kabanata 1

Maraming lihim daw ang itinatago ng kadiliman.

Maraming nangyayari na hindi dapat nangyari.

Maraming pagsisisi.

Maraming sana.

Ngunit, may mga nangyayari rin sa liwagan na sadyang ikinukubli ng kadiliman.

Puno ng kaba ang dibdib ni Anthon habang nagtatago siya at pilit na isinisiksik ang sarili sa loob ng kabinit na maraming nakasabit na kasootan. Rinig niya ang bawat hakbang na nililikha ng taong pinagtatagoan niya, sa bawat tunog nito ay sumasabay ang malakas na pagtibok ng kaniyang puso.

Hindi niya akalaing sa isang kisap-mata lang, ang sayang nararamdaman niya kanina kasama ang mga kaigan ay mapapalitan ng takot.

Kung wala lang sanang armas ang taong naghahanap sa kanya ngayon ay nasisiguro niyang malalabanan niya ito.

Kanina lang ay inimbitahan sila– siya at ang dalawa niyang kaibigang magkasintahan na parihong lalaki, ng isang tao dito sa condo unit na kinaruroonan niya ngayon.Sila ay nagdala ng ipinagbabawal na druga at alak na naaayon sa kanilang usapan ng taong yon. Magiliw silang pinapasok nito at nagkaroon pa sila ng sayahan.

Sa dami ng kanyang nainom ay kinailangan niya ng magbawas kaya kahit lango na sa drugo at alak ay iniwan niya sa sala ang dalawa niyang kasama at ang may-ari ng unit. Pumasok siya ng kwarto dahil ayon sa may ari ay naroon daw ang toilet.

Matapos niya doon, babalik na sana siya ng sala ng sa muling pagbukas palang niya ng pinto ng kwarto ay nakita na niyang may hiwa sa liig ang isa niyang kasama na nakasandal sa sofa at sakto namang sinasaksak sa dibdib ang isa pa niyang kaibigan ng taong nag-imbita sa kanila. Nagkalat ang dugo doon sa sala at sa bawat saksak na ginagawa ng nag-imbita sa kanila sa kaibigan niyang nakahandusay sa sahig ay mas lumalaki lamang ang ngiti ng taong yon.

Para siyang nahimas-masan sa nakita at kusang kumilos ang kanyang katawan. Dahil sa takot ay hindi na siya tuloyang lumabas at kaagad na naghanap ng matataguan hanggang sa pumasok siya ng kabinit.

##### AN:

ANG HIIIIIIIIIIRAP!

Hi reader (kung meron man)

Ito ang unang M/T na ginawa. Kung sa tingin mo ay hindi naman mystery and thriller ang pagkakagawa ko, wag kang mag-alala dahil pariho tayo ng opinion dyan. Na-inspired lang po ako sa mga nabasa kong nandito rin sa category na ito. Kaya hito ako, trying hard.