot chocolate, habang nakatanaw sa labas.

Si Eli naman ay tahimik na nag-aayos, sinisilip-silip si Jace sa gilid ng mata. Kalahati ng isip niya gustong tanungin kung okay lang ba ito, kalahati ay natatakot lang marinig ang sagot.

Nang mapansin niyang alas-onse na ng gabi, marahan siyang lumapit.

“Uhm… m-magsasara na k-kami…”

Tumango lang si Jace, pero hindi gumalaw. “Sige… lalabas na ko.”

Pero hindi pa rin siya tumayo.

“W-wala kang… p-payong?” tanong ni Eli, mahinang-mahina ang boses, halos pabulong.

“Wala eh,” sabay tawa ni Jace.

Napangiti si Eli, pero agad din nag-iwas ng tingin. “A-ano… m-may extra akong hoodie… tsaka p-payong… kung gusto mo.”

Nagtaas ng kilay si Jace. “Ha? Baka mahal ’yan—”

“D-di ko naman ginagamit. N-naiwan lang dito last month. I-inabot ng customer, hindi na binalikan…”

Saglit na natahimik si Jace. Tinitigan lang si Eli, bago ngumiti ulit—mas banayad ngayon.

“Sure ka?”

Tumango si Eli. “H-hintayin mo lang…”

Pumasok si Eli sa likod, at ilang minuto lang ay bumalik na may dalang itim na hoodie at kulay asul na payong.

“Inaamag na ’to sa storage,” biro niya, mahina ang boses, pero may laman.

Tinanggap ni Jace ang hoodie, saka ngumiti. “Thanks, Eli. Ambait mo.”

Namula si Eli. “W-wala ‘yon…”

Tumingin si Jace palabas. “Sasabayan na ng ulan ang lakad ko. Romantic.”

Ngumiti si Eli, pilit na tinatago ang kilig. “I-ingat ka…”

“Babalik ako bukas,” biglang sabi ni Jace habang nagbubukas ng payong. “Kung okay lang sa’yo.”

Nagulat si Eli. “H-ha? A-anong gagawin mo dito?”

“Para mag kakilala pa tayo” sabay ngiti.

At bago pa siya makasagot, tinulungan na siyang isara ang pinto at lumabas si Jace, iniwan siyang nakatulala.

Doon lang napansin ni Eli, may naiwan palang init sa hangin—at hindi lang galing sa hot chocolate.

[Jace's POV]

Hindi ko alam kung anong mas malamig — ’yung ulan sa labas o ’yung pakiramdam kong wala akong direksyon buong araw. Buti na lang nakita ko ’yung café na ’yon sa kanto, maliit lang pero bukas pa.

Pagpasok ko, ang una kong nakita ay siya.

Tahimik. Nakayuko. Para bang ayaw madistract.

Pero nung tumingin siya sa akin, parang may hinaplos sa loob ng dibdib ko.

Hindi siya makatingin ng direkta. Nababakante siya kapag nagsasalita. Pero 'yung boses niya?

Mahina. Malambot. Parang iniinitan ang kaluluwa ko.

At ang labi.

Pink. Glossy.

Tipong kahit hindi mo balak tumitig, mapapahinto ka talaga.

Nang ilapit niya sa'kin ang tasa ng hot chocolate, naramdaman ko ’yung init ng balat niya kahit hindi kami nagdikit.

At amoy niya?

Pabango ng café, tsokolate, saka 'yung amoy na hindi mo mabili — parang bagong laba, ulan, at lambing sa isang buo.

Hindi ko alam kung dahil sa pagod o sa init ng inumin, pero habang naroon ako, ayoko nang umalis.

---

[Eli's POV]

No’ng bumukas ang pinto, akala ko multo.

Mabigat ang hangin. Mabigat ang yabag. Pero ang mukha… hindi ko na maalis sa isip.

Basang-basa siya. At ang laki.

Halos punuin niya 'yung café kahit tahimik lang siya sa isang sulok. Pero kahit ganon, hindi siya nakakakaba… nakakainit siya.

Pansin kong nanginginig ang kamay niya nung inabot ko ’yung tsokolate. Gusto kong hawakan, initan. Pero nahiya ako. Baka magalit siya. Baka isipin niyang—wala lang 'yun.

Pero ang totoo?

Napansin ko agad ’yung mata niya.

Parang laging may iniisip. Pero ’pag tumingin, diretso—parang nabubura ako.

At ’yung amoy niya?

Basa, ulan, at... alpha.

Pero hindi ‘yung nakakagigil.

’Yung tipo ng amoy na kahit hindi mo gustong amuyin, hahanapin mo pag nawala.

Nagpaiwan siya hanggang pasara. Hindi ko na alam kung anong sasabihin, kaya inalok ko na lang ng hoodie at payong.

Ayokong mabasa siya ulit.

Ayokong mawala siya agad.

At nung sinabi niyang babalik siya…

Tangina.

Hindi ko alam kung natunaw ako, o kung tinamaan na ako.

[End of Chapter 1]

For my au's story follow my account in tiktok

@author.qu

Wattpad

@quelwri