Prologue

"Jessa? Is that you?" Halata sa mukha niya ang pagkagulat nang makilala niya ako. Tama 'yan, magulat ka lang. "I didn't recognize you coz' you look gorgeous tonight," tila naiilang niya pang turan. I think I should take that as a compliment.

Nginitian ko naman siya. "You look handsome tonight but still a shit. So, back off!" Mukha siyang karespi-respito ngayon dahil sa suot at tindig niya, pero dahil siya si Gemar na bully kaya kumukulo pa rin ang dugo ko sa kanya. Akma ko na siyang tatalikuran nang hawakan niya ako sa braso para pigilan. "What?"

"Come on, let's dance."

Walang pasabi niya akong hinila sa dance floor kung saan marami na rin ang sumasayaw. Ako naman itong si tanga na nagpatianod lang sa paghila niya. Nang tumigil na kami sa gitna ay agad niyang nilagay ang kamay ko sa balikat niya't ang kamay niya sa bewang ko.

Taaaddaaa.... We're now dancing! I never imagine it in my whole life.

"Woaahhh, trying hard pa kayo kahapon tapos ngayon magkasama naman. Marurupok din pala kayo?" komento ni Rhen na bigla na lang sumulpot habang hila-hila ang lalaki niya.

"Lumayas ka nga rito, Rhen. Lumayo-layo ka muna sa 'kin."

"Fine! Alam ko namang gusto mong masolo si pogi."

Nakahinga ako ng maluwag nang makita kong lumayo sa pwesto namin sina Rhen. Bakit ba kasi kasama ko ang mokong na 'to.

"I got attracted with your ass earlier."

Literal na nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. Ang bastos! Itutulak ko na sana siya nang hapitin niya pa ako palapit sa kanya.

"And now, with your pretty face with kissable lip," Dagdag niya pa.

Hindi na rin naman ako nakareact agad. Nanatili kami sa aming posisyon. I feel some butterflies inside my stomach. What I am feeling? It's gross!

"Happy Valentine's day," bati niya.

Hindi na ako nakaresponse dahil the next thing I know he's lips touch mine. He stole my first kiss.

©_author_aii