Chapter 12

Acer ash POV

Dalawang araw na ang nakalipas simula nung insidente nung sa hall way at ngayun maayos na si Mira at gaya ng dati akala nya nawalan sya ng malay si Lissy nga agad una nyang hinanap Hindi manlang ako tsk wala akong sinabi huh Tss naandito Na nga pala kami ngayun sa room ng gold A inaantay si master Hindi ko alam kung sino sa head ng fire o ng water kingdom

Balik kami sa dati ni Mira wala kaming pansinan hind ko sya pinapansin dahil ayoko na malapit sa kanya tsk .

Athena POV

Back to normal na ang lahat pasaway at matigas pa rin ang ulo ni sam balik sa pag kukulitan si lex at lisha si fleus ayun ewan ko sa mokong nayun ang hilig ata akong asarin nitong nag daang dalawang araw at sa nag daang dalawang araw kaya ko nasabing back to normal para kasing naging tahimik ang lahat ng nasa loob ng bahay siguro gaya ko napapaisip din sila tungkol sa kung anong runes ang meron si Samantha napaalam narin namin ang ngyare kay head master pero wala naman syang sutnabi tungkol dito parang tanga lang diba hehe wag nyo ako isusumbong huh

Napatigil ang lahat sa pag kukulitan nila ng may pumasok s loob ng gold A

Have a good day runers nakangiting bati ni master Liam oo kilala ko sya ang head master ng water kingdom

"Kilala nyo na naman ako mga elemental runers and alam ko namang si miss Samantha lamang ang hindi so kaylangan ko paring mag pakilala

So miss Samantha ako ang head master mg water kingdom ang kingdom ni miss Athena ako si master liam" parang tanga nitong pag papakilala kay Sam at kumindat pa ang sarap atang lunurin nito sinisira ang repotasyon ng water kingdom kay Sam tss

"Siguro naman sinabi na sa inyo ni miss Quisel

Kung bakit kaylangan muna naming isalaysay sa inyo ang mga nakaraan ng bawat kingdom bago kayo napunta dito" seryoso ng pagsasalita ni master liam kaya nag seryoso na rin ako sa pakikinig "Ang water kingdom ang lugar kung saan pinamumunuan ni Quiren isang babae na puno ng katalinuhan at kaalaman babaeng may angking ganda at lakas sa pag gamit ng runes ng tubig maayos nyang napapamunuan ang water kingdom isang beses naisipan nyang maligo sa quite water ang tubig na nag bibigay buhay sa mamamayan, sa paliligo ni Quiren isang binata ang napadpad sa lugar na iyon Hindi nya alam na naruon ang isang napakagandang dalaga sa pag ahon ng ulo ni Quiren sa tubig ay bahagya pa itong nagulat sa dalaga napatalikod itong bigla kaya natawa ang dalaga dahil sa nakakatawang reaksyon ng lalake ano ang ngalan mo lalaki? pag tatanong ni quiren napaharap na ang lalaki at nakaramit na ANG dalaga. Ako ay si

Rio napadaan lamang ako rito dahil sa ganda ng lugar na ito kulay asul ang paligid nakakaayang tingnan parang ikaw binibini napangiti nalamang ang dalaga sa tinurang ng binata at mag mula ng araw na iyon palagi na nag pupunta sa quite water si Quiren at maging si Rio

Uti uti nabuo ang kanilang magandang pag titinginan para sa isat isa hanggang sa mag isang dibdib sila at nagbunga rin ang kanilang pag Mamahalan isinilang ang isang napakagandang sanggul na alam ng lahat na mag mamana sa kung ano ang meron si quiren at dahil anak ng pure water ang sanggol ay alam nila na isa ang kanilang supling sa mga nakatakda Hindi nag tagal sa kanila ang kanilang supling dahil agad itong dinala sa crystal light kingdom nakaramdam man ng lungkot tinanggap nila ng maluwag iyun dahil iyun ang nararapat pero laking pasasalamat din nila dahil nadala agad ang supling nila sa crystal light kingdom dahil kinagabihan hindi nila alam na isang pag salakay sa kanila ang nag babadya pero mabuti nalamang ay sadyang may pag kakaisa ang lahat ng nasa water kingdom Hindi man naging handa nakipag laban sila sa hukbo ng mga nakaitim hukbo na tanging nais ay mapaslang o makuha ang itinakda sa labanang iyun magkatama si Rio

At si Quiren ns nakipag laban. Hindi napansin ni Quiren na may isang nag babadya pa sana na saksakin sya pero agad iyong naharang ni Rio

At dahil sa labis na pagka gulat Hindi agad naka galaw si Quiren namalayan nalamang nya ang pagbagsak ni Rio

Sa kanya at dahil sa galit bumuhos ang kanyang kapangyarihan sa lahat ng mga kalaban labis syang nasaktan pinilit nyang gamutin si Rio. Ngunit nanatili itong tulog pero nag hilom ang kanyang mga sugat natapos ang digmaan hindi masabing payapa na ang water kingdom ng panahon na iyun sapagkat labis ang pag tangis ni Quiren Dahil nanatiling walang malay ang kabiyak lumipas ang maraming taon at hanggang ngayon ay nananatiling tulog c Rio, sapagkat ang nakatakda ang gigising sa kanya" natapos ang mahabang kwento ni Master Liam at napatingin ako Kay Athena na bakas ang lungkot sa mukha

Athena POV

Nasasabik na akong makita ang aking ina at ama, kung nandito lamang ang itinakda matutulungan nya kami at matutupad na namin ang nasasaad, kailan magaganap at mahahanap ang itinakda labis na ang pagkasabik ko sa aking magulang at dahil sa nalaman ko lalo Kong gustong maganap na ang nakatakda, magbabalik ako sa inyo ama at ina, antayin nyo lamang ako gagampanan ko muna ang tungkulin ko. Nagulat nalamang ako ng tinapik ako ni Sam at niyakap "Magiging ok din ang daddy mo Athena sigurado ako, Tara na punta na tayo sa cafeteria nakakagutom magturo si Master Liam" at hinigit na nya ako patayo, napalalim pala ang pag iisip ko ako nalamang pala ang inaantay nila, dahil lahat sila ay nasa may pinto na. Kakaiba talaga si Sam alam nya kung pano pagagaanin ang loob namin, napakabuti ng puso nya.

Acer POV

Matapos magturo ni Master Liam as usual nasa cafeteria nanaman kami ang tatakaw kase ng mga to eh at back to normal ang lahat, nagbabangayan si lex at Alisha, taga awat si fleus at Athena at si Mira ang dagdag ingay sa katatawa. Simula nung dumating si Mira dito ang bilis nyang nakuha ang loob ng mga kasamahan ko at ang bilis nyang natanggal ang lungkot sa mukha ni Athena kanina. Tinititigan ko lang sila habang nagkakagulo napansin ko sa likod ni Mira na may mga runers na padating at mukhang may binabalak sila Kay Mira, at Hindi ako nag kamali nagulat kaming lahat sa ginawa nila basta nalamang nila nilagyan ng bulate ang pagkain ni Mira at binuhusan si Mira ng kung ano ano at nagsitawanan. Napatayo si Alisha at susugurin na ang mga babae ngunit natigilan kami ng sumigaw si Mira "Ahhh" at natulala nalamang ako sa mga nangyari.

Athena POV

Sumusobra na sila sa ginagawa nila Kay Sam gagawa na sana ako ng water spear para itira sa kanila pero napatigil ako sa pag sigaw ni Sam "Ahhh" nag liwanag ang noo nya? Tama ba ang nakita ko at nag kumpas sya ng kamay at may lumabas na mga dagger sa may gilid ng mga babae at tumutok sa leeg nila natauhan ako ng mag salita si lex "Hindi galing sakin yan ha, wala pa akong dagger na ganyan!" Napatingin kami lahat Kay lex at nagsalita ulit sya "maniwala..." Naputol ang sasabihin nya ng magsalita si Sam "aalis kayo o itatarak ko ang mga kutsilyong ito sa leeg nyo?" Agad nagtakbuhan ang mga babae sa takot dahil kakaiba ang paraan ng pagsasalita ni Sam pagkaalis ng mga babae agad nawala ang mga dagger at liwanag sa noo ni Sam at parang nawalan nanaman siya ng Malay.

Acer POV

Alam Kong mawawalan nanaman ng Malay si Mira kaya agad akong tumayo para saluhin sya dahil nakanganga pa ang mga kasama namin nakita ko na dati ang paliwanag ng noo nya at hindi ako nagkamali ng akala nagiba nanaman ang kulay ng kanyang mata naging kulay abo ito at nakapagtataka na talaga ano ba talaga ang meron ka Miracle Ashtrid Samantha? Natauhan ang mga kasamahan ko ng magsalita na ako "Tara na sa bahay kaylangan na nating iuwi si Mira" parang mga tanga silang bumalik sa katinuan at di na nagawang umiik pa at nagsitayuan pero di nakaliktas sa akin ang mapanlokong ngiti na gumuhit sa labi ni Fleus na hindi ko nalamang pinansin at nauna nag mag lakad.

****************************************