#BitterBetter2
Previously...
"Hey! Hey! Sa'n niyo siya dadalhin? Pwede sumama??" Tuwang tuwa na sabi nito.
(-______-)"+++
Haaazeeeee!
Why did I ever forget na kalaban ang isang 'to?! Arrrgh!
"Huh! Sorry Pretty boy, pero masyado na kaming marami para magdagdag pa ng isa."
Pretty boy?! Yan?! Eww!
Bakla siguro 'tong si Kuya. Eeeew talaga!!
"Joke lang. Hahahahaha!" Tumawa na naman ito na mas lalo niyang ikina inis.
"Umuwi kana kung ayaw mong masaktan!"
"Okay.. okay. Uuwi ako, wag kayong mag alala. Wala akong balak sumama sa inyo. Sorry.. sorry.." parang baliw na sabi nito.
He really doesn't care.
He's the worst! Mommyy?? Bakit??
And now...
"But not unless you hand her to me." Napatingala siya.
Am I hearing things??
She never saw Haze this serious before. Dead serious na parang umiilaw ang mga mata nito...
Or is it just because of the moon kaya ganito ang mata nito??
He always has this easy-going face na kinaiinisan niya. Yung tipong di marunong magseryoso? Yung palaging patawa lang ang alam??
"Ano'ng sabi mo?!"
"Di maka intindi ng english?! Ano ba yan, sinisira niyo ang playing-hero ko eh!" Balik easy-going mode Haze na naman with matching kamot-ulo pa.
Oh God!
Is he for real?!
"PINAGLALARUAN MO BA KAMI?! HA?!" galit na sabi nung isa kaya napa higpit ang hawak nito sa kanya at napa ngiwi siya sa sakit.
"Hey! Sinasaktan mo siya!"
"PATI IKAW SASAKTAN KO!!"
"Subukan mo." Serious mode again.
"MAYABANG!! HUMANDA KA NANG MASIRA ANG MUKHA MO!"
"Huh. Tell it to yourself."
Sumugod na yung lalake pero hindi parin tumitinag sa kinatatayuan si Haze. Ipinamulsa pa nito yung mga kamay na mas lalong ikinainis ng mga gangster.
"Sobrang yabaaang!" But before he could punch him in the face, nauna na siyang tadyakan ni Haze kaya ayun, tulog.
Mahina...
"Aba't---hmmm. Magaling ka, pero marami kami!" sumugod silang lahat except sa taong may hawak kay Asher.
Pero silang lahat din, di manlang maka tama ng suntok kay Haze kahit wala itong ginagamit na kamay, dahil nasa bulsa lang nito. Puro tadyak lang ang pinag gagagawa niya.
Sobrang swift lahat ng kilos.. No wonder...
As expected from the heir of South Clan.. This is the first time I saw him fight.. And I can say that in our Clan, there's no match for him.
"S-Sino ka?! Bakit parang... Bakit..." nahihintakutang sabi nung isa, bagamat nakahandusay na ay nagagawa pa nitong magsalita.
Pero hindi ito pinansin ni Haze, ibinaling niya lang ang atensiyon kina Asher.
"Papakawalan mo siya, o sasaktan din kita?" Naka ngiting sabi nito.
"S-Sige! Subukan mo'ng lumapit." Naglabas ito ng kutsilyo at itinutok sa leeg ni Asher.
STORY CONTINUES BELOW

"Oops! Wag yan.. wag yan.."
"Huh! Takot ka 'no? Akala mo kung sino'ng magaling! Huh! Wag mo'kong mamaliitin! Kompara sa mga ugok na yan, may utak ako!"
"Oh talaga?"
Argh! HAAAAAZEE! Namangha kapa talaga?! Geez!
Pa'no ba 'to? Ako na nga lang ang kikilos, kaya ko naman siguro 'to.
"Oo! Tanga! Ngayon, kung ayaw mo'ng mamatay ang babaeng 'to, susundin mo lahat ng sasabihin ko."
"Oh? Bakit naman?"
"ANO'NG BAKIT?! NAKIKITA MO BA 'TONG HAWAK KO?! KUTSILYO DIBA? KUNG HINDI KA SUSUNOD, PAPATAYIN KO ANG BABAENG 'TO!!"
Mukha ni Asher --> (-______-)
"Ahh. Okay, gets ko na!"
Geez Haze!
I am supposed to be the younger one here. Bakit para kang bata dyan?! Tss.
Bahala na nga!
"Mabuti at nakuha mo din. Ngayon lumuhod ka at bubugbugin ka ng mga kasama ko, kung gumanti ka, patay 'tong babae."
"Okay." Anito pero hindi parin lumuluhod..
What are you planning?!
Pero ano ba Asher, gumising ka. Hindi yan magpapabugbog para sayo.
Without waiting for Haze to kneel down, na sa tingin niya ay di nito gagawin, she bend her knees a little and grab the man's hand that holds the knife and toss him in the air.
Well done.
"Ack!" Hiyaw nung lalake. Tatayo pa sana ito nang magsalita yung isang lalale kanina na tanong ng tanong kay Haze kung sino ito.
"Waaag na! Tama na Sid! Wala tayong laban sa kanya!"
"Ano'ng wala?! Isa lang siya! Magpapatalo ba tayo dyan?! Ha?!"
"S-Siya... Siya ang Dancing War God ng Mundo ng Mafia!"
"A-Ano?! Pa'nong---"
Haze just smirks at them at naglakad na patungo kay Asher na obviously naguguluhan rin sa sinabi nung lalake.
"Uwi na tayo." Parang wala lang na sabi nito. "Ay nga pala.." lumingon ito at napa atras naman yung mga lalake. "No worries, wala akong gagawin sa inyo, kaya chillax.. hahaha!" Baliw mode.. "Pero pag ginalaw niyo ulit ang asawa ko, papatayin ko kayo" seryoso mode.
Sfx: bathump!
Hey..
Weird. Kaninong puso yun? It's not mine, for sure...
N...Not mine..??
Sa kotse...
"Haay.. Gutom na'ko." He's back to his usual self kaya medyo nabawasan yung tensyon na nararamdaman ni Asher.
But why the hell am I tense?!
"Oh. You're really such a handful." Anito at inilagay sa kanya ang suot nitong jacket.
Sfx: bathump!
Seriously?!
"Ano? Di ka makapagsalita dyan? You did well."
"Well?! Ni hindi nga ako makalaban eh.."
"Haha. Don't get so frustrated. Okay lang yan. K---"
"It's not okay! Kung hindi ka dumating dun, ewan ko nalang kung sa'n ako pupulutin! Nakaka.... ugh!" It really frustrates her. VERY MUCH.
"HAHAHAHA!"
"PAGTATAWANAN MO NA NAMAN AKO?!"
"Oh.. haha. Sorry, sorry. I din't mean to. It's just that... errm, thankful ka na dumating ako?"
"Hmmp!" Itinuon niya nalang ang paningin sa daan. Masyado nang malaki ang ulo nito paea palakihin niya pa.
"Haha. So you are." Akusa nito. Hindi naman siya komontra dahil totoo naman, hindi nga lang niya aaaminin. Ma ge-gets rin naman siguro nito iyon. "Hahaha! You're so cute Asher.."
Sfx: bathump! Thump!
"Mag drive kana nga lang! Gusto ko nang umuwi!" Singhal niya rito without looking at him. Alam niya kasing pulang-pula ang mukha niya.
"Hahaha. Okay. At your welcome Asher.." pang aasar pa nito.
"Idiot!"
"Kwits na tayo."
"Huh?" Bigla tuloy siyang napalingon.
"I made you angry kaninang umaga. So I'm sorry. Peace na, okay?" Nagulat siya sa iginawi nito kaya napatango nalang siya.
Unlike her, he said sorry. Siya, ni sabihing thank you hindi niya magawa at sinisigaw sigawan pa niya ito.
Hindi naman nagtagal, nakarating sila ng bahay at inuna na muna nila ang pagkain.
"Sigurado kang sasabay kang kumain sa'ken??" Tanong ni Haze nang umupo siya sa hapag.
"Gutom ako."
"O-Okay. At nga pala, tawagan mo si Claire, alalang alala yun sa'yo. Atleast let her know andito kana."
"I will."
And for the first time in forever hindi sila nagbangayan hanggang sa nagpunta sila ng kwarto para matulog. Pero bago yun, naglinis muna si Asher na tinulungan ni Haze. Kung makikita siguro sila ni Claire ay mag f-freak out ito.
It's past 12mn na sila nang matapos, at sa sobrang kapaguran hindi na nailagay ni Asher ang malaking unan sa gitna nila, diretso na silang natulog.
***
#BitterBetter2
©Nezzzy113/Leypotato
---
A/N:
Is it the start of their good relationship? Find out. :)))