5

"access yan sa CCTV's na ipinalagay ni Hope sa loob ng condo unit na tinitirahan ni Julius Guivara." Diritsong sagot ni Emmanuel. "Tratuhin mong kapalit yan sa impormasyong ibinigay mo tungkol sa Tenedero massacre."

Tumawa ang kausap ni Emmanuel. "Hindi na ako magtatanong kung paano niyo nalamang sinusondan ko ang anak ng NBI director dahil wala  talagang nakakalampas sa inyo." Papuri nito. "Pakikumusta nalang ako kay Hope, sana makita ko siya balang araw. Mukhang magkakatrabaho ulit tayo ngayon ah."

"Hanggang sa muli Agent Cruz." Paalam dito ni Emmanuel.

"Sandali!" Pigil nito bago pa man siya tuloyang mag-disconnect. "Matanong ko lang, bakit bigla nalang kayong naging interesado sa Tenedero massacre case?"

"Kumakain siya ngayon ng popcorn." Huling wika dito ni Emmanuel saka nag-disconnect.

Tuloy lang ang subo at kain ni Hope ng popcorn ng hindi ihinihiwalay ang mata sa pinapanood na para bang kaabang-abang na tv series.

Makikita doon na nasa kusina ang asawa ni Bernardo Silaw nagluluto ng kanilang haponan habang nasa sala naman ito nanunood ng balita kasama ang tatlong mga anak nito.

Kahit na sinabi ng nag-autopsy na ni-rape ang mag-inang Tenedero na sa malamang ay mag-iiwan ng sperm cell ang sino mang gumahasa sa mga ito ngunit hindi parin hinuli ang mga suspect na magkakasunod na pinatay dahil umano ay hindi sapat ang ibidensiya. Labis na ipinagtataka yon ni Hope at umaasa siyang malaking tao ang nasa likod ng lahat ng ito.

A very manipulative one, para kay Hope.

DNA test lang ang kailangan upang masabing guilty or not guilty ang apat na suspect ngunit hindi nangyari yon at hindi mangyayari.

Makikita sa isang bahagi ng monitor ang biglang pagpasok ng dalawang malalaking lalaki sa bahay ng pamilya Silaw, nawala sa monitor ang ibang bahagi ng bahay at ang tanging natira nalang ay ang sa sala at kusina, si Emmanuel na siyang may kaharap na laptop ang may gawa non. Makikitang tinutukan ng 45 Calibre ng mga ito ang mag-aama pagkatapos ay pinagbabaril ang natitirang suspect sa Tenedero massacre case at kaagad ding umalis ang mga ito, narinig yon ng asawa ng suspect na kaagad lumabas ng kusina at ang tanging nakita na lamang ay ang tatlong nag-iiyakang mga anak at dugoang asawa.

"The end." Narinig ni Emmanuel na pabulong na wika ni Hope kasabay ng pagnguya nito ng popcorn.

Inilapag ni Hope ang di pa nakakalahating lalagyan ng popcorn sa mesa saka inabot nito ang Manila folder na katabi niya at binuksan yon. Kinuha niya sa loob ang ilang printed paper na ang nakasulat sa cover ay 'Tenedero massacre case'.

Binuklat niya ito at makikita naman doon ang important information ng ng isang tao na ang larawan ay makikita sa taas.

"Emmanuel, e-backward mo." Ginawa naman yon ng kausap. "Hinto."

Ini-stop yon ni Emmanuel at makikita sa monitor ang bahagi kung saan ay kakapasok palang ng dalawang lalaki at sakto ang anggulong iyon.

"Zoom in."

Ini-zoom in naman yon ni Emmanuel hanggang sa ang mukha nalang ng dalawang lalaking yon ang makikita.

Inilapag ni Hope sa mesa ang printed papers at nakita ni Emmanuel na kamukha ng isa sa nasa monitor ang larawan na nandoon.

"Pambihira," may paghangang wika ni Emmanuel. "Ngayon, maaari ko na bang malaman kung ano ang kinalaman nito sa J reaper?"

"Wala. Wala pa." Sagot naman ni Hope. "Ang galing ng author diba? Papalakpakan ko siya pagnakilala ko kung sino siya." Dugtong pa niya ngunit taliwas sa sinasabi ang tuno nito sa na walang kabuhay-buhay.

~~Makati City~~

"Julius, makakaalis pa kaya tayo dito?" Natatakot na tanong ng isang dalaga sa kakambal nitong binata.

Pariho silang nakaupo sa sementadong sahig at nakagapos sa gitnang parisukat na poste.

Katatapos lang ng graduation nila kahapon ng may dumukot sa kanilang dalawa at dinala sa lugar na ito na parang budiga.

Madilim ang lugar na yon at kunting liwanag lang ang sumisilay sa kanila mula sa isang silid kung saan ay naroon ang kidnappers nila.

Tumingin si Julius sa kakambal at naaninag ang maganda nitong mukha, kahit na magkaiba ang kanilang kasarian ay malaki parin ang pagkakapariho ng mukha nila.

"Magtiwala ka lang, darating si Papa." Sagot naman niya na pilit hindi ipinapahatang natatakot din siya. "Mamamatay muna ako bago may mangyaring masama sayo tandaan mo yan."

"Hindi, wag mong sabihin yan." Umiling-iling naman nitong wika. "Hindi ko gusto yon."

Hindi nila alam kung ano ang kailangan sa kanila ng mga kidnappers, kahapon pa sila dito ngunit hanggang ngayon ay wala parin ang kanilang ama na siyang inaasahan nilang magliligtas sa kanila. Isang BNI ang kanilang ama, kung nagagawa ng kanilang nitong iligtas ang ibang tao, bakit naman sila hindi.

"Basta, alam kong dadating si Papa." Sabi pa niya bilang pagpapalakas ng loob nilang dalawa.

"Hoy!" Tawag pansin sa kanila ng isa sa mga kidnappers nila, halata sa hitsura nitong naka-high ito.

"Julius...." Natatakot na muling tawag sa kanya ng kakambal.

"Ganda ng kapatid mo ah." Malisyusong wika ng kidnapper na yon sabay malakas na hinggot ng hangin. "Pahiram muna ako ha."

"Hindi! Lumayo ka hayop ka!" Sigaw niya dito.

Muling huminggot muna ng malakas yong kidnapper at ikiniskis pa sa ilalim ng ilong nito ang hintuturo saka ito nagsalita. "Pahiram muna ako sa kapatid mong maganda." Pagkatapos ay tumawa ito at kinalag ang tali sa kakambal niya.

"Julius...." Iyak ng kakambal niya habang nagpupumiglas ito.

"Bitiwan mo kapatid ko hayop!" Sigaw naman niya habang pilit na nagpupumiglas sa taling mahigpit na nakapalibot sa kamay niyang nasa likuran.

Dinala ng kidnapper na yon ang kanyang kakambal doon sa silid na may liwanag. Rinig niya ang iyak ng kanyang kapatid at ang pagsigaw nito sa pangalan niya pati narin ang pagmamakaawa nito. Kahit hindi niya nakikita ang nangyayari ay alam niya ang katutuhanang kasalukoyang ginagahasa ang kapatid niya sa di kalayoan sa kanya pero wala naman siyang magawa kundi pakinggan ang iyak nito.

"PARANG AWA NIYO NA PO....JULIUS!"

"Julia!" Sigaw din niya.

"Julia." Nakagisingang wika ni Julius mula sa bangungut ng nakaraan na hanggang ngayon ay patuloy parin siyang hinahabol limang taon narin ang nakakaraan.

Inilibot niya ang kanyang paningin at kagaya ng kanyang inaasahan ay nakahiga siya sa front seat ng kanyang itim na sasakyan.

Tumingin siya sa kanyang orasan na nasa kanyang balikat at nakitang mag-aalas tres na ng umaga.

Umupo siya at isinubsob ang ulo sa monibila. "Julia." Pabulong niya wika sa pangalan ng kanyang kakambal.

Narinig niya ang nakakainsultong tawa ng hindi taong nilalang kundi fallen na parating nakasunod sa kanya.

"Hulaan ko," Sabi ng nilalang nayon na nakaupo sa likuran. "Hindi ka parin pinapatahik." Dugtong nito at muling tumawa.

Hindi na niya pinansin ang sinabi ng fallen. Umayos siya ng upo at tumingin sa bintana ng sasakyan na nasa tabi niya. Nakita niya sa labas ang isa ding itim na sasakyan, pangatlong araw na ito ngayon mula noong una niyang napansin na sinusondan siya nito kaya tuloy ay hindi na siya makakilos ng maayos.

"Ilang katao?" Tanong niya sa fallen na si Javier ng hindi na nag-abalang balingan ito ng tingin dahil nasisiguro naman niyang alam nito ang tinutukoy niya.

Tawa lang ang isinagot ni Javier at napailing nalang siya, di na dapat siyang umasa na ibibigay nito ang sagot sa ganoon niyang tanong.

Nasa tao ang gawa at nasa diyos ang awa, ang mga angel ay gumagabay lamang sa kilos ng tao.