Si Situ Zhangyou ay wala pa lamang ng limang minuto ngunit nagkagulo na. Hindi nakakapagtaka na sinabi ni Xuan Yuan na kung nasaan man pumunta ang magandang binibini ni Li Yuan, may sumusunod na gulo.
Dati ay hindi niya pinansin ang sinabi ni Xuan Yuan dahil akala niya ay OA lang ito, pero sa nakikita niya ngayon, kumbinsido na siya!
Ang mukha ng head chef ay sobrang pula habang sinusubukan niyang lunukin ang kanyang galit at gulat.
Ang iba sa kanila ay parehong nagulat nang malaman na kasama pala niya ang Batang Amo Situ. Iyon pala ang dahilan ng kanyang mapagmataas na pag-uugali.
Madali sanang malulutas ang problema kung nandito si Situ Zhangyou.
Ibinigay ng head chef ang buod ng nangyari bago nahihiyang tumingin sa kanya. "Batang Amo Situ, iyon po ang nangyari."
"Nasaan ang taong sumira sa mga birthday buns?" tanong ni Situ Zhangyou.
Gusto niyang makausap ang lahat ng sangkot para marinig ang lahat ng panig ng kwento at para malaman kung sino ang part-timer na nasapak.