Nakita siya ng lalaking nakasuot ng asul na kasuotan na nakatayo sa labas ng pavilion habang pinagmamasdan sila nang walang sinasabi at tumaas ang kilay niya habang nagtanong: "May kailangan ba ang Binibini sa amin?"
Nagbalik sa katinuan si Su Ruo Yun at tinignan niya ang mga mukha ng walong lalaki habang nagtanong sa isang mahinahon at mahinhing tono: "Ano ang mga pangalan ninyo?"
"Ang mga pangalan namin?"
Lumapit siya at sumandal sa pavilion para sabihin: "Ang ilang matatandang lalaki sa itaas namin ay nag-iwan ng mga tagubilin na ang aming mga pangalan ay dapat lamang ibunyag sa aming Panginoon, kaya, bago pa maging Panginoon namin ang Binibini, hindi namin ito ipagkakait kung bibigyan kami ng Binibini ng mga numero na gagamitin bilang aming mga pangalan sa anumang pagkakasunod-sunod na sa tingin mo ay angkop."