Hindi Karapat-dapat ng Pansin

Sa wakas, ang Puno ng Pamilya Guan ang unang nakabawi ng kanyang sarili. Tumayo siya na tumatawa at naglakad patungo kay Guan Xi Lin, na mukhang nagulat at bulalas na nasabi ng may kasabikan: "Xi Lin! Sa wakas ay bumalik ka na! Lahat sa pamilya ay nag-aalala sa iyo! Nasaan ka ba sa buong panahong ito at hindi ka man lang nagpadala ng mensahe pauwi?"

[Xi Lin? Guan Xi Lin?]

Ang mga tao sa karamihan ay nagkatinginan sa isa't isa.

[Hindi ba sinabi na pumunta siya sa Siyam na Entrapment Woods kasama ang mga tao sa kanyang angkan ngunit sumuway sa mga utos ng pinuno at umalis na galit, at sa huli ay naging biktima ng mababangis na hayop doon kung saan kahit ang kanyang mga buto ay hindi na matagpuan? Bakit ngayon ay bumabalik siya dito na buhay at maayos pa rin?]

[Narinig nilang lahat na ang kasalukuyang asawa ni Guan Xi Ruan ay dating nakatakdang mapangasawa ni Guan Xi Lin. Ano ang mangyayari ngayon? Bumalik na siya, ngunit ang kanyang kasintahan ay naging asawa na ng kanyang pinsan.]