Chapter 11

Third person POV

Malapit ng mabunyag ang pagka tao nya konting  panahon nalamang ang hihintayin ko para malaman mo ang buong katotohanan

Mira Sam POV .

"GOOD MORNING EVERYONE!" masayang bati ko 

"Yow Sam! ang saya mo ata ngayun?" nakangiting bati ni lex "wala Lang masamang maging masaya? Masama ba?" sabi ko at umupo sa kalapit ni Alisha wala kami ngayong klase kaya andito lang kami sa bahay pero ako may pupuntahan ako sa light forest baka naroon din si Mlessean

"Sam si Lissy? wala ata" tanong ni Athena

"Ay nako Athena Hindi ko nga rin alam baka nag lilibot lang alam mo naman mautak yung ibon na yun!" sagot ko nalang asan nga kaya Yun

"Aalis nga pla ako!"

Acer ash POV

"Aalis nga pala ako!" napatingin ako kay  Mira ng mag paalam syang aalis sya

"Saan ka pupunta?" pag uusisa ni Alisha

"Sa light forest may na kilala kasi ako dun na isang kaibigan" sabi ni Mira  nagkatinginan silang apat "kaibigan? Sam sigurado ka ba huh? baka naman .." "Mabait sya promise Ipapakilala ko sya sa inyo kapag pwede sya!" Hindi na natapos ni fleus ang sasabihin nya dahil sinagot na agad ni Mira tsk hindi  marunong makinig ang babae na ito "gusto mo ba samahan ka namin?" pag aalok ni Alisha "naku wag na ayos lamang ako" pag tanggi pa ng engot na babae na to tsk tigas ng ulo tumayo na sya at lumabas iba talaga ang babaeng ito napapatahimik nya nalang yung apat tss  tumayo narin ako at palabas na sana ng biglang mag tanong si lex "oh saan ka pupunta Acer?" napalingun ako sa kanila "sa labas" maikli kung sagot at tuluyan ng lumabas hinanap ng paningin  ko si Mira at ayun si engot ang bilis mag lakad hindi ko na muna sya susundan sinigurado ko lang naman na maayos sya dahil baka mamaya bigla nanaman syang harangin ng ibang runers pero dahil maaga pa wala pang masyadong runers  pumasok nalang uli ako sa loob ng bahay siguro pupunta nalang ako mamaya sa light forest baka isipin pa nun na sinusundan ko sya

Mira Sam POV

Narito na ako sa light forest nag lalakad ako papunta sa puno na kagaya ng sa mortal World sana naroon si Mlessean ng malapit na ako sa may puno nakita ko ang isang pamilyar na babae naka upo sya sa may puno

"Mlessean!" pagtawag ko sa kanya napalingun sya sa akin at ngumiti sya "miracle!" lumapit na ako ng tuluyan sa kanya at pag kalapit ko niyakap nya ako pero humiwalay din naman sya agad "kamusta ka?" pag tatanong nya "maayos naman!" sagot ko at umupo sa kalapit ng puno ganun din naman sya "alam mo ba mlessean ang puno na ito ay kamukha ng puno na nasa mortal world alam mo ba para sa akin  mahiwaga ang punong ito hind ko alam pero para sa akin ito ang nag dala sa akin dito light academy" nakatingin lamang sa akin si mlessean at nag salita ito "Ang tree of portal, ang portal ng ibat ibang mundo natanging mga karapat dapat lamang ang maaring makaraan"  napatunganga ako sa sinabi nya "pero pano.." "Siguro ay naiiba ka!" pinutol nya pag tatanong ko at nag salita sya 

"Mlessean ano ang ibig mong sabihin?" nag tataka kung tanong pero ang layo ng sagot nya "Oras at panahon ang mag sasabi sa iyo"

"Huh?" naka drugs ata ang babaeng ito Hindi ko maintindihan  tumayo na sya nka tingin lamang ako sa kanya naka singhot nga ata ang babaeng ito "kailangan ko ng umalis miracle mag  kita na lamang tayong muli!" sabi nya at tumakbo na paalis baliw na ata si mlessean. Hayst Hindi manlang ako hinayaang mag salita mga ilang minuto na nakakaalis si mlessean nanatili pa ako dito sa light forest nagulat ako ng may pumatong sa ulo ko si lissy pala "Lissy saan ka nang galing huh? ikaw na gala ka Hindi ka nag papaalam sa akin, kung saan saan ka nag sususuot!" pag sermon ko kay Lissy "pero hindi ako galit huh! wla na kase ako makausap tara na nga uwe na tayo!" pumatong sa balikat ko si Lissy tumayo na ako at nag simula ng mag lakad nasa  hall way na ako ng may dalawang babae ang humarang sa akin "ah, ano kailangan nyo?" pag tatanong ko pero inismiran lamang nila ako nako mukhang masama pakiramdam ko dito "kung,kung wa-wala kayo kaylangan aalis na ako" lalagpasan ko na sana sila ng magsalita yung isang babae na puno ng pintura ang mukha "kala nya ata kinaganda nya at ano san ka pupunta makikisingit ka nanaman sa mga  pure elemental?" maarteng pag kakasabi nya nakakainis na sila napaka big deal sa kanila na kaibigan ko sila lisha muli akong humarap sa kanila "bakit  kanino  nyo ako gustong makisama? sa inyo huh? no way!" pag tataray ko sumusobra na tlaga sila "Abat marunong ka nang sumagot!" nakapamewang na sabat ng isa pang payaso sasagot na sana ako ng  "PLAKK!"  bigla nya akong itinulak nawalan ako ng balanse kaya napa upo ako "ayysst!" ang sakit ng pwet ko tatayo na sana ako ng magulat ako dahil isang ugat ng puno ang sumakal sa akin pero natanggal din yun agad dahil sinugod ni Lissy ang babae pero dahil dalawa sila nahawakan  ng isang babae si Lissy pero ang ikinagulat ko nang ibalya ng babaeng payaso si Lissy

"LISSY!" napasigaw nalamang ako at Hindi ko alam kung ano ang nangyare bigla nalamang umuga ang kinatatayuan ko kaya napa upo ako oh Hindi ko alam dahil bigla ding nag dilim ang paningin ko

Acer ash POV .

Kasama ko ngaun ang apat na kalog dahil gusto nilang sumama nasa hall way na kame at nag kakaingay nanaman si lex at lisha pero natigilan kameng lima  ng marinig namin ang pagsigaw  ng pamilyar na boses sa Hindi kalayuan

"LISSY..!" kasabay ng sigaw ang biglang pag uga ng kinatatayuan namin nag katinginan kame at nag mamadaling  tumakbo kahit mahirap pero napatigil kame sa pag takbo nakita namin si Mira na maayos na nakatayo na para bang walang nararamdamang pag uga at dalawang  semi elemental  nagpagalaw ng ugat ng puno ang isang babae nakita kong  pipigilan na sana ni fleus ang semi earth runers pero napatigil ito sa gulat at lahat kami napa tulala dahil sa ginawa ni mira  ikinumpas nya ang Mga kamay nya lumiwanag  ito at ang ugat ng puno na dapat ay para sana sa kanya ay bumalik papunta sa dalawang  semi runes at nadagragan pa ang mga ugat  at maging ang dalawang  semi runers ay nagulat din pero agad nakaiwas ang isang semi runes pero ang  semi earth runes sumubok dumipensa pero sadya atang malakas ang tira na iyun ni Mira dahil tumalsik sa hindi kalayuan ang babae Hindi ko alam kung namalikmata ba ako o ano yung mata ni mira nag kulay brown sya pero nawala din agad nainis ata ang isang babae dahil gumawa ito ng maraming water bamb  at mabilis itong itinira kay Mira lalapit  na sana si Athena para madipensahan si Mira dahil alam naming hindi  kakayanin ni Mira yun pero mas lalo kaming natulala at nagulat kami ng mas  malalaking water bomb ang ginawa nya sa pamamagitan lamang ng pagkumpas ng isang kamay at itinira ito sa sami water runer hindi na gawang makailag ng babae dahil sa bilis ng mga water bomb ni Mira kaya gumawa ng water shield ang babae pero sa lakas din ng atake na yun ay nasira ang water shield tumalsik ang babae Hindi kame naka kilos sa mga kinatatayuan namin

dahil sa pinamalas na iyun ni Mira pero napawi ko ang gulat ko nang makita ko si mira na uti uting tumutumba tumigil na rin ang pag uga agad akong tumakbo papalapit kay mira  mabuti nalamang at na salo  ko sya pero ikinabigla ko ng bago tuloyan ipikit ni Mira ang kanyang mata kulay asul ito

Fleus POV

Nagulat talaga kaming lahat paano iyun nagawa ni Sam kung mimicking si Sam Hindi ganun kalakas  pero paano? nakapag  tataka ka talaga si miracle Ashtrid Samantha  nakita ko kanina kung paano naging  brown ang mata nya pero tanging mga pure elemental runers ang maaring magbago ang anyo ng mga mata pero paano at paano nya rin nagamit ang runes na magkaiba sa iisang  pagkakataon ano ba talaga ang tunay na rune ang meron ka Sam? paano ka nakapag pauga ng lupa ng ganun kalakas kakaiba ka talaga.

Athena POV .

Sinasabi ko na una palang may iba talaga sayo Sam Hindi ko pa lang alam dahil hangang  ngayun para sa akin mahiwaga ka pa rin sino ka ba talaga Samantha? alam ko lumabas ang rune mo dahil kay  Lissy kanina nakita mong sinaktan nila isa kang may mabuting  puso pero ano ang totoo mong rune?

Acer ash POV

Mag kakasama kaming lima dito sa sala ng bahay iniisip kung paano ba nagawa ni Mira ang mga  iyon tahimik lamang kami ng bigla ni alishang binasag ang katahimikan ng mag  salita sya "Nung araw na nasa grand hall tayo ng muntikan tamaan si Sam ng fire ball naka gawa sya ng wind shield para maprotektahan ang  sarili nya pero nakapagtataka na hindi nya alam iyun inakala ko nga na  isa sya sa wind element" si alisha  habang nakapangalumbaba  "maging nung nandun sa cafeteria, nung pumunta sya sa wash room, wala din syang maalala ano sa tingin nyo? ano kaya ang rune ni Sam?" dagdag na tanong pa ni alisha  pero nag kibit balikat lamang ang iba "hindi kaya isang rune controller si Sam?" biglang sabi muli ni Alisha napatingin kami sa kanya "posible! pero hindi dapat nag babago ang anyo ng kanyang mata" bigla kong sangat   natahimik kaming muli at ng binasag naman ni lex ang katahimikan

"kamusta na si Lissy?" pag tatanong ni lex "maayos na nag papahinga nalamang" sagot ni fleus "hay mabuti naman!" maikli nyang sagot

Tumayo na ako at papanhik na sana

'Saan ka pupunta?" pag tatanong ni lex lumingon ako sa kanya "sa silid ni Mira, babantayan ko sya!" deretso Kong sagot "Acer sana Hindi mo nakakalimutan ang nakatakda para sa atin!" biglang sangat  ni Athena

"Tsk. ." tumalikod na ako at saka sumagot  "Hindi ko iyon nakakalimutan huwag kayong mag alala!" At tuloy tuloy ng pumanhik, ng makarating ako sa silid ni mira naupo lamang ako sa gilid ng kanyang hinihigaan pinag mamasdan  ko ang napakapayapa nyang mukha ng maramdaman ko nanamang muli ang pagkabog ng puso ko Hindi ko alam kung bakit ko ito nararamdaman pero hangat  maaari Hindi ito dapat

****************************************************