*Paalala ng Tagapagsalin: sinasabi na ng pamagat! May karahasan sa kabanatang ito. Iwasan ang kabanatang ito kung ayaw mo ng ganitong uri ng literatura~
Bigla namang napagtanto ng dalawang lalaki kung ano ang nangyari at agad silang nagbalik sa kanilang mga sarili upang magmadali at humabol!
Papatayin ang Ghost Doctor? Itong Puno ng Pamilya Liu ay talagang napakalakas ng loob. Hindi ba siya natatakot na wawasakin ng kanilang Panginoon ang kanyang buong angkan?
Dahil sa sobrang bilis ng kilos ng kanilang Panginoon, wala nang bakas nito sa isang kisap-mata lamang. Kaya, binuksan ni Grey Wolf ang kanyang bibig para magtanong: "Shadow Isa, bakit tumakbo ang Ghost Doctor papunta sa Loft ng Bantog na Ulap? Nalaman mo ba kung ano ang nangyari sa pagitan niya at ng ating Panginoon?"