Sa bawat fandom, hindi nawawala ang excitement tuwing may paparating na malaking event. At ngayong malapit na ang anniversary ng JakeFanatics, todo ang preparasyon ng core team—lalo na’t may VIP guest na dadalo.
Pero habang abala ang lahat sa roles nila sa kani-kanilang buhay, may isa sa kanila na hindi lang schedules o sariling problema lang sa buhay ang iniisip. May ibang umiistorbo sa utak ni Co-Admin Janine—at hindi ‘yon subject sa school.
[Personal Message; Admin Rose and Co-Admin Janine | 10:12 PM]
Admin Rose:
“Janine, nak, send ko na mamaya 'yung final layout ng mga invited. Ikaw na bahala mag asikaso for booking sa place para sa September 10, 2025 @ 6:00pm.”
Co-Admin Janine:
“Sige po, mommy. Kahit puyat sa thesis, kaya pa rin. JakeFanatics tayo e. 😉”
Admin Rose:
“Ganyan dapat. Para kay Jake, walwal kung walwal.”😂
Narrator:
Si Janine, kahit estudyante pa lang, ay isa sa pinaka-committed na admin ng fandom. Passion niya talaga ang grupo—pero may ibang dahilan din siya kung bakit ganado sa mga pa-event.
Isa lang naman: si Jake. Hindi niya inaamin sa iba, pero matagal na niyang tinatago ang silent crush niya sa singer.
Kaya naman, nang biglang may new member at naging aktibo pa sa fandom at yun ay si Aya, hindi maiwasan ni Janine ang magtaas ng kilay.
Tahimik. Maganda. Matalino. At—single.
Janine’s POV;
“Naks naman kabago-bago pa lang pero parang mahilig na siyang mag feeling na prinsesa para kay Jake at ngayon pa talaga lumitaw kung kailan move closer na ako kay Tita Carol soon.”
Narrator:
Sa totoo lang, sila na lang ni Aya ang single sa group. Sina Lyca, Krystel, Anna, Mica, at Maureen? Lahat taken o may ka-“MU.”
Kaya hindi rin maiwasan ni Janine ang makaramdam ng kaunting kompetisyon—fandom lang naman ‘to, pero sa puso niya, parang may nakataya.
Janine (Chat to Admin Rose, DM only):
“Mommy sure ka ba na okay si Aya sa tasks? Makaka-attend kaya siya? Parang di naman siya sanay sa mga ganyan.”
Admin Rose:
“Okay naman siya. Super cooperative nga e. Wag ka masyado judgmental jan nak😂 kung gusto mo, magpaganda ka nalang at super natural sa harap ni Tita Carol.”
Janine:
“Hahaha! Concern lang po. Baka lang mapagod siya agad. Alam mo naman... hindi lahat fan, e willing magpakapagod. 😉”
Admin Rose:
“Anyway, naisip ko lang parang hindi natin to kakayanin kailangan natin mag assign ng isa pang Admin assistant, dahil busy din ako sa mga school ng mga junakis ko.”
Janine:
“Well guest who? sino po ang napupusuan mong i-assign sa task na yan?”
Admin Rose:
“Si Lyca, and I know kailangan ko siyang ma-convince about this.”
Janine:
“Ayy perfect si Ate Lyca na lang! Agree ako dyan mii, I nominate Ate Lyca for handle this task po.”
Narrator:
At habang palapit nang palapit ang September 10, mas lumilinaw ang sorpresa—Uuwi si Tita Carol, ina ni Jake, para magbakasyon ng isang buwan sa Pilipinas. Confirmed na rin na darating siya sa fandom anniversary celebration, na gaganapin sa MOA.
Admin Rose (Video Call):
“Janine nak, confirmed. Si Tita Carol darating na first week of September. And yes, pupunta siya sa event natin!”
Janine:
“OMG. Legit?! As in… Tita Carol herself? Sa event?? 😳”
Admin Rose:
“Yes! Kasama raw ang sister niya na si Tita Sandy, taga-Parañaque. Pero ang request ni Tita—huwag munang i-announce. Surprise ‘to sa buong fandom.”
Janine (nakangiti pero may iniisip):
“Yes mommy! Okay copy po, Secret ‘yan and excited na din ako grabee!”
(Janine’s mind)
“Pero wait... ano kaya ang first impression niya kay Aya?,
Magaling ka, Aya. Pero sorry, hindi ako basta-basta nagpapa-second lead.”
Narrator:
At dun na nagsimula ang bagong iniisip ni Janine. Hindi man niya sinasabi sa grupo, pero ganun ang nasa loob-loob niya...
At habang papalapit ang anniversary ng JakeFanatics, abala na ang mga admins sa paghahanda. Seryoso ang planning—kailangan smooth at memorable ang event. Bukod pa sa excitement ng buong fandom, may isang malaking sikreto na pilit itinatago ng core team. Si Tita Carol, ang ina mismo ni Jake Reyes, ay darating sa Pilipinas para personal na maki-celebrate!
Pero, hindi pa ito pwedeng isiwalat.
Kaya ngayon, isang private video call muna ang naganap sa pagitan nina Admin Rose at Lyca, kasama si Co-admin Janine na medyo tahimik at mukhang hindi mapakali habang nakikinig.
---
Video Call – Admins Only
Admin Rose:
"Lyca, girl, honestly kailangan ka namin. Hindi na kinakaya ng dalawang admin lang. Lalo na may VIP guest tayo sa event—alam mo na kung sino ‘yon, diba?"
Lyca:
"Hahaha oo na nga, alam ko na ‘yan. Secret safe with me, don’t worry! Actually naka-landed nako here in pinas, buti na lang sumakto sa isang buwan ko din na bakasyon ang mga events."
Janine:
“Nice naman, tamang tama talaga kaya nga ikaw ang naisip namin for assigning this task haha kasi may access ka din kay Jake at kay Tita Carol secretly, ‘diba? We decided finally haha.”
Admin Rose:
"Exactly! Kaya ikaw na talaga ang perfect assistant admin. Officially! Please na, Lyca. Kailangan naming matibay ang core. Tiwala ako sayo."
Lyca:
"How did you know that Janine?! Haha grabe talaga Alright, fine! Game na ako! Pero in one condition… ayoko ng full blast na role—support lang. Background mode lang, gets?"
Admin Rose:
"Noted! Pero ikaw na mag-announce ng anniversary event sa group GC, ha?"
Janine: (medyo naiilang pero sweet ang tono)
"O siya, goodluck satin. Let’s make it exciting, lalo na ‘yung mga surprise elements. Alam mo na."
---
JakeFanatics GC – Announcement
Lyca:
“Heads up mga ka-Jake!
Get ready because JakeFanatics 4th Anniversary Celebration is happening this September 10, 2025 at Mall of Asia!,
Expect exciting surprises, giveaways, dinner night, and fun activities with your co-fans!
Mark your calendars, mga bes!
Stay tuned for hints and clues... baka may biglaang makikita kayo…”
---
Narrator:
Bigla namang umingay ang GC. Lahat ay nagsisigawan—virtual kilig overload! Iba’t ibang hula, spam ng emojis, at jokes na baka raw andun si Jake. Ang daming umaasa, at mas lalong na-hype ang buong fandom. Pero sa likod ng kilig at ingay ng GC, isang one-on-one chat ang naganap sa pagitan nina Lyca at Aya.
---
Private Chat – Lyca & Aya
Lyca:
“sis kabog ka talaga sa reply ni Jake sa comment mo noon ah! Confirmed ka na as noticed girl!” 😂🔥
Aya:
“Tumigil ka nga ate! Nahihiya na nga ako eh! Pero grabe… legit ‘yon noh? Siya talaga ‘yon?”
Lyca:
“100% verified! Kaya nga sis, ready ka na ba sa mga susunod na plano? May i-introduce ako sayo soon… pero slow process tayo, wag masyado kabahan.”
Aya:
“Sino naman yan—don’t tell me—...”
Lyca:
“Secret muna. Basta trust me. Tiwala lang. Basta wag kang kabahan pag dating ng Anniv Day. 👀”
---
September 10, 2025 – Mall of Asia
Fandom Anniversary Event Day
Narrator:
Maaga nagising si Aya ng araw na yun kahit puyat sa trabaho kagabi. Pero kahit may shift pa siya buong araw, ramdam ang kakaibang sigla niya. Magaan ang bawat hakbang, mabilis ang kilos, parang lumilipad sa saya. Halos hindi niya namalayan ang oras sa trabaho — dahil ang nasa isip niya ay ang event na mamayang gabi.
Pagkatapos ng duty, dumiretso muna siya sa restroom para mag-ayos. Wala namang engrandeng make-up, simple lang pero elegante. Suot niya ang light purple na dress na may halong silver din ang laylayan hanggang tuhod — bagay sa kanya, naka theme color din siya ng fan group naiwan niya ang shirt kaka madali ng araw na yon pero natural na maganda ang kanyang aura sa suot niya.
[Aya’s POV]
"Sana di ako malate... pero parang ako pa yata ang pinakaunang darating,"
natatawang isip niya habang binabaybay ang daan patungong MOA event place.
Nang makarating siya, ay maaga pa lang, at maya maya’y nagsidatingan na din ang ibang members ng JakeFanatics. Suot ang kanilang official fandom shirts, may dala-dalang banners, fanmades, at may iba pang naka-themed color na purple at silver—official colors ng fandom.
Ang venue ay isang private function room sa MOA. May stage setup, mini photo wall, at isang malaking tarpaulin na may nakasulat:
“JakeFanatics 4th Anniversary – Stronger Than Ever!”
Excited ang lahat. Isa-isang nagkakakilanlan, nagkukuwentuhan ng fangirl moments, at syempre pa-picture dito at doon. Di pa man nagsisimula ang programa, ramdam mo na ang energy.
At siyempre, naroon ang core team—Admin Rose, Janine, at ang bagong assistant admin na si Lyca. Tahimik sa gilid si Aya, pero pansin mo sa mata niya ang excitement… at kaba. Kasi kahit hindi pa siya nagsasalita, alam niya… tonight might change something big.
---
Aya (bulong sa sarili):
“Ate Lyca, reply ka naman... parang ang tagal mo...”
Narrator:
Hindi siya agad nareplyan ni Lyca — dahil abalang-abala ang mga admin sa pag-aayos ng stage, food, at program flow.
---
[Narrator POV – CR Encounter Scene]
Dahil wala pa rin reply at medyo naiihi na rin siya, nagpasya si Aya na pumunta sa restroom. Mabilis siyang lumakad. Sa pagmamadali sa pagbabalik, isang ginang ang hindi niya inaasahang nabangga.
Aya (natigilan):
“Ay! Pasensya na po, ang bilis ko kasing—”
Ginang (ngumiti nang magaan):
“Okay lang, hija. Ako rin, nagmamadali eh, Are you Okay?.”
Aya(medyo natulala):
“Aahmm Yes po,”
Mahinang tugon ni Aya ..
Biglang natigilan si Aya ng mga sandaling iyon, hindi niya maipaliwanag pero may pamilyar na vibe sa ginang. Ang maamong mukha, ang eleganteng suot na beige silk blouse at cream wide-leg pants na bagay sa katawan nito — classy, maganda, at... parang kahawig ni Jake?
Naglakad na ang ginang paalis, pero naiwan si Aya na parang... nabitin.
---
Aya (bulong sa sarili):
“Sino yun? Pamilyar siya talaga... hmmm. Hindi kaya...?”
[Narrator POV – Biglang Dating ng mga Kaibigan]
Maureen (lumapit at tinapik si Aya sa balikat):
“Ayyy! Huy! Bakit parang lutang ka d’yan?”
Mica (tumawa habang hawak ang phone):
“Nakakita ka ba ng multo? O... ng ‘himala’? Char!”
Aya (nagulat at napahawak sa dibdib):
“Grabe kayo! Huwag kayong ganyan! May nabunggo lang ako eh—ang ganda niya, para lang siyang artista!”
Napatingin sila sa direksyon ng ginang, pero wala na ito sa hallway. Sinabihan nila si Aya na bumalik na sila sa venue dahil nagsisimula na ang program. Pero kinwento ito ni Aya sa dalawa niyang kaibigan.
---
[Narrator POV – Sa Event Venue]
Pagbalik nila sa hall, mas marami na ang tao. Masiglang bumungad si Lyca, habang sinusundo si Aya papunta sa harapan.
Lyca (naka-smile, excited):
“Ayannn ka na pala! Kanina pa kita hinahanap! Dito ka, tabi tayo. Malapit na mag start!”
Aya (naka-ngiti pero nagtataka):
“Sige, Ate Lyca… grabe, ang saya dito.”
---
[Narrator POV – Start of Event]
Mabilis ang takbo ng programa — may mga pakulo, games, raffle, at kantahan. Pero ang pinakahintay ng lahat? Ang special guest na inihanda ng fandom.
---
Admin Rose (sa stage):
"Good evening JakeFanatics fam! Let's welcome our assistant admin, Lyca!" [palakpakan]
"Tonight is all about celebrating our 4th Anniversary and love for Jake… but syempre, hindi magiging kumpleto ang gabi kung wala ang ating mga very special guest—ready na ba kayo?!”
[sigawan ang lahat]
Admin Rose:
"Okay, Let’s please welcome, Ms. Carol Reyes and Ms. Sandy Reyes!”
Lumabas ang dalawang ginang sa stage at pinakilala sa lahat kung sino ang dalawang ginang..
Admin Rose:
“Okay guys, si Tita Carol ay ang mother ni Jake together with her sister na si Tita Sandy na Tita naman ni Jake.”
Tita Carol:
"Good evening everyone! Thank you sa mainit na pagtanggap! Nakakatuwa kayong lahat. Napaka-passionate ninyo bilang supporters ng anak ko."
Tita Sandy:
"At wag kayo ma-shock ha… kasi ako mismo fan na rin ni Jake at kinikilig dahil sainyo!"
While Aya, Maureen and Mica’s Convo:
Maureen (sumigaw):
“AY! SIYA BA YUNG NABUNGGO MO KANINA Aya!?”
Mica (nagulat):
“TEKA—YAN BA SI TITA CAROL??? Ang Ganda naman niya!”
Tila tumigil ang mundo ni Aya. Hindi siya makagalaw sa kinauupuan. At si Tita Carol, eleganteng nakangiti sa lahat. Pumunta ito sa gitna ng stage, at nagsalita ng buong saya kasama ang kapatid niyang si Tita Sandy..
Aya:
“Grabe. OMG! Siya nga girls... siya yung nabunggo ko kanina pabalik galing CR, Si Tita Carol pala yun, Si Mama ni Jake kaya pala kamukhang kamukha nya…”
Tita Carol (humalakhak):
"At speaking of fans… kanina sa labas may nakabunggo sa’kin na napaka-kinakabahan. Simple, maganda, at halatang may dalang matinding kilig. At siya pala ang si… Aya! Where is she?"
Sabay tingin ni Tita Carol sa kinauupuan ni Aya,
Dahil tinuro agad si Aya ng mga kaibigan niya…
Lahat: “AYYYYIIIIIIIEEEEEE!!!”
---
Narrator POV:
Hindi makapaniwala si Aya. Natulala siya habang lahat ay nagtuturo at tumitili sa kanya.
Maureen:
"Ayaaa OMG! Binuking kana ng future Mother-in-law mo hahaha!"
Mica:
"Bestie, ang fate mo today iba! Hahahaha!"
Anna:
“Hindi na makagalaw ang Aya natin girls! Hahaha.”
---
Admin Rose:
"And because this is the BEST night ever… may isa pa kaming surpresa."
Biglang bumaba ang ilaw, at bumukas ang projector sa stage. Nag-loading ang screen—video call setup.
---
Jake (live via video):
"Hey guys! JakeFanatics! What's up Pilipinas! I just wanna say thank you for always supporting me even from afar. This fandom… you guys are more than fans—you’re my extended family. Happy Anniversary and I love you guys!" 🧡
Sigawan. Iyakan. Tiliiiiii.
Jake:
"And I heard someone special is here today… someone who’s been making waves in the fandom, at kahit hindi pa tayo nagkikita personal, naramdaman ko na agad ang support niya… Hello, Aya!"
---
Narrator POV:
Lahat napasigaw. Lumapit si Aya sa harap, pilit pinupush ng mga kaibigan niya.
Maureen:
"Go girl!! Wag ka na mahiya!"
Anna:
"Ayaaaa you’re the chosen one HAHA!"
Krystel:
“Luh?! Aya is really perfect for JUST ANOTHER GIRL IN THE CROWD!”
Mica:
“Ayyy! Agree ako dyan mga beshy! Aya is the Queen tonight Hahaha.”
Aya (nahihiya, pero nilakasan ang loob):
"H-Hi Jake… thank you. Galing mo kumanta… lagi ko pong pinapakinggan cover niyo ng 'No One Else Comes Close'." 🥺
Jake:
"Aww, thank you! That means a lot. Actually, that song's for people like you—who support from the heart. Hope to meet you in person soon, Aya."
---
Janine (bulong kay Admin Rose, medyo maldita):
"Grabe, siya pa talaga napili… e andaming nag-effort dito."
Admin Rose (pabulong rin):
"Let her have her moment, Janine. May spotlight ka rin next time. 😉"
Nakasimangot si Janine na wala ng nagawa sa mga pangyayari..
---
Narrator POV:
And Tita Carol approached Aya after the video ended.
Tita Carol:
"Aya, salamat sa suporta mo kay Jake. You’re a very sweet girl… and you made this night extra memorable."
Aya:
“Very welcome po Tita…”
Aya is speechless dahil halo halo ng emosyon ang nararamdaman niya, Gulat, Kilig, Hiya, Excitement, at Saya ng mga oras na ‘yon.
---
Lyca, Maureen, Krystel, Mica, Anna:
"Ayaw na namin ng iba… AyaReyesss foreverrr!" Sabay taas ng banner na: “Aya x Jake = 💙”
---
Narrator POV:
At kahit simpleng fangirl lang si Aya gulat na gulat siya sa mga nangyari, tila ba nakatuon sakanya ang spotlight sa karamihan… at sa gabing iyon, ramdam niyang isa siya sa pinaka espesyal sa mata ni Jake, at sa buong JakeFanatics…
Author’s Note:
Kayo na ang humusga… nakakakilig ba o sobrang nakakakilig?
Ang unexpected na banggaan sa CR, ang revelation ni Tita Carol, at syempre… ang LIVE INTERACTION ni Jake—lahat ‘yan parte pa lang ng simula. Pero
teka…
P
Hindi lang ito ang mga magiging kaganapan sa pagbakasyon ni Tita Carol sa pinas, hindi lang fandom anniversary..
May mga mangyayari pa sa mga susunod na mas nakaka gulat at biglang may papasok din sa mundo ng JakeFanatics na isa sa mga relatives ni Jake.. Sino kaya ito?..
Abangan sa Chapter 6—kung saan ang kilig ay may kaakibat na confusion, tension, at… something real..
To be continued..
Next chapter: Birthday Celebration of Tita Carol Reyes