Lumingon si Hao Ren para tingnan ang oras. Pagkatapos, napansin niya na iilan na lang ang mga tao sa restawran.
"Ser, bill po!" inilabas niya ang kanyang pitaka at nagsalita nang may pagmamadali.
Kinuha ng waiter ang pera, at sina Hao Ren at Xie Yujia ay mabilis na lumabas ng Restawran Dexin at napansin na walang tao sa labas ng plaza.
"Ano na..." Medyo nag-aalala si Xie Yujia habang hawak ang kanyang pitaka.
Hindi pa siya kailanman natulog sa labas ng kanyang bahay o dormitoryo! Ito ang unang beses na hindi siya nakabalik sa dormitoryo bago mag-curfew.
"Ayos lang. Baka gising pa ang dorm manager," sinakay ni Hao Ren si Xie Yujia sa likuran ng bisikleta at nagpedal papunta sa lugar ng dormitoryo habang pinapanatag siya.
Pumunta sila sa pasukan ng female Dorm Building No.3 sa timog na rehiyon at nakitang patay na ang ilaw sa administrative office sa tabi ng gate ng dorm. Ibig sabihin, natutulog na ang manager.