Tumingin si Li Yuan sa naguguluhang binibini. Tama nga ang sinabi ni Kun Lun. Hindi gusto ng mga babae na tawagin silang mataba. Tumawa siya. "Sinasabi ko na mukhang malusog ka na, ibig sabihin ay lalong gumaganda ka."
Noong araw na una niyang nakilala ang munting binibini ay noong araw din na pinalayas siya ng pamilya Su. Nakakaawang namumutla at payat siya noon.
Mabuti na lang, pagkalipas ng ilang buwan, ang binibini ay naging mas masigla at mas cute kaysa dati. Ang kanyang mukha ay halatang mas malusog at maganda, at iyon ay nagpapasaya sa sinumang tumitingin sa kanya
Hindi naman mapagpakumbaba si Shen Xi at natuwa siya sa narinig na papuri. Itinaas niya ang kanyang baba nang may pagmamayabang. "Maganda talaga ako mula pagkabata."
Tumawa nang mahina si Li Yuan. Masayang-masaya siya nang may lumitaw na dalawang mabalahibo at kulay-kahel na tainga sa ulo ni Shen Xi.