Pagpasok ni Mateo sa maliit na sala ng bahay ay nakita niya ang mga kapwa officer na patuloy sa paghahanap ng maaaring gamiting ebidensya. Iba-iba man ang uniform na soot ng mga ito ay may iisa namang layuan, yun ay ang malinis ang pangalan ng kasalukoyang administration na nagdeklara ng 'War On Drugs'. Ito kasi ang pinaghihinalaang nasa likod ng sunod-sunod na masaklap na pagpatay sa mga taong kuniktado sa ipinagbabawal na druga ngayong buwan at pawang mga lalaki lamang ang mga biktima. Kung hindi nilalaslasan ang liig ay pinagsasaksak sa dibdib ang biktima, pinuputol ang ari nito at isinusubo sa bibig, minamarkahan ang noo ng malaking titik J at iniiwang maayos na nakahiga ng hubot-hubad ang biktima.
Dalawang linggo ng isinangguni sa NBI ang kasong ito ngunit hanggang sa mga oras na ito ay hindi parin nila nalalaman kung iisang tao o grupo ang nasa likod nito o baka may gaya-gaya ng nangyayari.
J reaper o reaper J ang ibinansag sa killer ng isang grupo ng mga netizen na lumotang at nagsasabing naniniwala silang mabuti ang layunin ng killer na ito. JnERation ang pangalan ng grupong ito na may sariling wedsite at naroon din ito sa ibat-ibang social media gaya ng Facebook. Sa cover nila nakasulat ang pangalan ng grupo at sa ilalim nito ay nakasulat naman ang 'deliver us from hell', naniniwala sila na dapat lang na mawala na sa mundo ang mga drug lord, drug pusher, drug user, drug inventor at kung ano pa mang tawag sa taong related sa illigal drug upang magkaroon ng 'maayos at payapang bansa para sa bagong henerasyon'.
Para sa grupong ito, ang ibig sabihin ng J ay Justice at sa ginagawa nitong pagmarka sa noo ng biktima ay iniuugnay nila sa Judgement ng Bibleya kaya tinawag nila itong reaper o tagasundo.
"May date ka pare?" Namumunang tanong ni Marcos kay Meteo sa kasootan nito.
May lalaking lumabas sa kwarto na kinaroroonan ng biktima at agad na napansin yon ni Mateo kaya hindi niya na inintindi ang tanong ng kasama.
"Kilala mo yon?" Tanong niya kay Marcos at inginuso ang lalaking napansin. "Parang napadaan lang ah."
Naka-strip polo ang lalaking tinutukoy niya at ang malala pa ay hanggang tuhod lang ang pantalon nito, buti na nga lang at naka-snickers ito at hindi naka-tsinilas.
"PI ng CHR." Pabulong namang sagot sa kanya ni Marcos habang kunwari ay hindi nakatingin sa taong pinag-uusapan nila.
Nakita nila itong nagsoot ng shades na mas lalong ikinagulat ni Mateo at natawa nalang si Marcos, nilampasan sila ng taong yon at tuloyan ng lumabas ng bahay.
"Pre, mukha ngang walang budget ang CHR." Wika niya habang naglalakad sila papasok ng kwarto.
"Wag mong maliitin yon pare," tugon naman ni Marcos. "Pinoy yon pero imported galing America. Kita mo yung BMW sa labas? Sa kanya yon. Baka nga maunahan pa tayo niyan."
Pagkabukas nila sa pinto ng silid ay agad silang napatakip ng kanilang ilong dahil sa masangsang na amoy ng biktima. Ang mga officer naman na naabutan nila sa loob ay may mga soot na face mask, patuloy na kinukunan ng larawan ang bangkay sa ibat-ibang anggulo.
"Pre bakit di mo naman sinabi?" Palihim niyang tanong kay Marcos at napansin niya ang papel na nakapatong sa tiyan ng biktima.
Nakaimprenta doon ang pangungusap na unang sumikat ng magpalit ng administration: 'WAG TULARAN DRUG USER AKO'.
"Kala ko kasi sinabi sayo ni Barbie na dalawang araw na itong bangkay."
Natatandaan ni Mateo na sinabi yon sa kanya ni Barbie Reyes. Nakalimutan niya ba yon saglit o sadyang hindi lang talaga siya nag-iisip? Iwan, hindi niya alam. Basta sa mga oras na ito ay magulo ang kanyang isipan.
Naramdaman ni Mateo ang pag-vibrate ng kanyang cellphone na nasa loob ng bulsa ng kanyang pantalon, dinukot niya ito at nakita ang mensahing natanggap.
Napangiti siya. "Hindi ko naman hahayaang maunahan tayo ng imported na yon."
"Sana nga."
"Sa totoo pare napadaan lang ako dito, alas na ako pre." Paalam ni Mateo kay Marcos habang tinatapik pa ito sa balikat at kaagad na lumabas ng silid na yon.
~~NBI office~~
"Mag-ingat kay Eba." Basa ng panot na team leader ng Oplan J ng NBI na si Tomas Padilla sa mensahing nasa hawak na cellphone, pagmamay-ari yon ni Mateo na kasali sa grupo. Sa ilalim ng binasang mensahe ay ang skitch kung saan ay nakaguhit ang hubad na babae at lalaki. Nakapatong sa ibabaw ng lalaki ang babae na nakangiti at ang isang kamay nito ay may hawak na kutsilyong nasa laslas na liig ng lalaki.
Nakatayo sa dulo ng pahabang mesa ang team leader, bumaling ito sa grupo na nakaupo palibot sa mesang yon. Sa kanan ay sina Jhon Aquino, Lucas Infante at Philip Espiña, sa kaliwa naman ay sina Daniel Besavilla, Mateo at Marcos.
"Mateo, nakuha na ba ang IP at location ng sender nito?" Tanong nito sa may-ari at ibinalik dito ang cellphone.
"Yes sir, sa National Park?" Sagot nito pagkatanggap sa cellphone na kinuha naman ni Marcos at pinagmasdan ang skitch na naroon. "Maraming tao doon, may aalis at may dadating kaya hindi madaling matukoy kung sino doon ang sender."
Hindi bababa sa tatlong pictures ng skitch ang natatanggap ni Mateo nitong nakalipas na tatlong araw. Lahat ng yon ay nagpapakita kung paano pumatay ang tinaguriang J reaper ayon sa mensahe ng sender. Noong una ay binaliwala lang ito ni Mateo pero ng makita niya ang tattoo ng dalawang bangkay ng biktima ay doon siya nakumbinsi dahil katulad yon sa nasa skitch na natanggap niya, medyo hindi ngalang nagkakahawig ang mukha pero sapat na iyon para makumbinsi niya ang mga kasama dahil una niyang natatanggap ang mensahe bago nila natatatagpuan ang bangkay na inilalarawan sa skitch. Ipinapakita sa skitch ang pagkakakilanlan ng biktima katulad ng damit kung pinatay itong may damit pa, pilat at kung ano pa. Naiiba doon ang skitch ngayon na binigyan na ng kasarian at mukha ang killer, hindi katulad sa mga naunang skitch na sinadya sigurong gulohin. Dahil dito, malaki ang posibilidad na ang sender ay ang mismong killer o di kaya ay ito ang makakapagturo sa killer. Paano nga naman nalalaman ng sender ang tungkol sa biktima bago pa man ito matagpuan at mabalita sa tv kung hindi nito nakita mismo.
"Wala akong pakialam, kung kinakailangang isaisahin ang mga tao doon ay gagawin natin." Mautoridad na wika ng team leader. "Makikita sa bagong ipinadalang skitch na isang babae ang J reaper na yon, wala satin makakapagsabi kung panlilinlang lang ito. Sa ngayon, kailangan nating malaman kung sino ang sender na ito."
"Yong huling dalawang mensahe lang ang magkapariho ng IP at location." Singit naman ng laging kampante na si Jhon. "Nakakagulat yon na sa wakas ay may maykatugma rin kasabay nito ang pag-revile sa kasarian ng killer."
"Isang mensahe nalang ang hinihintay natin at inaasahang matatanggap natin yon bukas ng umaga." Wika naman ni Daniel.
"Mukhang isa iyong imbitasyon sa anumang mahalagang kaganapan bukas." Dagdag ni Marcos. Nakangiti ito habang nakatingin parin doon sa cellphone. "Paiba-iba ang IP at location tapos biglang may nagkapariho na nasa National Park pa. Hindi ko maiwasang isipin na isa itong patibong."
———
Expect a weekly update
Love lots
Kissis