Mira Sam POV
Narito na kami ngayon sa room ng gold A naka upo lamang ako wala ako sa mood mag salita naiisip ko pa rin kasi yung nalaman ko kagabi napapaisip din ako sino kaya yung prinsesa at ano ba yung mga nakatakda na iyon itatanong ko na lang mamaya dun sa magic libro ni Lola ung nag bigay sa akin inaantay na namin yung master namin gusto nyo hulaan ko ang master na yun ngayun ay head ng fire kingdom alam ko no wla yun nalang ata ang Hindi ko pa na memeet no
Acer POV
Natahimik na kamu dahil pumasok na si Master Akira, oo babae sya, magaling na head yan kahit babae at napakalakas, at alam ko na ang ituturo nya ang tungkol sa history ng fire kingdom. "Alam ko na alam nyo na ang pakay ko ngayong araw na ito pero bago yun magpapakilala muna ako Kay Miss Samantha, ako ang head ng fire kingdom ako si Akira" at nginitian nya si Mira, muntanga namang tumango si Mira, " ngayon ay sisimulan na natin ang pagsasad ng kasaysayan ng fire kingdom" muling panimula ni Master Akira, "Ang fire kingdom ang kaharian ng matatapang at magiting na mga runers, pinamumunuan sila ni Kelgore isang matapang na runer at hinahangaan ng lahat ngunit may lihim na kasintahan na si Faerie isang magandang binibini na semi fire ang rune, inilihim nila ang kanilang relasyon sa pag aakala na sa ibang lalaki ipinapagkasundo ang babae ngunit laking gulat at tuwa nila ng sila pala ang naipagkasundo ng mga magulang nila na mag isang dibdib, naganap ang pag iisang dibdib at nagbunga ito ng sanggol na lalaki, naalagaan nila ang bata hanggang sa tatlong buwan nito, ngunit ng lumabas ang senyales na ito ay isa sa nakatakda agad nila itong ipinadala sa Crystal light para sa kaligtasan ng bata at Hindi sila nagkamali sapagkat may dumating na mga kalaban na nais kunin ang sanggol, mabuti na lamang at magaling mamuno si Kelgore at nagapi nila agad ang mga kalaban, ito ang nangyari sa fire kingdom labing walong taon na ang nakakaraan na tanging sa inyo lamang ipinapaalam, kaya inaasahan namin miss Samantha na Hindi mo ipagkakalat ang iyong mga nalalaman bilang pagtanaw ng kabutihang loob sa iyong mga kaibigan" seryosong pahayag ni miss Akira, hindi na ako nagulat sa nalaman ko ngunit ang pananabik sa mga magulang ko ay Hindi ko maitatago.
Miracle Ashtrid Samantha POV
Tumango nalamang ako bilang sagot Kay master Akira, nakakatakot kase yung pagkakasabi nya nun, pero agad napalitan ang takot ko ng pagtataka kung bakit hindi ipinaalam sa iba ang mga pangyayari, ngunit nung magawi ang paningin ko sa malungkot na mukha ni Acer naawa ako sa kanya at kumabog nanaman ang dibdib ko at alam ko ang weird ko na ata nahahawa na ako sa lalim ng mga salita nila emeygesh pero isapang emegash pag kalabas ni monster Akira oo monster katakyut e tumayo din ako at lumapit kay Acer
Ace napatingin sya sa akin ng tawagin ko sya nakatitig lamang sya sa akin e "ah ano ka-kasi" wahh ano ba SASABIHIN ko
"Gusto mo sama? punta ko light forest!" nauutal Kong salita
"Tsk ayoko!" maikli nyang sagot
"OK di wag pachusie!" tumalikud na ako at Hindi sya pinansin "guys una na ko punta lang ako sa light forest huh!" paalam ko sa iba at tumakbo na palabas Hindi ko na inaantay ang sagot nila nakakahiya e nag tataka ako bakit parang tahimik ngayun ang ibang runers Hindi nila ako binubully parang Mas lalo akong kinakabahan pag ganun dahil sabi nga nung matatandang pulubi nung nasa kalye pa ako
Mas nakakalunod ang tahimik na dagat kesa ang maingay at mababaw na alon ng dagat isa ata akong makata ngayon, narito na ako sa light forest napaka aliwalas talaga dito hayst umupo ako sa tree of portal Ewan ko ba gusto ko talaga sa lugar Na ito umupo ako at sumandal na sa puno para akong baliw na nakamulagat lamang sa kawalan ng bigla akong napaisip ano ba yung mga nakatakda bakit Hindi nila sinasabi sa akin pag tatanong ko sa isip ko bakit Sam nag tatanong ka ba sa kanila tanga lang ang peg wahh sagut ng utak ko hala ayoko pa magaya kay sisa inalog alog ko ang ulo ko na parang nasisiraan na ng bait pero napatigil ako ng maalala ko yung libro oo nga tama yung libro ni lolang weird tama pwede ako mag tanong dun parang engot na pag sasalita ko at agad binulatlat ang gamit ko at ng mahawakan ko ito umilaw nanaman ito at kusang bumukas
Ano ang iyong katanungan at aking tutugunin bongga talagang librong to "ano ba ang nakatakda sa limang pure element?" parang tanga na tanong ko
'Ang limang pure element ay nakatakdang protektahan ang prinsesa ng crystal light dahil sila ang mga hinirang na lagend ng bawat kingdom na mag mana ng purong kapangyarihan na walang halo ng kadiliman sila ang tatayong warrior para sa pag protekta sa prinsesa at isa sa tatlong lalaki ang nakatakda para sa prinsesa' kaya ba Hindi sila nakipagkaibigan sa iba? tanung ko lamang sa isip ko pero ang libro na to marunong mang basa ng utak bawal ata privacy dito e
'Oo Hindi na nila ginustong makipagkaibigan sa iba dahil ayaw nilang malabag ang nakatakda sa kanila'
"Ay ganun
Bakit Hindi nila hinahanap ang prinsesa?" tanong ko pa
'Dahil oras at panahon ang mag dadala sa nawawalang prinsesa sa lugar kung saan sya nararapat' parang tanga akong tumango nag
Isip pa ako ng pwedeng itanong ng bigla akong napaisip agad akong tumingin sa libro
"Yung mga magulang ko na iniwan ako sa puno nung limang taon pa lamang ako nasaan na sila at bakit nila ako iniwan sa puno nakagaya nitong tree of portal?" pag tatanong ko para akong kinabahan sa magiging sagot ng libro 'Ang iyong kinilalang magulang ay nahihimlay sa lugar ng kadiliman tanging liwanag na nag mula sa busilak na puso ng kanilang prinsesa ang makagigising sa kanila'
"ah anong ibig mong sabihin sinong prinsesa? nauutal na tanong ko 'ang prinsesa na tinutukoy walang iba kung Hindi ....' "Mira?"
Acer POV .
Nung lumapit sa akin si Mira nagulat ako kaya napatitig lamang ako sa kanya pero Mas nagulat ako nung tinanung nya ako kung gusto ko daw ba sumama sa kanya papunta sa light forest pero Hindi ko alam sa bunganga ko na ito at dahil deretsa Kong sinagot na ayoko hayst pagkalabas ni Mira tumayo akong bigla parang may sariling pag iisip ang paa ko dahil sinundan ko sya nakasandal lamang sya sa tree of fortal ano nanaman kaya ang nasa utak ng babaeng ito nagulat ako dahil inalog alog nya ang ulo nya pero mas Nagulat ako ng bigla syang tumigil at may hinalungkat sa gamit nya at Nakapag pagulat pa lalo sa akin ang pag liwanag ng isang maliit na libro agad din naman itong nawala tinitigan ko iyung mabuti at napag tanto ko na iyon ay ang enchant book pero paano napunta sa kanya yun at paano nya nabuksan iyon paano sino ka Ba mira? Narinig ko ang lahat ng tanong nya sa libro palapit na sana ako dahil baka maitanong nya pa ang tungkol sa prinsesa mahirap na baka may iba na makaalam pero napatigil ako ng mag tanong sya tungkol sa mga magulang nya at Hindi ata sinasadya napalakas ang pag basa nya sa kasagutan ng libro
"Ang iyong kinilalang mga magulang ay nahihimlay sa lugar ng kadiliman tanging liwanag lamang ng busilak ma puso ng kanilang prinsesa"
At maging ako natigilan sa sagot Na iyon posible ba na narito din sa magic world ang magulang nya narinig kung muli ang nanginginig na boses ni Mira pero hindi ko na ito pinatapos napatingin sya sa akin pero ikinagulat ko na may kunting luha sa kanyang mga mata pakiramdam ko pinipiga ang puso ko ayaw ko syang makitang malungkot
"A-Acer?" nauutal nyang usal lumapit na ako sa kanya ng tuluyan pero nakatitig lang sya sa akin saglit na katahimikan ang bumalot sa amin
"Na-narinig mo?" pag basag nya sa katahimikan
"Paanong napunta sayo ang libro na yan" tanong ko
"Nung nasa delectus tayo may matandang babae ang lumapit sa akin at Ibinigay ito" sagut nya naman "bakit kanino ba ito?" tanong nyang muli
"Yaan ay para sah.. .." "Sa prinsesa ba ng crystal light?" Hindi ko natapos yung sasabihin ko dahil bigla syang sumangat tss epal ang babaeng ito mabuti nalamang walang ibang runers dito "hayst!" napabuntong hininga ako at umupo sa kalapit nya siguro kaylangan nyang malaman
"Sasabihin ko sa iyo kung mangangako ka na hindi mo ito sasabihin sa Iba!" bulalas ko sa kanya
"Ikaw abo ka tingin mo ba ganun ako kadaldal huh?" pag susungit nya tiningnan ko sya ng masama pero nagulat ata sya sa ginawa ko dahil maging ako ganun din pinunasan ko ang parte ng mata nya na may luha napa iwas ako ng tingin "tsk!
Mahigpit na ipinag babawal ang mabanggit ang kahit na ano tungkol sa prinsesa dahil sa nawawala ito!" salaysay ko sa kanya "Pero Acer paano sya mahahanap kung wla naman sa kanyang nag hahanap?" tanong nya pa
"Dahil ang oras at panahon ang mag dadala sa kanya dito"
Tanging sagot ko
"Paano nyo malalaman kung sya ang prinsesa?" tsk ang dami atang tanong ng babaeng ito
"Sa darating na kaarawan ng prinsesa lalabas ang kanyang runes!"
"Paanong nag karoon ng mga black night?" sabi ko nga ang daming tanong ng babaeng ito
"Sa pag kakaalam ko nabuo ang black night dahil sa isang sakim na kaibigan ng hari at reyna gusto nyang sakupin ang Crystal light kingdom at maging ang ibang kingdom gusto nya mapatay ang kahit na isa sa aming mga nakatakda dahil Hindi makukumpleto ang element rune na maaring humadlang sa kanya kaya nais nya na mawala kami pero dahil sa hari at reyna naprotektahan kami maliban lamang sa kanilang anak at hanggang ngayun Hindi alam Kong nasaan ang prinsesa sana Hindi parin sya nakukuha ng mga black night sa oras na lumabas ang runes ng prinsesa kaylangan na naming kumilos para hanapin sya at sigurado na ganun din ang black night dahil sigurado sa mga oras na iyon mahina pa at Hindi pa kayang lumaban ng prinsesa dahil sa pag lipas ng taon nanahimik lamang ang mga black night pero sabi ni master tumindi ang pagka sakim ng black night dahil maging ang mortal world ay nais nilang balutin ng kadiliman kaya Hindi kami maaring maging kampante"
Mahaba kung paliwanag Kay Mira napagod bunganga ko dun ah
"Acer posible ba na narito din ang mga magulang ko? totoo ba ang mga sinasabi ng aklat Na to?" pag tatanong nya muli. Kaya tumango nalamang ako posible yun
Mira Sam POV
Napatungo nalamang ako ibig sabihin Hindi ko sila tunay na magulang bulong ko sa aking sarili parang tinutusok ang puso ko napatigil ako sa pag iisip ko ng biglang mag salita si Acer "Hindi man sila ang iyong tunay na magulang alam ko na alam mo sa sarili mo na mahal ka nila" napa tingin ako kay Acer pero dapat Hindi ko ginawa dahil sobrang lapit ng mukha nya sa akin
Dug dug dug dug
"Ah eh!" napa iwas ako ng tingin dahil sa weirdo kong puso ano ba naman to nakakahiya pero mas nakakahiya ata yung nag dadrama ka
"Grrrrrr!" Nagugutom ka na "grrrrrrr" sana hindi nya naririnig ang pag wawala ng mga alaga ko "grrrrrrrrrrrr"
Nakahawak ako sa tyan ko "Mga baby tahimik muna dyan!" mahinang bulong ko
"Ehem!" napatingin ako Kay Acer dahil sa pag tikhim nya
"Hanggang kaylan mo yan pipigilan? nag wawala na!" naiilang na sabi nya
"Hehe narinig mo?" awkward at para pang timang na tanong ko."Tsk tara na nga!" sabi nya tatayo na sana ako ng magulat ako ng
Bigla nyang hinawakan ang mag kabilang pisngi ko at may pinunas sa mag kabilang parte ng mata ko naiyak nanaman pala ako
"Sa susunod ayaw na kitang makitang umiyak!" malambing na sabi nya napatitig ako sa kanya parang nag init yung muhka ko .O ////////////////O ano ba nakain ng isang to at Hindi ko na tlaga ipapakain sa kanya tumayo na sya bigla akala ko iiwan na ako pero Hindi inilahad nya ang kanyang kamay sa harap ko "Tara na! namumula ka na baka magkasakit ka pa!" namumula? hindi ba dapat namumutla ang weird din ng isang to hayst! tumango nalamang ako at Tinanggap ang kamay nya
Dug dug dg dug ito nanaman ang puso ko hayst sana hindi nya naririnig nahahawa na talaga ako sa mga ka weirduhan ng mga to naku maari na akong maging makata babawiin ko na sana ang kamay ko pero itong abo na to naka singhot ata ng usok nya ayaw bitawan ang kamay ko magkasabay kaming pumunta sa cafeteria, pagdating sa cafeteria hiyang hiya na talaga ako sa tinginan ng mga tao sa paligid at ang mokong na to ayaw pa bitawan ang kamay ko hanggang makarating kami sa table ng aming barkada bago nya bitawan ang kamay ko
Sylvie's POV (semi fire runer) (bully ni Sam)
Mag antay ka lang Miracle Ashtrid Samantha malapit na ang araw na hinihintay ko, Malapit ka ng mawala sa landas ko at ng mga princess at prince namin.
****************************************
***********