2

Monday, 5:00AM

Hope Luna, yon ang pangalan ng dalawampo at walong taong gulang na dalaga. Kasalukoyan itong nakaupo sa ibabaw ng malaki, puti at malabot niyang higaan. Kulay asul ang kanyang soot na night gown, kaiksi ang itim niyang buhok na pantay lang ang gupit na hindi umabot ng balikat.

Nanginginig ang kanyang mga kamay kabang hawak ang sariling skitch book at sa kabilang kamay naman ay ang ginamit niyang pangguhit na charcoal pencil.

Sa tagal ng kanyang pagkakatitig sa ginuhit niya doon sa skitch book, namalayan na lamang niyang may tumulong likido doon at umiiyak na pala siya.

May kamay na umagaw ng skitch book sa kanya at hinayaan na lamang niya iyon dahil alam niya kung sino ito.

"Kanina pa ako kumakatok pero hindi ka sumasagot kaya pumasok na lamang ako." Paliwanag sa kanya nito habang kunot noo itong nakatingin sa skitch niya na hawak nito.

Siya si Emmanuel del Pilar, lampas animnapong taong gulang ngunit maitim parin ang buhok nito. Medyo payat ito at laging naka-business suit kahit maaga palang at nandito lang sa loob ng building na tinitirahan nila.

Tumingin siya dito na nakatayo sa gilid ng kanyang higaan.

"Ganito ba talaga ang napanaginipan mo?" Nagugulohang tanong nito sa kanya.

Ang mga ginuguhit ni Hope ay ang nakikita nito sa panaginip na pawang pagpatay ng tao lamang at alam iyon ni Emmanuel. Noong nasa kanilang probinsya pa noon si Hope ay bibihira o halos hindi siya nananaginip pero simula noong lumuwas siya ng NCR, limang taon na ang nakakaraan, hindi na siya nilubayan ng masasamang panagip kung saan ay laging may pinapatay.

Ang kanyang panaginip ay parang gumagalaw na abstract painting at nasa kanya na kung papaano niya iyon iintindihin, malabo ang mukha ng mga tao sa kanyang panaginip kaya naman ang mukhang makikita sa kanyang skitch ay masasabing base ito sa produkto ng kanyang gising na imahinasyon mula sa napanaginipan.

"Sumasakanya ang isang fallen." Sabi niya na halos pabulong na lamang.

"Anong sabi mo?" Pagpapaulit sa kanya ni Emmanuel kahit pa narinig nito ng maayos ang sinabi niya. Gusto lang nitong makasiguro na baka may depirinsya na ang  pandinig nito dahil sa katandaan.

Inilibot ni Hope ang kanyang paningin na animoy may hinahanap. Maputi at makintab ang sahig ng kanyang silid, kulay asul naman ang mga dingding nito at sa harapan niya ay naroon ang malaking flat screen TV monitor, kulay asul din ang pintura ng bubongan na may maliwanag na ilawan na nakasabit sa gitna nito .

"Nararamdaman kong hindi siya papipigil sa kanyang mithiin kaya nagpasakop siya sa isang Fallen." Paliwanag niya at binaliwala ang tanong ng kausap.

Hindi na makapagsalita si Emmanuel kaya naman ay nagpatuloy siya. "Hindi siya titigil sa pagpatay." Sabi niya habang hindi inaalis ang tingin sa bubong.

Sa may likuran niya na hindi inabot ng kanyang paningin  ay naroon ang bedside table, nasa ibabaw nito ang nag-iisang picture frame sa kanyang silid. Nakataob iyon at hindi nakaligtas sa paningin ni Emmanuel.

Lumapit si Emmanuel sa tv habang hawak parin nito ang skitch book ni Hope, kinuha niya roon ang remote control na nasa tabi lang ng tv at binuksan ang ito.

Ilang minuto palang ang nakakalipas mula alas singko ng umaga kaya naman radio anchor ang makikita sa tv monitor.

"Kapapasok lang po balita, isa na NAMANG bangkay ng lalaking hubot hubad ang natagpuan sa loob ng nirerentahan nitong bahay. Hinihinalang biktima na NAMAN ito ng tinaguriang Reaper J—" Hindi hinintay ni Emmanuel na matapos ang balitang yon at kaagad niya ring pinatay ang tv.

"Napakagandang umagang balita." Dismayadong kuminto nito.

Muli niyang hinarap si Hope na nakatingin pala sa tv. "Gustong mong lumabas?" Tanong niya dito.

††††

~~PASAY CITY~~

Kahit maaga palang at bukas pa ang mga ilaw sa daan at kabahayan ay ramdam na ang init sa kamaynilaan, ganoon na nga siguro ang makabagong panahon, -ber months na pero hindi parin umiipikto ang sinasabing malamig na simoy ng hangin. Tuwing may crime scene na pinupontahan si Inspector Mateo Aguinaldo nitong buwan ay inaasahan na niya kung ano ang makikita doon, hinihiling na lang niya na sana ay nagkamali sa bagong natagpuang biktima ang mamamatay kung sino man ito o ang mga ito. Siya ay tatlumpong taong gulang at nagtatrabaho sa NBI, ang kanyang namayapang ama ay dating direktor ng nasabing ahensiya.

Medyo mahaba na ang kayang buhok dahil sa tatlong buwan narin ang nakakalipas mula noong huli siyang magpagupit. Puti ang soot niyang long sleeves polo na pinarisan ng itim na pantalon at makintab na black leather shoes kaya naman ay nagmukha siyang out of place sa crime scene pagkalabas niya sa kanyang itim na BMW. Isa ding kaparihong sasakyan ang nakaparada sa tabi ng sasakyan niya na paniguradong pribadong pag-aari ito, may mga police patrol car at motorcycle din doon at ilang van.

Maraming civilians at reporters ang nagkalat sa labas ng yellow tape na nakapalibot sa bahay na kinaroroonan ng biktima, halos magkakadikit lang naman ang mga bahay doon. Isinabit niya muna sa kanyang liig ang identification niya saka siya nakipagsiksikano doon hanggang sa makalapit na siya sa yellow tape.

Naka-type A uniform ang nakita niyang mga pulis na naroon, ang ibang officer naman na nakita niya ay naka-pulo shirt na may naka-imprentang SOCO o di kaya ay NBI.

"Ako si Inspector Mateo Aguinaldo mula sa NBI." Pakilala niya sa pulis na nagbabantay doon at ipinakita dito ang identification card niya na nakasabit sa liig niya saka siya pinapasok sa crime scene.

Nakita niyang lumabas ng bahay na yon ang babaeng medical examiner ng NBI na si Barbie Reyes, kaagad niya itong tinawag at nilapitan.

"Anong meron tayo dito?" Tanong niya.

Kagaya ng inaahan, tahasan itong sumagot. "Male college student, naked, sinaksak sa dibdib, pinatay siya dalawang araw na ang nakakaraan, may big letter J na marka sa noo gamit ang dugo din nito at pinutolan ng ari na ipinasok sa bibig nito. Sounds usual?"

"Except the 'college student'." Sagot niya.

"Pare!" tawag pansin naman ng isang lalaki na nasa pinto ng bahay kay Mateo. Siya si Inspector Marcos Santos, magkasing edad lang sila, ka-team niya ito sa kasong tinatrabaho nila ngayon kaya naman ay agad siyang nagpaalam kay Barbie Reyes at pumasok narin ng bahay na yon.

———

Thanks for reading.

Don't forget to vote!

With love,

Jasmin