Avery's Point of View
Nagising ako dahil sa silaw na galing sa bintana. Agad akong bumangon para maligo dahil pakiramdam ko ay ang lagkit ko na.
Habang nagsusuot ako ng bathrobe, napatigil ako nang mapansin ko si Elliot na mahimbing na natutulog. Para siyang anghel. Hindi ko maintindihan pero may kakaiba akong nararamdaman. 'Yung pakiramdam ng kontento. 'Yung parang kumpleto na ako.
Hinaplos ko ang mukha niya. Naalala ko lahat: kung paano kami nagsimula sa mali, kung paano kami nagbangayan, nagmahalan, nasaktan, at kung paano rin namin nalampasan ang lahat.
Wala na akong galit sa puso ko. Sa halip, mas lalo kong nahanap ang sarili ko. At habang hawak ko ang mukha niya, dahan-dahan niyang iminulat ang mga mata niya. Pagkakita niya sa akin ay agad niya akong niyakap nang mahigpit.
"Please... don't leave me again," mahina pero puno ng emosyon niyang sabi. Niyakap ko siya pabalik.
"Hindi na ako aalis sa tabi mo," sagot ko. Dahan-dahan niyang hinawakan ang mukha ko at hinalikan ako. Ramdam ko sa halik niya ang pagmamahal. Hindi marahas. Malambot at puno ng pag-aaruga.
"Thank you for giving me a chance," sabi niya.
"No, thank you. Because you taught me how to love again," sagot ko.
"I-Is this for real?" tanong niya, kita sa mga mata niya ang saya at gulat.
"Yes, Blanket." hindi ko ulam ngunit ayon ang kusang lumabas sa aking bibig.
Nagulat siya sa tawag ko at agad niya akong niyakap. Maya-maya lang, narinig ko siyang humihikbi.
"After all these years, ngayon ko lang ulit narinig 'yon. Pinilit kitang kalimutan noon. Hinusgahan kita sa mga desisyon mo, pati pagkatao mo. Patawarin mo 'ko. Ang tanging nagawa mo lang naman ay mahalin ako." saad niya habang lumalandas ang mga luha sa kaniyang pisngi.
"Huwag na nating balikan ang nakaraan. Let's just start over, okay?" I said positively.
"I love you, Pillow," bulong niya.
"I love you too, Blanket," sagot ko.
Naghalikan kami. At sa halik na 'yon, ramdam ko na nagsimula na ulit ang bago naming kabanata.
Lumipas ang mga araw at naging masaya ang summer break namin. Aaminin ko, ito na ang pinaka-masayang summer sa buhay ko. Kahit minsan, sobrang possessive ni Elliot. Kilala niyo naman ang isang 'to.
Grabe lang talaga. Pagkatapos naming magbalikan, humirit pa ng round two si loko kasi daw tinulugan ko raw siya. Literal na ginawa niya akong sa kaniya lang talaga. Nilagyan niya ng hickeys ang buong katawan ko! Hindi tuloy ako makapagsuot ng mga binili kong bikini.
Hindi rin niya ako pinapayagang uminom nang marami kasi baka raw may lalapit ulit sa akin. Pati driver namin, pinagselosan niya na. Hay nako!
Ngayon naman ay halos isang buwan na kaming magkasama nang kami na ulit. Masaya ako. Ang nakakagulat lang, pati ibang company owners ay alam na ang relasyon namin. Kaloka, 'di ba?
Dumating din ang tatlong ugok na kaibigan namin ni Elliot. Sobrang hot pa rin nilang lahat lalo na si Tyron.
Galit na galit nga si Elliot nang yakapin ko si Tyron.
Hindi ako kinausap ng isang buong araw!
Pero naging masaya ang hangout naming lima. Ang dami ko ring nalaman na mga bagong ganap sa buhay nila.
Si Edward, ikakasal na. Isang beses pa lang sila nagkita ng girl, pero nagka-baby agad! Sa loob ng tatlong taon nilang pagsasama, nagka-inlaban rin.
Si Tyler, kilalang wine businessman na ngayon. May asawa at tatlong anak na—kambal at isang lalaki. Pero kalog pa rin, kaya hindi ko maintindihan paano siya nagtatagumpay sa business!
Si Tyron... Ayun. Noong una, ayaw magkwento. Pero nang nalasing, nabuking. May nakilala raw siyang babaeng umiiyak sa tabing-dagat. Hinalikan siya nito bigla. Naghalikan sila. May nangyari sa kanila. Virgin daw ang girl. 'Di raw siya gumamit ng protection.
After a few weeks, may babae raw na pumunta sa office niya, sinabing buntis siya. 'Di siya naniwala. Iniwan siya ng babae ng sulat, ang pangalan: Klara.
Nagulat ako. May worker akong Klara, 'yung malanding lumalapit kay Elliot dati. Bigla na lang nag-resign after a week. Sinabi ko 'to kay Elliot kasi parang mababaliw siya kung mawala raw ang anak at baby niya.
"Pillow? Okay ka lang?" tanong ni Elliot, yakap ako mula sa likod habang pareho kaming nakatingin sa labas ng bintana.
Nginitian ko siya. "Oo. Naalala ko lang lahat ng pinagdaanan natin. Parang kailan lang."
"Ang bilis ng panahon, 'no?" bulong niya, ramdam ko ang tibok ng puso niya sa likod ko.
"Oo. Ang dami nating nawala... pero mas marami tayong natagpuan."
Tahimik kami sandali. Then softly, he whispered, "Sabay tayong tatanda, ha?"
Tumawa ako. "Ayoko nga! Gusto ko, bata pa rin ako habang gurang ka na." Biniro ko siya, sabay hampas ng unan.
Tumayo ako para maglakad-lakad pero hinabol niya ako—akala ko lalambingin lang ulit. Paglingon ko, nakita ko siyang nakaluhod.
"Elliot?"
Pero hindi siya namimilipit sa sakit tulad ng inaakala ko. He slowly pulled out a small velvet box from his pocket.
"Avery Tuazon Salazar..." inangat niya ang mukha niya, nangingilid ang luha sa mata pero puno ng pag-ibig at paninindigan ang boses niya. "Will you marry me?"
Napatulala ako.
"Siraulo ka!" sabi ko, halos di makapaniwala. Sinampal ko siya sa dibdib. "Huwag mo akong ginaganyan—para kang artista!"
Tumawa siya, hinimas ang dibdib niya. "Aray! Brutal ka pa rin kahit five years tayong hindi nagkita!"
Huminga siya ng malalim. Then his tone shifted—deeper, steadier.
"But seriously, Avery... I've lived years with nothing but regrets. And now, I want to live the rest of my life building something with you—without doubt, without fear. I promise, sa bawat umaga na gigising tayo, ikaw ang uunahin ko. Sa bawat gabi, sa pagod man o sa gulo ng mundo, ikaw ang pahinga ko."
"I promise to protect your heart, your identity, your dreams—whether loud or quiet. I will never ask you to change. I will never take you for granted."
"And when you're afraid or tired, I will be your calm. I will love you in a thousand ways, even on the days you feel unlovable. I will marry you not just because I love you—but because I choose you. Again and again, in every version of this life."
Hindi ko na napigilang umiyak. Pinahid ko ang luha ko habang tumango.
"Yes," bulong ko. "Yes, Elliot. A million times, yes."
Yumakap siya sa akin nang mahigpit, at doon ko ulit naramdaman 'yung peace na matagal kong hinanap.
"I swear to God, I will never ever hurt you again, Avery."
"And I swear to God, I will never let go of us." sagot ko habang hinahawakan ang pisngi niya.
Naghalikan kami, na parang unang beses. Hindi na para takasan ang sakit, kundi para ipangako ang bagong simula.
Ito na 'yon. Ang simula ng mundong matagal naming pinangarap.
"Tara, honeymoon agad!" hirit ni Elliot, pilit na hinila ako pabalik sa kama.
"Elliot!" sigaw ko, natatawa.
Thanks to God—for giving me not just a kind boyfriend...
But a man who grew, healed, and waited for the right time.
Oops... my soon-to-be husband pala.
Itutuloy...