“Lagi nalang talaga may pinapagawa si ma’am, pagod na ako mag-aral” wika ni Redd habang nakatulala sa assignment namin sa General Math.
Si Redd, bestfriend ko since high school. Ganyan talaga ugali ni Redd, imbes na sa bahay gawin ‘yung assignment dito niya sa room ginagawa. Kaya ayan lagi na lang nagrereklamo, eh siya nga rin ito ang nagpapahirap sa buhay nya.
“Madali lang naman ‘yan, sadyang hindi ka lng nakikinig kasi nakatingin ka kay Frea” sagot ko sakanya.
Si Frea, na palaging laman ng utak ni Redd. Matagal na n’yan gusto kahit straight naman talaga si Frea.
“Ganda niya kasi talaga eh, ikaw ba dem wala ka bang nagagandahan sa section natin?” tanong ni Redd na mukhang excited malaman ang sagot ko.
“Simula nong nag-break kayo ni Sam, hindi ka na ulit umibig” Patawang sabi ni Redd na mukhang nang-aasar.
Si Sam ‘yung ex ko na niloko ako nang patago. Sa sobrang brokenhearted ko nagawa kong mag-rant sa kaibigan kong si Redd at ayan tawang-tawa siya kapag naaalala niya na umiyak ako sa harapan niya. Nakakahiya talaga ang pangyayaring ‘yon.
“Hindi mo ba type si Jem? Mukhang bagay kayo. From academic rivals to lovers, ayiee” sambit ni Redd na talagang inaasar ako.
Si Jem, ‘yung academic rival ko simula nong elementary hanggang ngayong senior high school. Nasa kanya na ang lahat: President ng Supreme Student Government, valedictorian since elementary hanggang high school, mayaman, complete family, at sobrang ganda. Pero malabo namang magustohan ko ‘yan, palagi niya nga akong sinusungitan.
“uy speaking of…”
Pumasok na nga sa room namin yung circle of friends nila Jem. Mapapatingin ka talaga sa kanya, hindi sa sinasabi ko na type ko siya pero we can’t really deny the fact na maganda talaga siya physically pero sa personality…
Nagulat ako nang biglang tumaas ang kaliwang kilay niya, nakatingin lang naman ako sakanya pero ganon pa natanggap ko. At inirapan pa talaga ako ha.
Hindi nag tagal ay pumasok na ang aming Guro. Hays, ganon pa rin kapag recitation boses lang namin ni Jem ang maririnig sa buong sulok ng room.
Nang matapos na ang lunch break, nauna akong pumasok sa first period namin sa hapon. Meron kasi kaming summative test kaya kailangan ko mag-review, mahina pa naman ako sa Religion. Sa hindi inaasahang pagkakataon natagpuan ko si Jem sa room, natutulog. Kung minamalas nga naman, nakaka intimidate pa naman presence nya kasi palagi niya akong sinusungitan. Pumasok na ako ng tahimik kasi ayoko namang magising siya.
Nagulat ako ng biglang mahulog sa sahig ang isang notebook niya. Nagda-dalawang isip ako kung tatayo ba ‘ko or manatili na lamang sa puwesto ko. “Hindi naman masama kung kukunin ko ito diba? Baka ito pa ang rason na gumaan loob niya sa akin” Nakapagdesisyon na ako at tumayo sa kina-uupuan ko upang pulotin ito. Nang-akma kong kunin ito nagulat ako nang may nahawakan akong kamay.
Sobrang lambot ng kamay, ang bangooo, ang linisss at tila ba parang tumigil ang mundo ko sa simpleng paghawak ng kamay.
“pwede bang bitawan mo na ako” wika ng magandang babaeng nagmamay-ari ng kamay. Si Jem pala. Tinanggal niya ang kamay ko sabay inirapan ako. Mukhang naiinis na, dahil nakahawak ako sa kamay niya. Parang diring-diri talaga siya sa’kin.
“Ay sorry, nahulog mo kasi notebook mo nong natutulog ka” sagot ko, habang na mamasa na ang kamay ko sa kaba.
Pucha, ano ba ‘tong pinagagagawa ko. Dapat talaga nag review na lang ako.
Buti na lang at nag sidatingan na ang mga kaklase namin, hindi ko na kailangan pang mag small talks sa kanya para lamang hindi maging awkward ang paligid. Bumalik na ako sa kina-upuan ko at bumalik sa pag re-review.
“Congratulations, Jem. Ikaw ang nakakuha ng perfect score” Saad ni Ms. Ver at nakangiting inabot kay Jem ang kaniyang papel.
“Naks, ikaw na talaga Jem. Mukhang ikaw magiging valedictorian sa batch natin” Saad ng kaibigan niya habang nakatingin sakin na para bang pinaparinggan ako.
“Dem, 29/30” Sabi ni Ms. Ver, sabay abot ng papel ko.
Hays, one mistake na naman. Nag review naman ako magdamag pero palagi talaga hindi enough. Buti pa si Jem, kahit tulog siya kanina nakuha niya pang ma-perfect ‘yung test namin.
Nang matapos ang klase namin, dumiretso ako sa room ni mama upang sabay na kaming umuwi. Mag-iisang dekada nang nagtuturo si mama sa paaralan ng St. Joaquin National High School.
“How’s your summative test, ‘nak?” tanong ni Mama, habang nililigpit ‘yung gamit niya para makauwi na kami.
Hindi ako sumagot, ngunit inabot ko sakanya ‘yung papel ko. Nang makita niya ang nakuha kong score, makikita sa mukha niya ang pagkadismaya.
“Wag mong sabihing anak na naman ni Mrs. Valencia ‘yung nakakuha ng perfect score” saad niya habang padabog na nag-aayos ng gamit.
Tumahimik lamang ako, dahil madalas ko nang naririnig ang ganyang mga salita. Kung ang iba ay masaya na makakuha ng one mistake, sa pamilya namin ay hindi ‘yan enough. Simula kasi nong lumaki ako palagi kaming nag-aagawan sa rank one ni Jem, pero kahit isang beses hindi ko siya nalamangan. Hindi ko alam kung bakit gustong-gusto ni Mama malamangan ko si Jem, kampante naman na ako sa rank two. Actually, ayoko nga ‘yan maging rival si Jem eh, natural talaga ang talino niya kaya wala na akong magagawa ron.
Maya’t maya ay naglakad na kami palabas ng paaralan ni Mama, sakto namang dumaan si Mrs. Valencia at ang anak niya na si Jem.
“Good afternoon po, Mrs. Belandres” bati ni Mrs. Valencia habang nakangiting nakatingin samin.
“Good afternoon din” walang ka emo-emosyong bati ni Mama.
Akma ko na sanang babatiin si Jem at ang Mama niya ngunit bigla akong hinila ni Mama.
“Bilisan mo nga maglakad” pabulong sabi ni Mama.