Ang Mahiwagang Mga Maestro

Nang ibinigay ni Xie Yujia ang susi kay Han Ren, ang kanyang mga daliri ay nakadikit sa palad niya.

Ang kanyang mga daliri ay medyo malamig. Tumingin si Hao Ren, pero umiwas ng tingin si Xie Yujia, sumisigaw sa masayang tono, "Ok! Lahat, ilagay niyo ang inyong mga bag sa inyong mga kwarto at bumaba sa lobby sa loob ng dalawang minuto. Mula dito tayo aalis!"

"Ok!" Nagkalat sila.

"Astig! Ikaw lang mag-isa sa kwarto!" Habang bitbit ang isang backpack, siniko ni Zhou Liren si Hao Ren sa balikat.

"Hindi astig! Mabo-bore ako mag-isa!" Umirap si Hao Ren.

"Gusto mo ba na samahan kita mamayang gabi?" Tumingin si Zhou Liren sa kanya nang may kahulugan.

Nanginig sa kadiri si Hao Ren at sumagot, "Hindi, salamat. Susubukan kong i-enjoy ang aking pagkabagot."

Ang kanyang kwarto ay nakaharap sa timog na may maayos na bentilasyon at sikat ng araw. Ito ay isang maluwang na double room, at hinala ni Hao Ren na binigyan siya ni Xie Yujia ng magandang kwarto gamit ang kanyang 'kapangyarihan.'