Acer POV
Gaya ng inaasahan namin nagising si mira na wala na nanamang alam sa pinag gagawa nya akala pa nga nya pag gising nya pinag tanggul namin Sya kaya nag pasalamat pa pero nung sabihin namin na ang ginawa nya parang tanga na ngumawa baka daw may nasaktan sya baka nag mukha syang halimaw ang dami pa nyang pinag sasabi napapailing nalamang ako engot talaga ang babae na yun tsk Papunta kami ngayun sa emporium para daw bumili ng damit na gagamitin Namin sa celebration ball na dararating ang daming kaartehan ng mga babaeng ito tss
Mira Sam POV
Narito na kami sa emporium hindi na nga mag kanda ugaga ang dalawang babae na to sa pag hanap ng gown nila ako ito naka nganga Hindi ko nga alam kung para kanino ba ang celebration e maitanong nga mamaya pag pauwi na kami bakit kase ako si miss kalimut e palagi kung nakakalimutan itanong sa kanila yung mga gusto ko itanong pa epal din kasi yung mga ng bubully sa akin yan tuloy para akong eng eng. Nagulat nalamang ako ng bigla akong higitin ni alisha "ikaw babae ka bakit nakatayo ka lang dyan? pumili ka na din ng gagamitin mo!" hayper na pag sabi ni Alisha
"Ah kase Alisha para sahh...." "Oh ito subukan mo! ito pa at ito pa saka ito" "ah ano lisha sag..." "Ito pa oh sige na sukat mo na" hindi ko na natapos ang sasabihin dahil tinambakan na ako ng mga gown itong babae na ito talaga wala akong nagawa go with the flow nalang
Acer POV
Walang nagawa si Mira kung hindi ang sumunod nalang pumasok sya sa isang maliit na room para mag Sukat yung dalwang babae ayun parang mga baliw na nag aantay
Saglit lamang ay lumabas na si Mira
"TADA! ano OK ba?" umikut ikut pa ito suot ang isang kulay pulang gown sa totoo lang maganda ang ganda ni Mira este nung gown Hindi si Mira huh kaya lang Hindi sa kanya bagay ang luwag pat pat kase itong babae na ito "WAHHH SAM BALIK BALIK BALIK!" sumisigaw na sabi Ni lisha at Athena mga baliw talaga kaya ayun si mira dahil sa gulat nag mamadaling pumasok ilang saglit lamang din ay lumabas ito at napapikit ako sa kakinangan hindi dahil sa ganda kundi sa kinang ng suot nya ang sakit sa mata "SAM PALIT KANA BILIS!" sigaw ni Athena itong babaeng ito nahawa na sa kaingayan ni Alisha tsk
At ayun si Mira nag mamadali nanamang pumasok Ewan ko lang kung Hindi mapagod yang babae na yan saglit lamang ay lumabas muli si mira napa tulala ako hindi sa ganda kundi halos wala na atang itago yung damit pwede na syang maging waray waraykatela
"Ahh Sam pah palit kana pa panget yan!" nauutal na sabi nila Alisha kaya ayun pumasok na ulit si mira "Ano ka ba naman lisha bakit mo kase nilagyan ng ganung klaseng damit" mahinang sabi ni Athena
"Hindi ko napansin pasensya naman"
Tsk mga engot talaga
Mira POV
Wahhh pagod na ako kanina pa ako nag susukat ng damit dito wala pa rin Nabagay hanobeyen last na itong gown na suot ko kulay brown sya na may gold Hindi gano kahaba yung harap may pagka cocktail sya simple lang pero para sa akin ang ganda nya lumabas na ako sa room
'TADAH! ano guys? OK na ba?" nakangiti kong tanong tiningnan ko sila Athena at Alisha ngumiti ako
"Ang ganda mo Sam" at ayun sumakit ang tenga ko sa lakas ng bunganga ng dalawa na ito
"Talaga? OK na to?" sa wakas tapos na pag hihirap ko nakakapagod kaya try nyo papasok na sana ulit ako sa loob ng room para mag palit na ulit ng damit ko alangan namang umuwe ako nakaganto
"Ano sa tingin mo Acer maganda ba gown ni Sam?" napatigil ako at napaharap kay Acer dahil sa nakakalokong tanong ni fleus pero Mas nakakaloko ata itong Abong Acer na ito tingnan ba naman Ako mula ulo hanggang paa pagkatapos tumalikod na at "OK naman!" ano daw sabi nya OK naman pagkatapos ko mapagod kakapalit OK lang? pagkatapos kung magmukhang parang lola OK lang? pag katapos Kong mag mukhang waraykatela OK lang? e kung sipain ko kaya to para tumalsik papuntang mars nayayamot akong pumasok muli sa room ang kapal "AYYSSTTT"

Mira's Gown
Fleus POV
Gusto ko pag tawanan si Acer haha napikon yun sa akin kaya si Sam naman ang pinikon sana kaibigan lang din ang Turing ni Acer Kay Sam may mga kaylangan pa kaming matupad
Nakapamili na kami ng mga gagamitin namin sa akin kulay light brown na tuxedo at shirt na light brawn din pang loob at pants ganun din naman si Acer at lex simple lang kaming Mga lalaki no Nag susukat na ngayun ng gown nya si Athena at gaya ni Sam kanina nag pabalik balik din ito lumabas na si Athena at, at ang ganda nya sa gown na suot nya kulay asul ito napaka simple lang
"FLEUS LAWAY MO NATULO NA!" natigilan ako at bigla na lang napaiwas ng tingin Kay Athena tiningnan ko ng masama si lex napaka ingay ng bunganga ayst

Athena's Gown
Alisha POV
Alam ko na kung gano nakakapagod ang pabalik balik last na to at pag Hindi pa to naging OK baka mag wala na ako gusto ko na umuwi huhu
Lumabas na ako suot ko isang green na gown may flower sa gilid at may pagka balloon ang style nya
"GUYS AYOS NA TO HINDI BA?" malakas Kong sabi dahil pagod na talga ako naka tunganga sila sa akin
Ng "WAHHH ALISHA ANG GANADA MO!" sigaw ni Sam "wahh talaga Sam?" "oo tanong mo pa Kay lex!" napatingin ako Kay lex
"Ano lex OK ba?" sabi ko at umikot pa
"Ahh oh oo ang ganda nung damit!" sabi nya ano daw yung damit lang paano ako tsk sapukin ko kaya to

Alisha's Gown
Acer POV
Sa wakas naka uwi Na din kami nakakapagod pag katalaga mga damit pag uusapan bibilhin naku asahan ko na bagsak ang katawan ko sa pagod tsk
Mira Sam POV
Narito na ako sa room ko grabe pagod much hayst kaylangan ko ng ihanda yung mga gagamitin ko sa celebration ball para Hindi Mas nakakapagod and speaking of celebration ball nakalimutan ko naman itanong and another speaking of celebration muntik ko ng nakalimutan na ilang araw nalang kaarawan ko na din kasabay ng ball na dadating aba napakaangas .
Itinago ko na sa closet ko yung gown na gagamitin ko pero nagulat ako dahil nalaglag yung bag na binigay ni Alisha aba nag pakita sa akin ang bag nato napaka kalat ko naman ata sa gamit dinampot ko ito para itago na ng mahawakan ko ito nag taka ako dahil parang may laman binuksan ko ang bag at nakita ko yung libro na binigay sakin nung matandang babae nakalimutan ko na ito sa dami ng nangyari sa akin "ano ba laman mo mabasa nga" parang tangang sabi ko sa libro. "Ay putspa nakalock grabe ngayon nga lang ako mag babasa nakalock pa!" Ang baliw ko nanamang kausap sa libro pero nagulat ako ng mag liwanag ito at kusang bumukas at nagkaron ng sulat, 'ano ang iyong katanungan at aking tutugunin' ay bongga "para saan ang pag diriwang na gaganapin sa isang araw?" Para akong engot na nagtanong sa libro pero nanlalaki ang mata ko ng magkaron ng sulat ang page ng libro, 'ang pagdiriwang ay para sa nawawalang anak ng hari at reyna ng Crystal light kingdom' huh? May hari at reyna ang Crystal light at kingdom to? Akala ko school lang to, napatigil ako sa pag iisip ng mag liwanag ang libro at may sumulat ulit, 'ang crystal light kingdom ay isang payapang kaharian ito ang namumuno sa iba pang kingdom, ngunit sa di inaasahang pagsugod ng kalaban maglalabing walong taon na ang nakalipas matapos maipanganak ang prinsesa ng crystal light kingdom, ipinaalaga ng hari at reyna ang prinsesa sa kanilang kaibigan sa labas ng kaharian ngunit natunton ito ng mga kalaban kaya itinakas nila ito at di na nalaman kung saan napunta, huli na ng malaman ng hari at reyna na ang prinsesa ang itinakda. Hindi nila naprotektahan ang prinsesa at ito ang naging dahilan ng kanilang pighati, prenotektahan nila ang limang nakatakda ngunit Hindi naprotektahan ang sariling anak na pinakamahalaga sa lahat ng itinakda' itinakda? Ano nama... "Mira ok lang?" Naputol ang pag iisip ko ng kumatok si Acer sa pinto at dali dali Kong tinago ang libro at agad tumugon Kay Acer "OK lang naman ako, bakit?" Nagtatakang tanong ko sa abong ito at binuksan ang pinto ng kwarto ko, "Ahh ganun ba sige alis na ako!" At tinalikuran na ako ng abo na to, bahala ka sa buhay mo sinara ko na ang pinto at natulog na.
Acer POV
Kinatok ko si Mira sa pag aalala dahil sa liwanag kong nakita sa pinto nya ng pababa ako para kumuha ng tubig, lalagpasan ko na sana pero narinig Kong nagsalita si Mira pero di malinaw yung sinabi nya at nagkaron ng mas higit pang liwanag, pinakiramdaman ko muna at nung Hindi na sya nagsalita agad akong kumatok at nag tanong, sumagot sya agad kaya nakahinga ako ng maluwag at ng binuksan ni Mira ang pinto biglang bumilis ang tibok ng puso ko kaya agad akong umalis, ano ba tong nangyayare sa'kin.
****************************************