4

~~EDSA~~

Nasa kalagitnaan ng daan na may mahinang usad ng mga sasakyan si Hope na nakaupo sa tabi ng driver na si Emmanuel.

"Hay, sabi ko naman sayong wag tayong dumaan dito." Nababagot na wika ni Emmanuel dahil hindi niya alam kung kaylan ba sila makakaalis sa daang yon.

Hindi ito pinansin ni Hope na patuloy lang sa ginagawa sa hawak na cellphone. May nakita itong bagong balita na nakakuha sa interest nito at ini-play ang video.

Unang makikita doon ang babaeng reporter na nagsalita bilang umpisa ng balita at kasunod na ipinakita ang isang pigura ng lalaki na ayon sa nakuhang impormasyon nina Hope ay Bernardo Silaw ang totoong pangalan nito, dalawampo at anim na taong gulang, construction worker, may asawa at tatlong anak na nag-aaral sa isang public elementary school.

Sadyang pinalabo ang mukha nito upang hindi makilala ng mga makakapanunood dahil ang taong ito ay isa sa apat na suspect sa pagmasaker sa pamilyang Tenedero, may bahay at tatlong anak ang namatay at tanging ang Padre de pamilya na lamang ang natira. Ayon sa autopsy na lumabas noong nakaraang linggo ay ginahasa pa ang may bahay at ang nag-iisang anak na babae.

"Pinatay na po ang mga kaibigan ko," simula ng taong yon na halata ang takot sa tinig nito. "May mga taong umaaligid sa bahay namin, nananawagan po ako sa PNP Chef na bigyan po sana ako ng protiksyon."

Sumuko ang isa sa mga kaibigan nito na suspect din, may paiba-ibang itong statement na ibinigay at yon ang unang namatay sa kanila dahil nanlaban daw umano. Pagkatapos ay magkasunod ding pinatay ng unknown killers na iba kay J reaper ang dalawa pa nitong kaibigan na suspect at ngayon ay tanging siya nalang ang natitira.

"Nailagay ba ng maayos ang mga camera?" Biglang tanong ni Hope sa kasama.

"Alam mo kung paano trumabaho si Isaac." Makahulogang sagot naman ni Emmanuel na ang tinutukoy ay ang inutusan nilang tauhan na maglagay ng mga hiden caremas sa bahay ng binatang nakiusap sa kasalukuyang PNP chef. "May iba pang naglagay doon ng mga camera pagkatapos ni Isaac."

"Hindi yon nakakapagtaka. Isa itong malaking reality show kaya marami talaga ang gustong makapanood ng pagkamay ni Bernardo Silaw."

"Ang ibig mong sabihin ay walang gagawin ang kapulisan gayong halata namang isusunod na ang Bernardong yon?" May halong pagkadismaya ang tinig ni Emmanuel pero agad din itong natawa sa sariling tanong.

Si Hope naman na diritsong nakatingin sa labas ng sasakyan ay di na nag-abalang sagutin ang tanong nito.

~~PASIG CITY~~

Sa isang subdivision sa Pasig city kung saan naroon ang naglalakihang bahay ngunit iilang tao lang naman ang naninirahan ay naroon din ang tahanan ni Julius Guivara. Tatlumpong taong gulang ito at kasalukoyang nagtatrabaho bilang modelo. Isa siyang ladlad na binabae kung kayat itinakwil siya limang taon narin ang nakakaraan ng kanyang amang si Joseph Guivara na siyang kasalukoyang deriktor ng NBI.

Nais niya lang makita ang kanyang pamilya kaya kahit na pinagbabawalan siya ng kanyang ama na muling umapak sa tahanang yon ay pumaparoon parin siya.

Kasalukoyang kausap niya ang maganda niyang ina na si Atty. Laila at ang dalawampo at apat na taong gulang niyang lalaking bunsong kapatid na si James, nakaupo sila sa mahabang sofa. Napatingin sa soot na wristwatch si Julius at nakitang mag-aalasais na ng dapit hapon kung kaya ay agad siyang nagpaalam sa dala para hindi na siya maabutan ng kanyang ama.

"Ma kaialangan ko na pong umalis, baka maabutan pa ako ni fodra."  Paalam niya na parang nakikipagbiroan lang.

"Anong ginagawa ng isang KABAYO sa loob ng aking pamamahay?" Isang mautoridad na bosis ang kanilang narinig na nagpatayo sa kanilang tatlo. "Hoy! Ilang bisis ko ba dapat ulitin sayo na ayukong nakikita yang pagmumukha mo dito?"

"Papa, good evening po." Mahinhing bati ni Julius sa kanyang ama na mas lalong nagalit na parang nakarinig ng panlalait.

Susugorin siya sana nito pero kaagad namang napigilan ng kanyang ina at kapatid.

"Hoy! Wag mo akong tatawaging papa dahil wala akong anak na BAKLA." Nanggagalaiti nitong wika habang nakaturo pa ito sa kanya.

"Julius sige na." Singit naman ng kanyang ina bilang pakiusap na umalis na siya upang hindi na lumaki ang gulo.

"Aalis na po ako." Sabi nalang niya at naglakad na palabas ng pinto.

"Sinisira mo lang ang alaala ng anak ko kaya uulitin ko sayo, wag ka ng babalik dito!" Matigas na pahabol sa kanya ng kanyang ama bago siya tuloyang lumabas ng pinto.

Sa highway habang nagmamaniho si Julius ay di mapigilan nito ang sarili na tumawa-tawa, natatawa siya sa kanyang sarili.

"Julius," narinig niyang tawag sa kanya ng isang nilalang mula sa kanyang likuran.

Tumingin siya sa front mirror at nakita ang nilalang na yon at tumawa siya dito. Mukhang tao ang nilalang na yon na kulay letsyon, may matulis itong tainga na tumatagos sa mahaba nitong buhok at nagliliwanag ang pakpak sa likuran nito na parang lava na ibinuboga ng nagwawalang bulkan.

"Kung hindi ka titigil sa katatawa ay iisipin kong nababaliw ka na." Dugtong ng nilalang yon na nagpatigil sa pagtawa ni Julius.

"At siya namang dapat." Wika niya ng walang halong kabaklaan. "Ang makipagkasundo palang sayo ay isa ng patunay na baliw nga ako." Matagal niya naring kilala ang nilalang na yon na nagpakilalang ¹Javier.

Noong una niya itong nakita, anim na taon na ang nakakaraan, ay talagang natakot siya pero sa kalaunay nalaman niyang mas nakakatakot pala siya. Ang Javier na yon ay isang anghel, isang fallen, isang nilalang na nilikha ng diyos higit sa lahat ng kanyang mga nilikha dahil kasabay ng kamay ay may pakpak ito ngunit ang mga nilalang na tulad nito ay walang kakayahang pumatay ng tao. Nakikipagkasundo sila sa napili nilang tao at ibibigay dito ang kapangyarihang meron sila upang ang taong ito ang pumatay para sa kanila.

~~Hope and Emmanuel's place~~

Tulad ng inaasahan ay asul na naman ang kulay ng malaking t-shirt at jogging pants na soot ni Hope. Naka-indian seat ito sa ibabaw ng mahabang sofa na kulay kaki habang kumakain ng popcorn at pinapanood sa malaking monitor na nahahati-hati sa ibat-ibang anggulo ng mamamahay ng natitirang suspect sa Tenedero massacre case na si Bernardo Silaw.

Sa kanan ni Hope ay naroon ang kakatanggap palang nilang Manila folder na hindi pa babubuksan.

Sa katabi namang isahang sofa ay nakaupo si Emmanuel na abala sa kaharap nitong laptop na nakapatong sa mesang nasa gitna.

"Emmanuel ano itong ipinadala mo?" Tanong ng lalaking kausap ni Emmanuel. Siya si Fernando Cruz ng CIA na may dugong pilipino. Kilala na nila ito dahil minsan narin nila itong nakatrabaho noon at hito ito ngayon sa bansa ng may kasamang iba pang taga CIA. Palihim silang nag-iimbistiga sa sunud-sunod na patayang nangyayari.

_____

¹Javier→ pronounce as Havier.

___

Expect a weekly update

Love lots

Kissis

Pa-vote naman Po!