“You know what, I like you...I like you to throw in the trash bin. You look like a living trash.”
Napaawang ang bibig ko sa sinabi niya. He like me to what? Is he freaking insane o sperm na hindi nabuo?
Babatukan ko na sana ang kulang sa arugang sperm nang biglang humagalpak ng tawa si Rhen. Imbes tuloy na ang katabi ko ang mabatukan ko ay sa balikat niya lumanding ang palad ko.
“Aray!” daing niya. “Sorry na, hindi ko na napigilan ang tawa ko e'. Tama naman kasi si Gemar, friend.”
“Ang——”
“Kaibigan mo ‘to?” sabat ni Gemar kuno. Hindi man lang ako pinatapos sa pagsasalita bago makisawsaw.
“Alam kong hindi halata pero childhood best friend ko si Jessa,” sagot ni Rhen. Ramdam ko ang pagkailang niya nang sabihin niya ang katagang ‘yon. Nakakahiya ba talaga ang itsura ko? “Wala lang talaga siyang sense of fashion. Hindi ata nagmana kay tita,” dagdag pa niya.
Hindi na rin ako nakasingit sa usapan nila na ako lang naman ang topic. Parang wala ako sa tabi nila kung umasta sila. Wala na rin naman akong nagawa kundi lantakan ang pasta na nasa harapan ko.
Hindi ko talaga maintindihan ang mga taong mahilig mamintas ng kapwa. Lahat tayo ay may sariling paniniwala at desisyon sa buhay. Hindi ba ay mas mabuti na i-respito na lang ito at ‘wag na mangialam.
Nagmadali na lang ako sa pagkain para makaalis na rito, medyo kumukulo lang kasi ang dugo ko sa mga naririnig ko. Naiintindihan ko si Rhen dahil wala talagang tabas ang dila niya pero hindi ko matanggap ang panlalait ng lalaking hindi naman ako kilala.
“Mauna na ako sa inyo.”
Akma na akong tatayo nang maramdaman ko ang malamig sa damit ko. Mabilis lang namang binangga sa ‘kin ng Sperm ang kamay niyang may hawak na soda kaya hindi na ako nakaiwas. Parang nag-instant ligo tuloy ako ng soda sa harap ng maraming estudyante.
“That's how I introduce myself, I'm Gemar. Sorry pero sinasadya,” ngisi niya.
Nilapitan naman ako ni Rhen at pinahiran ng tissue ang damit ko pero tinabig ko lang ang kamay niya. As if naman ay mabubura ng tissue niya ang mantsa.
“Bastos ka talaga!” Dinuro ko si Gemar sa mukha pero hindi man lang nawala ang pagkangisi niya. “Nasa College ka na pero utak mo ay pang-elementarya! Base sa ID mo'y isa kang Nursing student pero sa ugali mo'y imbes na tumulong ka sa tao ay ikaw pa ang nagpapahirap. Grow up!” singhal ko.
Wala akong pakialam kong naagaw ko na ang atensiyon ng iba. Wala akong pakialam kung anong maging impression nila. I'm here to study not to impress their freaking eyes.
“Are you done with your speech?” Tumindig siya ng maayos at deritsong tiningnan ako sa mata. “I don't care.”
“How dare you!” Isang malakas na sampal ang binigay ko pero ako pa ang nasaktan. Literal na talagang makapal ang mukha niya.
Hinawakan ako ni Rhen. “Halika na.”
Wala na rin akong nagawa nang hilahin ako ni Rhen palabas ng Cafeteria. Una ko palang nakita ang lalaking ‘yon ay kumulo na talaga ang dugo ko. Nakarami na siya ngayong araw.
Wala akong naging imik hanggang marating namin ang locker room. Hindi ko alam kung bakit dito niya ako dinala instead na sa comfort room. Shunga rin ‘tong babaeng ‘to e'. Hindi niya ba napapansin na nanlalagkit na ako sa damit ko.
“May dala ka bang extra shirt?” tanong niya.
Concern ba siya sa ‘kin? Well, kaibigan ko siya pero hindi ko maitatanggi na nainis ako sa kanya. Kung hindi niya sana sinabayan ang panlalait ng Sperm na iyon sana ay ‘di lumaki ang ulo ng lalaking ‘yon.
Umiling lang naman ako bilang tugon. Mainit pa rin ang ulo ko't baka masinghalan ko lang ang babaitang ‘to.
“Dapat lagi kang may extra clothes sa ganitong pagkakataon.” Binuksan niya ang locker niya't may kinuhang pulang damit saka inabot sa ‘kin. “Itong akin muna ang isuot mo. Alam kong wala kang sense of fashion pero bagay ‘to sa ‘yo. May comfort room pala d'yan sa may left side.”
Agad kong tinanggap ang damit niya't nagtungo sa sinabi niyang comfort room. Wala na akong pakialam kung anong klaseng damit ‘to dahil ang mahalaga ay makabihis na ako, hindi ko naman kasi inaasahan na ganito ang nangyayari sa ‘kin.
“Mukha ka na ring tao, girl,” puna ni Rhen nang makabalik ako sa pwesto niya. “Sorry pala kung lampas na sa limit ang panlalait ko. Alam mo naman na wala talagang filter ang bibig ko.”
“It's okay.”
Naiintindihan ko si Rhen dahil simula noong High School ay ganyan na talaga siya. Madalas lang talaga ay nakakasakit na ang mga sinasabi niya.
“Kung curious ka kung bakit may mga damit ako sa locker ay dahil ginagamit ko for emergency. Kapag sinabi kong emergency ay tulad ng biglaang date o gala. Alam ko namang maganda ako kaya marami talagang gustong makipag-date sa ‘kin. Kapag pinagbibigyan ko sila ay ‘di na ako umuuwi sa bahay dahil baka ‘di ako payagan ni mommy kaya nagdadahilan na lang ako na may group study. Ayaw kasi ni mommy na makipag-date ako kung kani-kanino lang lalo pa't wala pa akong College Diploma. Do you think it's too old fashion?”
Did I forgot to say that she's talkative too? Lahat ata ng talent niya ay nasa bunganga niya. Kawawa ang magiging boyfriend nito dahil baka mabingi sa kaingayan niya.
“It wasn't old fashion because parents know the best. Para naman sa kinabukasan mo ang iniisip nila. H'wag kang makipag-date kung kani-kanino dahil ‘di ito karera na kailangang magmadali. Much better to preserve yourself for the right one,” paliwanag ko.
Magkaiba kami ng sitwasyon dahil hindi naman ako pinagbabawalan ng parents ko. Sila pa nga ang nagtutulak sa akin na makipag-date pero kailangang approved sa kanila ang lalaki dahil kung hindi ay manghihimasok sila.
Maraming nakakagusto sa akin sa province kaya alam kong maganda talaga ako. Hindi ko lang alam kung may deperensiya ba sa mata ang mga taong laitera.
“One week na ring Hindi ko pinapaunlakan ang nagyayaya sa ‘kin. Hindi dahil sinusunod ko ang parents ko kundi dahil may isang lalaki akong gusto pero malabo. Kanina kasi ay nakita kong may gusto siyang iba. Hindi pa naman ako hulog sa kanya kaya handa akong magpaubaya,” pagkwento niya.
“Ako ang kailangan pero hindi ang mahal~~~,” pagkanta ko sa song ni Moira na paubaya. Ramdam ko ang pagiging seryoso niya pero ‘di ko napigilan nang bigla kong maalala ang kantang ‘yon.
Alam kong mahilig siya sa mga lalaki pero hindi ko akalain na magiging seryoso siya.
“Hindi ako nagbibiro,” she pouted.
”Sino ba kasi ang tinutukoy mo para matulungan kita,” pag-uusisa ko.
Curious din naman ako kung sinong lalaki ang papatulan ng babaeng ‘to. Tingnan ko lang kung maganda ba ang taste niya.
“Si Gemar ang crush ko pero gusto ka niya kaya magpapaubaya na lang ako para magka-lovelife ka.”
Literal akong napanganga sa naging sagot niya. Sa rami ng lalaking magugustuhan niya ay bakit ang Sperm na ‘yon pa. May panama naman ang lalaking ‘yon sa itsura pero hindi ko nagugustuhan ang trato niya sa akin. At ‘yon? Magkakagusto sa akin? Isang malaking kalokohan.
“I know na hindi maganda ang naging trato niya sa ‘yo pero ang paraan ng pagtingin niya sa ‘yo ay paghanga. Ngayon lang kayo nagkita pero do you believe in like at first sight?” dagdag niya pa nang hindi ako magbigay ng komento sa una.
“No, he's eyes is full of disgust,” pagkontra ko. Nababaliw na naman ba ang kaibigan ko?
“Tanga!” Pinitik niya pa ako sa noo. “Alam ko ang tinginan ng mga lalaki dahil hindi ko na mabilang ang mga lalaking naka-date ko. Maybe, he wasn't aware with his feelings or maybe he's trying to deny it. Kilala ko siya since first year pero wala naman akong nabalitaan na napagtripan niya. Ikaw palang ang una kaya sa tingin ko ay nakuha mo ang atensiyon niya,” paglilinaw niya. Napapakunot-noo lang naman ako sa deduction niya.
“Hindi mo ba naubos ang pagkain mo kanina? Mukhang nalipasan ka ng gutom, girl,” pang-aasar ko. Wala na kasi sa hulog ang mga sinasabi niya. “D'yan kana nga.”
Nginitian ko lang si Rhen bago naunang maglakad sa kanya. Unang araw ko palang dito pero de-ni-demonyo na niya ang utak ko. Hindi na rin ako nakapag-thank you sa kanya sa pagpapahiram ng damit niya pero alam ko namang alam niyang thankful ako sa kanya. Pero, kailangan ko muna siyang iwan dahil nakakabingi na ang kadaldalan niya.
“Nakita ko na naman ang gwapong anak ni Miss Sophia Dela Merced...”
Napatigil ako sa paglalakad nang marinig ang sinabi ng kapwa ko estudyante. Sophia Dela Merced? Quite familiar...
©author_aii