(Some of them are based on a true story, inspired by Section Camia)
“Gusto ko lang tahimik na buhay sa Grade 11... pero bakit parang buong Section Callia may ibang plano para sa’kin?”
Si Daniela Sulvene ay isang simpleng estudyante na ang goal lang sa unang taon niya sa high school ay maging invisible. Wala siyang interest sa crushes, drama, o kung ano mang gulo. Pero pagdating sa Section Callia, imposible ata ‘yun.
Hindi pa man umaabot ng isang quarter, nahila na siya sa gitna ng tatlong puso —
Kell, ang chill teaser na laging may banat.
Pierce, ang bold charmer na may magnetic moves.
Zian, ang quiet comfort na laging nandyan sa tamang oras.
Habang sinusubukan niyang umiwas sa kilig at gulo, busy din si Daniela sa matchmaking misyon para sa tropa niyang si Anne at Zian (na parang siya mismo ang mas kilig). Pero sa dulo, hindi niya alam kung kaninong puso ang mahihila niya — o baka pati puso niya mahila na rin.
Sa gitna ng friendship, kilig, at mga plot twist sa Section Callia, isang tanong ang iiwasan niya pero unti-unting haharapin:
“Sino ang pipiliin mo, Daniela?”
--i hope you read it--